23 Cute at Murang Pasalubong na Mabibili sa Korea

Kapag pumupunta ako sa ibang bansa, hinding-hindi ko talaga nakakaligtaan ang pagbili ng pasalubong para sa aking pamilya at mga kaibigan sa Pilipinas. Nang magpunta ako sa Korea noong Dec 2016, pinili ko’ng bilhin ang mga cute at murang bagay na ito kaysa sa karaniwang keychains. Alam mo bang ang ilan sa mga ito ay nabili ko lang sa halagang ₱42.5? Sobrang mura, diba?!

Basahin din ito: Top 13 Korean Souvenirs That Friends Will Love You For

Hindi nakakain

1. Medyas

Ito ang pinaka safe, cute at murang bagay sa listang ito. Makakapili ka ng iba’t ibang kulay at disenyo gaya ng cartoon characters, mga hayop, bandila, at marami pang iba.

Mabibili sa: Myeongdong Underground Shopping Centre; Insadong
Presyo: ₱42.5 kada piraso

2. Chopsticks

Sa sobrang ganda, magdadalawang isip siguro ang mga kaibigan mo na gamitin ito.

Mabibili sa: Myeongdong Underground Shopping Centre; Insadong
Presyo: ₱425 kada 10 piraso = ₱42.5 kada piraso

3. Nail clippers

Alam kong sinabi ko na hindi ako bumili ng keychains, pero itong mga nail clippers ay may dual purpose. *wink*

Mabibili sa: Myeongdong Underground Shopping Centre; Insadong
Presyo: ₱300-425 kada 10 piraso = ₱30-42.5 kada piraso

4. Pouches

Ang multi-coloured pouches na ito ay perfect para sa mga girly BFFs mo.

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱60 kada piraso

5. Wallets

Pwede din itong mga wallets para sa mga girl friends mo!

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱130 kada piraso

6. Bookmarks

Para sa mga bookworm friends mo!

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱85 kada piraso

7. Ball pen set

Yes, may keychain ang set na ito pero may ballpen din! Excuses, excuses. Pero mahalaga din naman ito.

Mabibili sa: Myeongdong Underground Shopping Centre
Presyo: ₱425 kada 4 piraso = ₱106 kada piraso

8. Mga bagay na gawa sa papel

Sigurado akong magugustuhan ito ng mga artsy friends mo. Makakapili ka ng iba’t ibang bagay na gawa sa papel gaya ng hand fans, paper bags at stationery.

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱100-130 kada piraso

9. Salamin

Ibigay mo ito sa mga kaibigan mong vain! Haha!

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱130 kada piraso

10. Wall decor (paintings)

Sa sobrang ganda nila, hindi ko masasabi kung totoo or hindi ang mga paintings na ito. Gayunpaman, magandang pasalubong ito para sa pamilya mo dahil gagawin mo rin naman itong palamuti sa bahay.

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱130 kada piraso

11. Animal figurines

Kahit na madaling mabasag, ang mga animal figurines na ito ay maliliit kaya madali mo lang silang maiuuwi.

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱170 kada piraso

12. Zodiac figurines

Kung ikaw ay naniniwala sa lucky charms!

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱200-300 kada piraso

13. Scarves

Bumili kami ng tig-isa para sa mga nanay namin. Hindi ko sinasabing pang matanda lang ito pero siguradong matutuwa rin ang mga nanay niyo pag binigyan niyo sila ng scarf galing Korea.

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱200 kada piraso

14. Stuffed toys

Para sa iyong mga pamangkins at inaanaks! Ang cute nila, diba?

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱600-1,000 kada piraso

15. Bags

Bumili ako ng isa para sa sarili ko! Lahat ng bags dito, kahit anong laki at kulay, ay mabibili mo lang sa halagang ₱425 (₩10,000) kada isa! Siguradong makakabili ka rin gaya ko.

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱425 kada isa

16. Face masks

Image credit: innisfree

Hindi ako fan ng mga beauty products, pero pag binibigay sila for FREE, sino ako para tumanggi? Kung maglalakad-lakad ka sa Myeongdong, may mga skincare shops na nagbibigay ng libreng face masks. Nasa sayo na kung kukunin mo o hindi.

Basahin din ito: 10 Tips for Shopping in Myeongdong

Mabibili sa: Mga skincare shops sa Myeongdong
Presyo: ₱42.5-200 kada piraso

17. Body creams

Maliban sa face masks, baka gusto mo ring mag uwi ng isang pack ng body creams?Maganda kasi ang packaging, eh!

Mabibili sa: Mga skincare shops sa Myeongdong
Presyo: ₱700-1,200 kada set

Nakakain

18. Pastries

Ang mga pastries na ito ay sobrang mura at magandang subukan!

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱20 kada piraso

19. Mochi-like snacks

Subukan mo rin ang mga mochi-like na pagkaing ito. Hindi lang ako sigurado kung masarap. Kinain kasi lahat ni BF.

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱42.5 kada pack

20. Korean jellies

Bigyan mo ng isang pack ng Korean jellies ang mga sweet tooth mong kaibigan!

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱85 kada pack

21. Korean candies

Bumili ka na rin ng isang pack ng Korean candies!

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱200 kada pack

22. Dragon’s beard candy

Kung pinanood mo ang video, sigurado akong naaliw ka. Paano nalang kung nakita mo ito nang live? Ang Dragon’s Beard Candy ay may sari-saring flavours — peanut, almond at chocolate. Subukan niyo lahat!

Mabibili sa: Insadong
Presyo: ₱200-300 kada box

23. Lotte Mart food items

Kung wala kanang oras pumunta ng Insadong o Myeongdong, pwede ka namang pumunta sa Lotte Mart outlet kung saan makakabili ka ng samo’t saring pagkain at snacks. Basahin ang 12 Must-Buy Food Items from Korea’s LOTTE Mart para alam mo kung ano ang bibilhin.

Mabibili sa: Kahit saang Lotte Mart outlet
Presyo: ₱200-425 kada pack

At yun na nga! Sana makatulong ang listang ito sa paghahanap mo ng pasalubong galing Korea! 😉

Isinalin galing sa (translated from): 23 Cute & Cheap Souvenir Items to Buy from Korea

Published at


About Author

Charmaine Acha

Author at TripZilla

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles