The promise of new flavours beckons from Banawe.
Kumakain ang barkada mo sa labas. Naglolokohan. Nagtatawanan. Nagkekwentuhan tungkol sa love life, problema sa trabaho, o ambisyon sa buhay. Kaya naman habang nginunguya mo ang paborito mong fried chicken, naiisip mo na lang bigla: Napakasaya namang kasama ng mga kaibigan ko. Sana, makapag-travel din kaming magkakasama.
“Nakita niyo ba ‘yung post ni ganito sa Facebook? Tara kaya doon?” babanggitin mo sa kanila. Syempre, mae-excite din sila. Gagawin niyo na ang rough draft ng itinerary niyo. Titignan niyo na kung saan magandang pumunta. Magpaplano na kayo ng titirhan. Mag-aassign ng barkada travel roles. Ise-set niyo na rin ang magiging budget niyo.
Tapos, magse-set na kayo ng date… at doon na magkakandaleche-leche ang buhay niyo, dahil ang common free time niyo lang ay five weekends from now. Red flag alert!!! Drawing na yan.
Basahin din: 7 Signs Na Drawing Ang Susunod Na Barkada Trip Niyo
Ganito ako kasiguradong magsalita dahil ilang beses nang nangyari sa akin ito. Isa na yata akong magnet para sa drawing na lakad. Kabisado ko na ‘yan, bes. Kaya naman, tila isang milagro nang matuloy ang lakad naming magpipinsan noong isang buwan. Sa buong buhay naming nangangarap mag-travel together, doon lang talaga siya natuloy.
Bakit?
Dahil pagkatapos naming mag-ayaan, lumarga na kami kinabukasan.
Isang araw, napagpasiyahan kong pumuntang Baler. Nang magpaalam ako sa tatay ko, inaya ko na rin siya dahil alam kong gusto rin niyang mag-surf. Laking gulat ko na lang nang pumayag siyang lumuwas kami kinabukasan din — inaya pa niya ang kapatid ko! Dahil tatlo na kaming siguradong matutuloy, nag-chat na ako sa group chat naming magpipinsan: “Pupunta kaming Baler bukas. Sinong sasama?”
May dalawa akong pinsan sa Baguio, at pareho silang napaka-busy. Biruin mo, law student iyong isa at doktor naman iyong isa pa. Hindi ko inakalang sila pa ang unang o-oo.
Syempre, hindi ito naging madali. Nagbigay pa ako ng listahan kung bakit dapat sila sumama. Ako na rin ang nagsabi kung anong magiging budget nila at kung paano sila madaling makararating sa Baler.
Dahil itong dalawang ito ang madalas mahirap ayain dahil sa tight schedules nila, na-inspire na ang iba naming mga pinsan. Noong una, maraming may lakad ng mga araw na iyon. Lahat sila, nag-cancel ng kani-kanilang lakad para makasama rin!
Sa paga-adulting, mahirap nang magkaroon ng schedule na swak sa lahat. Para mas madaling mabuo ang barkada sa lakad, importante ang pagko-kompromiso sa schedule.
Hindi kami sabay-sabay bumiyahe, pero nagkaabutan naman kaming lahat sa Baler. Dahil dito, walang pressure para kahit kanino na ipagpilitan ang schedule nila sa schedule namin. Naging mainam ding walang babiyahe mag-isa, kasi mas madaling umatras kung walang kasama.
Syempre, natakot pa rin akong may makalimot ng plano o may mawalan ng gana. Hindi ko hinayaang mawala ang excitement ng mga pinsan ko kaya maya’t maya akong nagu-update sa GC namin. Kada galaw namin, nagse-send kami ng picture sa GC. Kasama na rito ang pagi-impake, pagsakay ng bus, at pagdating sa resort.
Buti pa ang biglaang lakad, natutuloy. Pero, bakit nga ba?
Ito ang tanong namin sa isa’t isa nang matuloy na ang lakad namin, pero walang nakasagot. Kaya naman, naisipan kong pag-aralan kung bakit nga ba ganito ang sitwasyon natin. Nakagugulat dahil kahit ang kaibigan nating si Google, hirap maintindihan ang kababalaghang ito.
Dahil dito, karamihan ng sasabihin ko ay pawang mga teorya ko base sa sariling obserbasyon at kaunting pag-aaral ukol sa siyensya ng biglaang lakad. (Disclaimer lang: Hindi ako scientist, kaya huwag niyong agad-agad isubo ang mga sasabihin ko.)
Biglaan nga, eh. Kapag agad-agad ang biyahe, wala nang oras ang kahit sinong mag-dalawang isip pa. Kung mas matagal niyong pagplanuhan ang biyahe, mas mapapaisip ka kung worth it ba ito. Kaya go for biglaang lakad, para walang mag-overthink! Huwag kayong ma-stress sa ideyang ito. Madalas naman, hindi masamang desisyon ang pag-travel, lalo na kung kasama ang mga mahal niyo sa buhay.
Alam niyo ‘yan. Mas madali ang buhay natin kapag inaasa natin sa iba, kaya kahit si Batman nadadamay sa proseso ng pagdedesisyon natin. Minsan, pangit na ugali ito; minsan naman, may ikagaganda rin siya.
Kaya naman nagkaroon ng ganitong pag-iisip sa mga Pinoy ay dahil malakas ang pananampalataya natin sa Panginoon. Oo, kailangan nating umaksyon din hanggang sa makakaya natin; ngunit kapag wala na tayong magagawa, ibinibigay na lang natin sa Diyos ang resulta. Tuwing ginagawa natin ito, nagkakaroon tayo ng kapayapaan kahit marami pa tayong bagay na hindi alam. At sa biglaang lakad? Marami talaga tayong masasalubong na problemang hindi natin alam paano sosolusyonan. Pwes, diyan na natin masasabi: “Bahala na si Batman.”
Kung ilang buwan pa ang hihintayin para sa lakad niyo, mas marami pa kayong oras na tamarin. Hindi tulad ng kung malapit na ang biyahe mo, buong pagpaplano mo, excited ka! Magmamadali kang mag-impake. Bibilisan niyong gumawa ng itinerary. Araw-araw kayong magsasabihan ng: “See you soon!” Sa madaling salita, walang magkakahiyaang maging masyadong nasasabik, kasi malapit naman na talaga ang lakad niyo. Reasonableng wala na kayong ibang bukambibig maliban dito.
Mahirap ang biglaang lakad. Marami kayong problemang haharapin tulad ng paghahanap ng budget, pagbo-book ng flights at hotels, o pagtapos ng lahat ng tasks sa opisina. Sa pamamagitan nito, lalo kayong maeenganyong gumawa ng paraan para lang matuloy ang lakad niyo. Excited kayo, eh!
Sabi sa psychology, tuwing spontaneous ka, natural na lumalabas ang pagiging maparaan mo. Mas creative ka rin! Kung maparaan at creative ang isang tao, lahat ng hamon mahaharap niya. Lahat ng pagsubok, kakayanin niya. Kaya naman, kung maraming hadlang ang planadong biyahe, biglaang lakad lang talaga ang solusyon!
Fun fact: Sa pag-aaral ni Propesor Edward Slingerland, importante din ang maya’t mayang spontaneity para lalong maging productive ang isang tao. Minsan, mas madaling mag-aya ng busy na tao kung biglaan ang lakad.
Hindi lahat ng pressure, masama. Isipin niyo: Natapos mo lang thesis mo dahil may deadline kang kailangang abutin.
Tulad ng nangyari sa amin, mas marami talagang sumasama sa lakad dahil sa peer pressure. Kung sunod-sunod ang pumapayag na sumama, mas mahihikayat kayong kanselahin lahat ng commitment niyo para makasali sa saya. Madalas kasi, ang naiisip natin: Minsan lang naman, eh. Totoo naman. Minsan lang talagang magkamilagrong pwede ang lahat — kaya gawan niyo na ng paraang makakasama rin kayo! Pwes, itong lakad lang na ito ang pag-uusapan niyo sa bawat reunion, kaya siguraduhin mong hindi ka mao-OP.
Basahin din: 6 Ways Para Makulayan Na Ang Matagal Nang Barkada Drawing
Mahirap ang biglaang lakad, pero lagi rin itong masaya. May kwentong biglaang lakad din ba kayo?
Published at
Get our weekly tips and travel news!
The promise of new flavours beckons from Banawe.
Spread the good word!
10 days in Southern Vietnam with less than ₱15k budget. Learn how this Filipina did it!
Looking for a weekend bonding with the family under ₱500? Head to these places, pronto!
Live your best life in Manila, even when you’re riding solo.
Change of plans for NYE.
Pinoy pride!
Cavite to Manila just got easier.
Make the most of the free ride from this mall.
Second time in two years.