Bakit Hindi Mo Dapat Ikahiyang Kumain Ng Fast Food Abroad

Matagal na ako kumakain sa fast food restaurants tuwing lumalabas ng bansa. Para sa akin, ito ay karaniwan na gawain bukod sa makakatipid ka pa. Ngunit, marami pa ring nanghuhusga online sa mga tulad ko at nagsasabi na sinasayang lang namin ang biyahe at pera kung kumakain kami ng fast food sa ibang bansa. Bakit daw hindi na lang kami humanap ng lokal na pagkain at sariwang luto na pasok sa banga? Sa ganitong paraan, mas mananamnam  daw namin ang kakaibang kultura.

May punto naman sila. Pero bakit hindi nalang kumain ng fast food AT pumunta sa isang lokal na restaurant? May naibibigay din namang kakaibang karanasan sa mga travellers ang pag kain ng fast food sa bagong bansa. Ito ang mga dahilan kung bakit hindi mo dapat ikahiyang kumain ng .

Basahin din ito: Nawawalang Passport: Gawin Lamang Ito!

1. Maaaring may kaibahan ang pagkain sa local branch ng isang bansa kumpara sa branch ng bansa mo

Kung iniisip mo na pareho ang menu ng McDonald’s sa Austria sa menu ng “McDo” sa Pilipinas, magugulat ka na lang. Ang fast food chains ay mahilig gawing lokal hindi lang ang menu kundi ang ingredients ng mga pagkain nila batay sa kinalalagyang bansa. Isipin niyo na lang ang McDonald’s, mas malaki ang serving ng burgers at fries nila sa USA kaysa sa Pilipinas. Mas sariwa rin ang burger patties nila sa kanilang European branches. Sa rami ng suppliers ng ingredients at ulam sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, subukan mo na lang sukatin ang lawak ng pagkakaiba ng mga fast food chains na matatagpuan sa buong daigdig. Hindi ba, karapat-dapat lang nga silang lahat malasahan?

2. May matututunan ka pa tungkol sa fast food chains tuwing kinakainan mo ito sa ibang bansa

Noong pumunta ako sa Taiwan kasama ng kaibigan ko, pinuntahan namin ang KFC na malapit lamang sa aming hotel. Nang makuha namin ang aming order, nakita namin na hindi sila namimigay ng kutsara, tinidor at gravy. Akala namin na kailangan pa namin hingin. Yoon pala, hindi talaga nila sinasamahan ng utensils at gravy ang kanilang manok! At ganito raw pala talaga ang KFC sa maraming bahagi ng mundo. Kung tutuusin, sa Pilipinas lang may kultura na samahan ang KFC chicken ng lokal na gravy. Kinakamay pa nga ito sa ibang bansa! Kaya pala finger lickin’ good.

Basahin din ito: Naku! 10 Signs Na Mali Ang Kasama Mong Travel Buddy

3. Mas may karapatan ka magkumpara

Lahat naman tayo ay may karapatan na ihambing ang fast food branches galing sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Pero wala ring silbi ang paghahambing na iyan kung ikaw mismo ay hindi pa nakatikim ng ibang bersyon ng mga fast food restaurants tuwing nag-aabroad ka. Hindi mo naman pwedeng ipalagay na pareho silang lahat. Gaya ng sabi ko kanina, iba ang McDonald’s ng Europe sa McDonald’s ng Asia o USA. Mas mapapatunayan mo pa ang sarili mong opinyon tungkol sa mga fast food restaurants kung kumain ka rito. Mas alam mo na rin ang maaaring sabihin tungkol sa kanila at magiging kapani-paniwala ang opinyon mo dahil naranasan mo mismo ang pagkakaiba o pagkakapareho nila, hindi ba?

4. Bahagi pa rin siya sa karanasan

Maski saan o ano man ang kinakain mo tuwing nasa abroad ka, bahagi na ‘yan ng iyong karanasan. Wala naman talagang sayang tuwing sinusubukan mo ang iba’t ibang pagkain na hindi mo pa nalalasahan galing sa ibang bansa. Maski hindi mo nagustuhan ‘yung tinikman mo, may ideya ka na sa mga bagong lasa at amoy, at magkakaroon ka ng sarili mong opinyon ukol dito. Hindi naman magiging kapana-panabik ang travel kung hindi dahil sa mga karanasang tulad nito!

5. Malaking tulong siya sa budget travellers

Hulog ng langit ang fast food restaurants para sa mga budget travellers. At hindi rin dapat ikahiya na nagta-travel ka on a budget kasi pinapatunayan din nito kung gaano ka mapamaraan. Kung makakatulong sa’yo ang kumain sa fast food restaurants, bakit hindi?

6. Iba-iba naman tayo ng kagustuhan at panlasa

Sa fast food man yan o sa mahalin na kainan, hindi dapat natin hinuhusgahan ang ibang tao sa kanilang kagustuhan sa pagkain. Lahat tayo ay iba-iba ang pagkahilig. Hayaan mo nang kumain ang kapwa tao mo. Ganoon lang naman ka-simple.

7. Minsan, hinahanap din natin ang pamilyar

Image credit: Mike Mozart

Kung homesick ka na, minsan ang solusyon ay pagkain na nagpapaalala ng iyong bansa. Kung fast food restaurant ‘yan, ituloy mo lang! Kahit may kaibahan ang mga bersyon ng fast food restaurants sa iba’t ibang bahagi ng mundo, may natitira rin namang pagkakatulad sa lasa.

8. Mabilis siyang solusyon tuwing may kasama kayong bata na mapili sa pagkain

Minsan, kakain lang ang mga anak mo tuwing nasa fast food restaurant kayo. Hindi ‘yan umiiba tuwing nasa abroad ka. Ang mga bata ay hindi agad-agad masasanay sa bagong kapaligiran o kultura tulad ng mga matatanda, kaya baka mas mapili sila sa pagkain nila. Dalhin mo nalang sila sa fast food restaurant na mahilig nilang kainan sa Pilipinas. Tapos ang problema.

Kita niyo? Bucket list-worthy din ang pagsubok ng mga fast food chains abroad. Kaya isama niyo na ang pag-ibig niyo sa fast food sa inyong paglalakbay!


Isinalin galing sa (translated from): Why You Shouldn’t Be Ashamed Of Eating In Fast Food Restaurants Abroad

Published at


About Author

Therese Sta. Maria

Therese's close friends know that if they haven’t seen her around recently, then she’s probably having an adventure with her luggage and camera in hand. Though she loves staying at home and spending lazy afternoons with friends, there are times when she has to be "away from home to feel at home," — that’s when she’s bitten by the travel bug. See her travels on Instagram <a href="https://www.instagram.com/reesstamaria/">@reesstamaria</a>.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles