Filipino Backpackers & Their Disgusting Travel Habits

Nagta-travel ka bang iisang backpack lang ang dala, on a tight budget at madalas natutulog sa dormitories imbes na private hotel rooms (basically lahat na rin ng palatandaang nakalista rito)? Pwes, welcome sa samahan ng matatiyaga at mga palaban na Filipino backpackers!

Kahanga-hanga man daw ang ating travel style sa iba, mayroon pang mga aspeto sa backpacking chronicles natin ang hindi alam ng nakararami dahil, well, kadiri talaga at hindi na kailangang ipangalandakan pa. Aminin, makaka-relate ka sa kahit isa o dalawa sa mga ito, lalo na kung self-proclaimed hardcore Filipino backpacker ka!

Basahin din ito: The Worst Filipino Habits Every Traveller Should Get Rid Of

1. Paulit ulit nagsusuot ng parehong damit

Aha! Una pa lang, guilty ka na, ano? Ito na yata kasi ang pinakamadaling paraan para makatipid tayo sa bagahe. At, ang gaan din isuot ng backpack kapag kakaunting damit lang ang laman! Iyan, o talagang tamad lang tayo.

Hindi bale na kung ito’y pang isang lingguhan o pang-isang taon (kaway sa long-term travellers natin dyan!), may partikular na bilang ng mga damit lang tayong papayag dalhin. Para maka-survive, uulit-ulitin natin ito nang ilang araw bago labahan. Yung iba naman, maglalaba na lang, hindi pa ginagamitan ng sabon!

Kadiri level: 7 out of 10

2. Hindi na namimili ng pagkain

May mga pagkaing tinatawag na exotic o weird sa pantingin, pang-amoy at panlasa nating mga Pinoy, tulad na lang ng ating balut para sa mga dayuhan. Sa ilang tao, normal lang ang mga ito. Minsan naman, nariyan ang sadyang kakaiba in all forms at mapapaisip ka talaga.

Pero dahil nga sa tagtipid tayo, patol na lang nang patol sa kung ano ang kayanin ng ating budget. Ipagdasal na lang nating wala tayong allergic reaction at kahit papaano, malinis ang mga sangkap na ginamit sa mga ito.

Kadiri level: 6 out of 10

3. Hindi na naliligo

Sa mga solo Filipino backpackers diyan, to be specific, malamang umabot na tayo sa puntong umiiwas tayo maligo dahil paubos na ang ating siyampu at sabon na pangtatlo o apat na araw lang naman talaga. Minsan naman, dahil sobrang kuripot nga tayo sa pagpili ng titirhan, doon na tayo sa mga walang paliguan at literal higaan lang ang mayroon (sino pa tayo para magreklamo?).

Wala naman daw makakaamoy at makakapansin dahil nga madalas mag-isa naman tayo. Konteng hilamos o pahid ng baby wipes lang, basta feeling fresh, okay na! Sana lang marunong tayong makiramdam kung may kakaibang reaksyon na ang mga nakakasalamuha natin paminsan-minsan. Isipin din ang hygiene!

Kadiri level: 10 out of 10

4. Nagtitiis ng pagdudumi

Naranasan mo na bang makipag-agawan sa banyo tuwing ikaw ay nasa shared dormitory o homestay? Sa rami ng kasamahan mo, hirap ka nang makatsempo na makapagdumi sa puntong tinitiis ko mo na lang ito. Pwede ring sadyang nahihiya ka sa mga kasamahan mo sa kwarto kaya pinipigilan mo na lang. Not good! Isipin mo na lang normal lang ‘to, so no need to be shy, my friend! Kaysa naman lumala pa, diba?

Kadiri level: 10 out of 10

5. Pinagsasama ang mga maruruming gamit

A first time backpacking no-no? Mag-travel without packing cubes or ano mang klase ng organiser! Alam ko dapat carefree o anything-goes vibes lang tayo, pero minsan may mga basic rules din kasi tayong dapat na sinusunod pagdating sa travelling light. Dahil kinakalimutan (o sinasadya) nating gawin ito, naghahalo-halo na ang mga malilinis at maruming gamit natin — damit, basura o pagkain! Isipin mo na lang pagsasanay din ito para matuto tayo ng proper segregation methods sa mga panahong hindi tayo nagta-travel.

Kadiri level: 8 out of 10

Basahin din ito: 7 Pinoy Travel Habits na HINDI mo Dapat Ikahiya

Ano, perfect score ba? Huwag naman sana! Tandaan, kahit sa pagiging Filipno backpacker, may mga panuntunan at limitasyon ka pa ring kailangang sinusundan para sa sarili mo, dahil kadalasan, may madadamay ka ring ibang tao. Ika nga, if you can’t do it for yourself, do it for the others around you. Let’s all be responsible Filipino backpackers, okay? Peace out!

Published at


About Author

Joser Ferreras

Joser is a senior writer for TripZilla based in Manila, Philippines. He mostly covers travel, people, and business.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles