What to Do If Your Barkada Sucks at Taking Travel Photos

Ang hirap hirap magplano ng barkada trip, kaya congrats sa mga nakulayan na ang drawing! Pero kung ang ending niyan ay wala kayong matinong documentation na natuloy ang barkada trip niyo, anuna? Baka matagal na namang panahon ang lumipas bago maulit yan. Para naman may mabalik-balikan kayo (at para rin mainggit yung kabarkada niyong hindi sumama), galingan niyo rin sa pagkuha ng barkada travel photos!

Alam naming the struggle is real para sa mga barkadang walang talent sa photography. Pero guess what? May pag-asa pa kayo, mga besh! Sige lang at basahin mo ang article na ito para sa ilang tips and tricks kung ang barkada mo ay hindi marunong kumuha ng barkada travel photos.

Basahin din ito: 6 Ways Para Makulayan Na Ang Matagal Nang Barkada Drawing

1. Mag-research nang mabuti

Tulad na lang ng group work niyo sa school, importante ang research skills at teamwork sa pag-achieve ng magandang travel photos. Isama niyo na sa itinerary planning niyo ang pagtingin tingin ng magagandang tanawin na pwedeng backdrop ng mga picture niyo.

I highly recommend na gamitin niyo ang geo-tag feature ng Instagram! I-search niyo lang ang lugar na pupuntahan niyo — be as specific as possible! — at makakikita na kayo ng sandamakmak na travel photos. At hindi lang basta basta travel photos ang makikita niyo. Kadalasan, travel photos with models na pwede niyong gayahin ang karamihang laman ng Instagram (more on this later)!

2. Planuhin ang mga #OOTD

Kapag marami na kayong inspiration para sa barkada travel photos niyo, oras nang magplano ng isusuot. I-akma niyo sa itsura ng lugar yung mga susuotin niyo. Pero syempre, take note pa rin ang panahon sa pupuntahan niyo! Baka naman ang gayahin niyong porma ay sa traveller na summer nagpunta sa destination, tapos winter ang trip niyo. It’s a no no! Hindi magandang tignan sa picture yung nanginginig ka. Wag kang maniwala sa tiis ganda, friend.

Mas mainam rin kung synchronised ang mga suot niyong magkakabarkada. This way, kahit fail ang posing niyo, stand out naman ang #OOTD niyo. Hindi ko sinasabing mag-couple shirt kayo. (Though pwede naman. Kanya kanyang trip.) Kahit iisang tema lang ang sundin niyo, para maganda sa mata. For example, lahat kayo naka-solid colors. Ganern!

3. Mag-save ng barkada travel photo pegs

Paulit-ulit namin itong sinasabi sa mga travel photography articles namin. Kung awkward kayo, mas madadalian kang mag-pose kung may ginagaya kayo. Mahirap mag-isip ng posing on the spot, ‘no! Kung sawa na kayo sa puro ngitian shots niyo, oras nang mag-research ulit.

Kumulekta kayo ng barkada travel photos mula sa Internet. Marami nito sa Google Images at kung saan saan pa. Pwede rin ka maghanap ng mga picture mula sa iba’t ibang travel blogs at travel stories. I-save niyo sa inyong phones ang mga barkada travel photo pegs na ‘to. Pagdating ng pictorial, gagayahin niyo na lang ang pictures!

4. Mag-practice kayo sa bahay

Tutal mahaba naman ang panahon bago matuloy ang barkada trip niyo, mag-practice muna kayong umawra sa kanya-kanyang bahay. Okay ‘to, kasi hindi kayo masyadong feeling pressured na gandahan agad ang mga kuha. Pwede rin kayong mag-practice sa hotel na pagii-stay-an niyo, pero malamang makalilimutan niyo na ‘to pagdating dun. Kaya subukan niyo talagang mag-practice na lang sa bahay.

Importanteng komportable na kayong mag-picture pagdating ng trip niyo, para iwas kaarethan. Please, huwag kayong gumaya sa ibang travel groups na isang oras kung mag-posing sa tourist spot, lalo na kung maraming nakapila para sa photo ops. Be sensitive, mga besh.

5. Assign a photographer

Malamang, lahat kayo gusto ng travel photos, mapa-group shots man ‘yan o solo. Para sa ikaliligaya ng lahat, mag-assign kayo ng photographer niyo. Kayo na bahala kung paano niyo gagawin ‘yan. Gusto niyo bang may isang photographer para sa buong trip? Gusto niyo bang may isang taong assigned mag-picture bawat araw?

Magandang ideyang may designated photographer, kasi maraming photogenic moments ang trip. Minsan, ang mga stolen shots pa natin ang pinakamagaganda!

6. Magpa-picture sa tour guide

Iba rin ang talent ng mga tour guide sa panahong ito. Alam nilang importante na ang photography skills, kaya karamihan sa kanila magaling mag-picture. Yung ibang mga photographer nga, nag-didirect pa! Eh kung wala talaga kayong pag-asa sa photography, iasa niyo na lang ito sa iba. At syempre, mas maganda ang barkada travel photo kung lahat kayo kumpleto.

Pwede rin namang mag-groufie kung may selfie stick kayo, pero iba pa rin ang kuha ng photographer. Isipin niyo: Paano kayo magju-jump shot kung hawak hawak niyo ang camera? Hassle, diba?

7. Enjoy enjoy lang, mga mars

Tandaan, isang aspeto lang ng matagumpay na barkada trip ang barkada travel photos. Huwag niyong masyadong seryosohin! Minsan, nakasisira rin ng travel experience kapag masyado tayong naka-focus na magpaganda #ForTheGram. Balance is key!

Kung masyado kayong feeling pressured makakuha ng maayos na barkada travel photos, baka hindi niyo na ma-enjoy ang trip niyo. Pwede niyong subukang mag-designate ng “barkada travel photo” day, at doon kayo umawra ng todo! Magkaroon din kayo ng mga araw na banned ang picture-taking, para masubukan niyo naman ang “living in the moment” na travel experience. Quality over quantity pa rin dapat ang pictures niyo.

Basahin din ito: Umawra Ka! Instagram Tips Para Sa Mga Mahinhing Traveller

Ngayong alam niyo na ang tips and tricks na ito, siguradong makakukuha na kayo ng Instagram-worthy barkada travel photos. We believe in you, mga besh! Kayang kaya niyo ‘yan!

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles