Spread the good word!
Drawing. Minsan, gawain ng mga talentadong pintor. Madalas, ‘yang mga barkada mong walang ibang ginawa kundi magpaasa tuwing may lakwatsa. Mapa-gala papuntang sinehan ni hindi nga makulayan, ano pa kaya ang trip sa matagal niyo nang pinapangarap na travel destination?
Pero huwag ka naman sana mawalan ng pag-asa (at maubusan ng pasensya). Hindi lahat ng plano ninyo ay hanggang lapis levels lang. Hindi nga rin kailangan iyong 64-pack krayola na lagi mong pinabibili sa nanay mo noong bata-bata ka pa! All you need are these simple yet proven effective tricks. Kung pagod na kayong naiiwan lagi sa ere ang travel plans ninyo, heto na ang push na kailangan ninyo! Basahin mabuti, okay?
Basahin din: 7 Tips for Easier Group Trip Planning
Alam kong marami sa inyo ang nangangarap makaranas ng ultimate spontaneous backpacking adventure. Pero hindi kasi ito para sa lahat, lalung-lalo na sa magbabarkada! Kung lahat naman kasi puro on-the-spot gagawin ay malamang halos wala talaga kayo makukulayan. Tapos international pa ang peg niyo? Good luck na lang!
Ang solusyon? Gawin na ang lahat ng booking in advance, lalo na kung may flights na kasali. Sa panahon ngayon, ang dali-dali na kaya maghanap ng affordable tickets. What’s more, hassle-free na rin ang booking kapag mayroon kayo ng travel essentials tulad ng GetGo Mobile App.
Gamit ang flight redemption feature ng GetGo Mobile App at ang naipon ninyong GetGo Points, kaunting swipes at clicks lang sa inyong smartphones ay may flight booking na kayo! Gamitin niyo na rin ang kanilang Low Fare Finder para mahanap ang flights na gusto at swak sa budget ninyo. Kaya sign-up na — pwede na kayo makalibre sa flights, may first dibs pa kayo sa seat sales!
Basahin din: Smart Travellers are Using the GetGo Mobile App & Here’s Why You Should Too!
BONUS TIP: SIGN UP FOR CEB GETGO PREPAID CARD HERE
Katulad sa klase o trabaho, hindi pu-pwedeng puro laro lang ang nasa isip ninyo. At the same time, hindi rin pu-pwedeng puro trabaho at kaseryosohan lang. Dapat, kombinasyon! Para mabalanse ito, try ninyong mag-distribute ng roles sa bawat miyembro. Siguraduhing mayroong tao na naka-assign sa budget (kaway sa mga mathematician diyan!), itinerary (‘yung mga magaling sa research), pagkain at accommodations. At syempre, kailangang may overall-in-charge o group leader din!
Oras na maplantsa ninyo na ang mga detalye, bakit hindi ninyo na rin subukang magpa-pop quiz? Para naman sure na lahat ay may alam sa plano! Baka kaya naman nawawalan ng gana kaagad ang mga kasama mo ay dahil nakalimutan niyo nang magsaya sa planning mismo? Kung mapanindigan ninyo ang energy level dito pa lang, what more sa actual travel ninyo?
Dapat gawin: Mag-take notes sa mga meeting para walang makaligtaan. Huwag ding kalimutang mag-set ng additional meetings habang papalapit na ang trip ninyo!
No, not grade conscious or gift certificate. Sa mundo ng millennials at mga babad lagi sa smartphones nila, it means only one thing: group chat. Isama na rin natin pati ang event page feature sa Facebook. My tip? Siguraduhing nakapangalan ang mga ito sa binabalak ninyong gala (e.g. Taiwan 2019, #JapanTasticCrew).
Pero ano naman ang laman? Of course, tadtarin niyo na ng mga relevant travel blogs, vlogs, photo pegs, at iba pang websites katulad ng GetGo. Gayan ng nabanggit ko kanina, mayroon silang tinatawag na Low Fare Finder na makatutulong pa sa pag-isip ng posibleng destinasyon ninyo (in case wala pa!). Ganito ‘yung mga galawan na magpapaalala sa bawat isa sa inyo na buhay na buhay ang gala, kahit hindi kayo madalas magkita-kita!
Bago pa man kayo maging official travel buddies, tandaan na first and foremost ay magkakaibigan kayo (yeee). Kaya naman natural lang na magtulungan din kayo kung kailangan para maisakatuparan ang gala ninyo… lalo na ‘pag dating sa budget.
Para gawin ito, aralin na ninyo ang art of splitting expenses. Sa ganitong paraan, walang malulugi, walang malalamangan, at lalong walang mawawalan ng gana na sumama! Travel as one, kumbaga. Tulungan niyo na rin ang isa’t isa sa tamang pag-iipon. Ang good news? Hindi niyo kailangang magutom para gawin ito!
Dapat gawin: Mag-avail ng CEB GetGo Prepaid Card, ang first-of-its-kind rewards (at reloadable) card na magbibigay sa’yo ng exclusive perks, freebies, at pati na rin ng FREE flights sa bawat gamit mo. Mapa-shopping, dining o simpleng pagsakay sa Grab, may GetGo Points kang maiiipon (1 GetGo Point for every ₱88 Visa transaction!). Kung gusto ninyong mag-level up, aba’y kuha na rin kayo ng CEB GetGo Credit Cards for more perks (tulad ng libreng extra baggage allowance, lounge access, and more)!
Magpakatotoo na tayo. Minsan, madaming factors din talaga ang nariyan kung bakit hirap na hirap kayo magkulay ng drawing. Pwedeng hindi niyo naabutan ang cheapest hotel deal, hindi sigurado sa work leave o ‘di kaya naman ay hindi mapagkasunduan ang mga pupuntahan sa inyong destination. Kaya kung ikaw ang nakatalagang group leader, sanayin na ang iyong barkada na iwasang sumagot ng mga ito (and anything similar):
“Kahit ano.”
“Kayo na bahala.”
“Pwede.”
Pa-neutral neutral pa kayo diyan. Tapos pagdating ng mismong gala, biglang sandamakmak ang reklamo? ‘Yung totoo. Kaya friends, matuto naman tayo maging decisive. Hindi lang ito para sa paggagala niyo, but life in general!
Dapat gawin: Simple lang — i-ban ang neutral answers tuwing nag-mee-meeting at ‘pag nasa biyahe na mismo. Pero wala ring pikunan, ha. Dapat nating subukang maunawaan ang isa’t isa. Minsan dito natin mae-experience ang tinatawag nilang “test of friendship”.
Basahin din: 7 Reasons Why Travelling is a True Test of Friendship
Oh, bago ka humugot diyan sa love life mo, hindi ito para sa’yo, okay? Isa-isahin mo ang miyembro ng barkada mo. Titigan nang mabuti ang kanilang mga litrato sa social media at subukang sagutin ang mga sumusunod na tanong: Lagi na lang bang nagpapalusot? Sukdulan ba sa katamaran? Mahilig ba ‘to mag-travel in the first place? Baka naman iba talaga ang trip niya sa buhay?
Minsan, kailangan lang ‘yan ng kaunting push. Mula saan? Edi sa’yo! Baka naman kasi isa ka rin sa kanila ano? Tutal ikaw naman ang nagbabasa nito (naks solid TripZilla follower ‘yan!), ikaw na ang mag-step up. Hangga’t may isang katulad mo sa grupo, hindi malayong matuloy ang lakad niyo.
Sa ibang oras naman, kailangan mo na lang talagang magparaya. Hindi dahil may kulang na isa, ay hindi na kayo mage-enjoy, diba? Bago pa kayo magkagulo-gulo, isipin ninyo na lang na may next time pa!
Basahin din: 5 Struggles of a Filipino Who Organises a Rare Barkada Trip
Ano, mag-aantay pa ba kayong pumuti lahat ng buhok ninyo bago tuparin ang dream barkada trip? Disiplina at teamwork lang ‘yan. At syempre, huwag kalimutan sundin itong mga tips para makulayan na (sa wakas) ang matagal nang barkada drawing. Lipad na, guys!
Inihahandog ng GetGo.
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Spread the good word!
Permission to feel like royalty even for a day?!
Looking for a weekend bonding with the family under ₱500? Head to these places, pronto!
Yes, family vacations are priceless. But the planning can be a major pain! If we’re being honest, we’d really prefer a stress-free experience, please. One of the biggest hurdles in planning an out-of-the-country trip with the family is getting visas for everyone on board. It’s time-consuming, expensive, and just generally very stressful. Luckily, there are […]
Jump in and test the waters. (Just don’t forget your SPF.)
Change of plans for NYE.
Pinoy pride!
Cavite to Manila just got easier.
Make the most of the free ride from this mall.
Second time in two years.