The only plastic we need for travel.
Habang tina-type ko ito, mayroon nang 342 milyong posts sa Instagram na may hashtag na #travel. Siguradong tataas lang ang numerong iyon habang tumatagal.
Napakadaling mawili sa travel — madali itong mahalin at kay sarap ding gawin. Wala ata akong kilalang ayaw mag-travel, puwera na lang kung takot silang bumiyahe, lumipad, o sumakay ng barko…pero ibang storya ‘yon.
Talaga nga namang goal ng karamihan ngayon ang maka-travel, kaya nga mayroong tinatawag na #travelgoals. Kasama rin ang travel sa maraming bucket lists. Tulad nga ng ipinapakita ng Instagram at ng hashtags dito, uso talaga ang travel ngayon.
Dahil pa sa social media, lalong sumikat ang travel, mula sa jetsetting hanggang sa backpacking at hitchhiking. Hot na hot ito ngayon, at mukhang mananatili itong uso hangga’t mayroong netizens na nag-li-like at nag-sha-share.
Ngunit alam naman nating mayroon ding masasamang emosyon na dala ng pag-ibig. Dahil sa nakakaaliw na mundo ng #travelgoals at #travelspiration, mayroon din naman travel shaming. At doon natin makikilala ang pangit na katotohonang hinaharap ng iilang tao: ang travel envy. Oo, totoo ang travel envy at isa itong ugaling nagnanaknak na parang sugat. Buti na lang, andito kami para pag-usapan ito.
Basahin ito: Why We Have to Stop Travel Shaming
Nangyari na ba sa’yo ito? Nakakita ka ng travel post na maganda sa social media at bigla mong naramdamang sana andoon ka rin. O ‘di kaya, napanood mo ang IG story ng kaibigan mong madalas lumipad sa ibang bansa at ang saya! Pero bakit parang mas nalungkot ka lang?
Sa simpleng pagkakataong iyon, maraming bagay ang pwede mong maisip at marami ring emosyon ang pwede mong maramdaman.
“Bakit kaya ang dalas niya maka-travel?”
“Paano niya afford ‘yun?”
“Ahh, baka wala siyang desk job. Hindi ‘yan nakatutok sa computer niya 24/7.”
“Bakit kaya hindi ko magawa ‘yan? Pagod nako kaka-ipon.”
“Travel post na naman?! Ano baaaa!”
“Napaka-purita ko. Hindi kaya ng sweldo ko ‘yan.”
“Ilan ba vacation leave niyan sa isang taon?!”
Pwede mangyari kahit kanino ‘yan.. Ayan na nga ang tinatawag nating travel envy — ‘yung labag sa loob mong nakaka-travel sila sa mga dream destination dahil ikaw, hindi pa. Pero hindi ba’t napakalungkot naman noon? Dahil lang sa isang picture o post, affected ka?
Kung iisipin mo, ang labo nga naman. Dapat tayong ma-inspire at ma-connect ng travel. Pero dahil sa travel envy, iba ang nagiging epekto nito. So bakit nga ba nagkaka-travel envy?
Madalas manggaling ang ganitong klase ng bad vibes sa pagiging hindi kuntento. Pag-isipan mong mabuti. Madali lang sabihin na sumama ang loob mo dahil sa travel story ng isang tao — dahil nagpapakita ito ng hindi makatotohanang ideya ng buhay. Pero kahit baliktarin mo pa ang mundo, social media account nila ‘yon…at buhay nila ‘yon. Mas mabuti sigurong ito ang pag-isipan mo: Lifestyle ba nila ang kinalulungkot mo, o lifestyle mo?
…o sabi nga ng mga kabataan ngayon, #FOMO (fear of missing out) — ‘yan ang isa sa mga trigger ng travel envy. Kapag nakikita nating nagagawa ng ibang tao yung mga pangarap nating gawin, pakiramdam natin, napagiiwanan tayo. Pero hindi mo dapat kainisan ang hindi mo karanasan. Hindi nila kasalanang andoon sila at ikaw, hindi. At hindi mo rin kasalanang andiyan ka sa kasalukuyan mong kinalalagyan. Minsan, ganoon talaga ang buhay. Gusto natin pumunta sa ibang lugar, pero inilulugar rin tayo ng tadhana.
Ito ang problema kapag gustung-gusto natin ang hindi atin o ang wala sa atin. Bakit hindi na lang tayo yung nasa Paris ngayon? Bakit hindi tayo ang naghahabol ng northern lights? Kailan ko kaya matatanaw ang Alps? Pag hindi ka kuntento, pakiramdam mo napagiiwanan ka na at dahil doon, mababanas ka na sa kinalalagyan mo sa buhay. Pakiramdam mo, lagi ka na lang nabibigo. Domino effect lang ‘yan. Pero isa itong cycle na kailangan mong putulin, kundi paulit-ulit mo siyang mararanasan.
Palagay ko’y liliwanag naman ang iyong buhay kung tigilan mo na ang kakakumpara mo ng sarili mo sa iba — dahil diyan nagsisimula ang pagiging hindi kuntento. Kaya tigilan mo na yang ugali mong laging nagkukumpara. Marami pang negatibong emosyon ang maiiwasan mo ‘pag ginawa mo ‘yun.
Ahh, social media nga naman. May tama, pero may mali rin. Minsan adik na adik ka rito, minsan naman isinusuka mo ang social media. Lagi mo lang dapat tandaan na hindi totoo ang lahat ng nakikita mo sa social media. ‘Wag kang basta-bastang maniniwala roon. Lahat ng tao binibigyang effort ang ipinapakita nila on social media — at hindi lahat ay nagpapakatotoo rito.
Pero tao lang tayo lahat. May travel envy talaga eh, at nangyayari talaga siya tulad ng selos o galit. Kung maramdaman mo man ang travel envy pagkatapos mong makarinig ng paglalakbay ng ibang tao sa napakagandang lugar, ito ang iilan lamang sa mga pwede mong gawin.
Dapat positive lang ang travel. Tungkol ito sa mga bagong karanasan at sa pag-explore ng mundo. Kung bibigay ka sa isang napaka-pangit na emosyon na tulad ng travel envy, para mo na rin sinisira ang purpose ng pagtravel . ‘Wag ganun. Kaya ‘wag ka na rin mag-comment sa post na nag-trigger sa’yo — ‘wag ka rin mag-PM! ‘Wag rin yung comment na pailalim or passive agressive. ‘Wag mo rin kaawan sarili mo, please lang.
Madalas itong gawain ‘pag dating sa usapang mental health and self-care, kasama na rin sa pag-manage ng mga emosyon. Tuwing nakakaramdam ka ng travel envy, oras na para magmuni-muni. Bakit ba affected ka? Bakit parang ikinalulungkot mo ang kaligayahan ng ibang tao?
Imbis na inggitera (o inggitero) ka lang na ume-emote riyan sa tabi, gawin mong inspirasyon ang biyahe ng iba! Sign ‘yan na mag-plano ka na rin ng sarili mong ganap. Pumili ka na ng destinasyon at simulan mo na ring mag-ipon.
Isipin mo ‘yung huli mong biyahe tuwing nanggigigil ka sa bakasyon ng ibang tao. Magpasalamat ka na once upon a time, ikaw din naman nakapag-biyahe at makakapag-travel ka na rin naman ulit. Isa-isahin mo yung mga photos mo nung last na bakasyon mo. Basahin mo yung huling sinulat mo sa travel journal mo. Makakatulong din ‘yon — kasi at one point, ikaw din naman nag-post nang bongga tungkol sa travel. Sinulat mo pa nga sa planner mo eh, tapos sigurado rin naman kwinento mo sa mga kaibigan mo.
‘Pag dating sa travel envy, makakatulong rin ang pagiging realistic. Siguradong may matinong rason kung bakit ka nasa bahay/opisina ngayon. Dapat matanggap mo ‘yun. Kung nalulungkot ka dahil doon, eh di gawan mo ng paraan imbis na nagmumukmok ka riyan. ‘Yun nga ang kagandahan sa travel — kahit sino pwede itong gawin.
Minsan change of scenery lang naman ang kailangan mo para maging good vibes ulit. Kung hindi ka pwede bumiyahe nang malayo, ikutin mo ang lugar mo! Minsan magugulat ka rin kasi akala mo alam na alam mo na ang isang lugar (kasi siyempre doon ka nakatira), pero hindi pala. Maghanap ka ng mga tagong tambayan at bagong shops. Lakarin mo lahat ng kalsada! Matutuwa ka rin kasi marerealise mong hindi mo pala kailangan pumunta sa malayong destinasyon para maaliw. Sabi nga nila, “love your own”.
Kung sa tingin mo ay mas madalas kang tamaan ng travel envy kaysa sa mga kaibigan mo, baka ikaw yung tipong taong gustong madalas bumiyahe. Kung ganun na nga, dapat kang maghanap ng mga oportunidad kung saang maaari kang mabigyan ng pagkakatanong mag-travel nang madalas. Mas maigi pa nga kung makakapagtrabaho ka rin habang nagtra-travel. Tandaan: Masaya mag-travel, pero kailangan mo ring kumita at kumayod. Alam niyo namang maraming bayarin.
Kung hindi pa rin gumana ang mga nabanggit sa itaas, baka kailangan mo muna ng social media break. Marami na ang nagsabing mas gumaan ang pakiramdam nila pagkalipas ng ilang araw na walang social media. Alam din nating parte na ng buhay ang pagiging online, pero kaya pa rin namang ibalanse ito sa pamamagitan ng paglo-log-in kung kailan lamang kinakailangan.
Basahin ito: Why You Should Try Social Media Detox While Travelling
Maaari ngang hindi ka nakakaramdam ng travel envy, pero may mga pagkakataon lang talagang makakakita ka ng ibang taong pinagdadaanan ito. Mas mahirap itong sitwasyon, pero mayroon ka pa ring pwedeng gawin para hindi ito lumala.
May kasabihang “misery loves company” pero rason lamang ito para mandamay ng iba. Kung dahil sa’yo nakakaramdam ng travel envy ang ibang tao, isa lang ang ibig sabihin noon — miserable sila dahil sa buhay nila, at hindi dahil sa buhay mo. Kaya kebs lang, hayaan mo na lang sila. Kung magputak man sila dahil sa travel envy, ‘wag mo nang patulan. Hindi ka dapat nase-stress sa mga ganung bagay.
Pero ‘wag kang mahihiya. Pwede mo rin naman sila pagsabihan pero siguro i-chat mo na lang. Ang importante ay gawin mo ito sa pribadong pamamaraan. Baka makatulong ka pa kung kailangan nila ng kausap. Baka may pinagdadaanan din sila.
Kung may taong nakakaramdam ng travel envy dahil sa’yo at malinaw nilang ipinaparamdam ito, kailangan mo ring tanungin ang sarili mo kung nagyayabang ka rin kasi. Nakakairita naman kasi talaga ang mga taong mayayabang, pero kung alam mo namang hindi ka ganun, eh di hindi ikaw yung may problema. At kung iisipin mo, social media account mo naman ‘yan. Maigi lang ding pag-isipan mo yung mga pino-post mo paminsan-minsan.
Walang may gusto sa troll. At sa haters. At sa bashers na rin. Kung ginugulo ka ng mga taong iyan kapag nagpo-post ka o ang mga kaibigan mo tungkol sa mga biyahe niyo, i-block na yan. Hindi sila kawalan.
Basahin ito: Mga Dapat Gawin Upang Makapag-Travel Kahit May Karamdaman
Tao lang tayo, at alam naman nating madalas tayo magkamali…at makaramdam ng mga hindi kanais-nais na emosyon. Pero hindi ito dahilan para sirain ang holiday high ng isang tao. Nakaranas ka na ba ng travel envy? Naging biktima ka na ba ng taong tinamaan ng travel envy? Naramdaman mo na rin ba ito kahit minsan? Mag-kwentuhan tayo! Mahirap man ito aminin, pero dapat tayong magtulungan. Gusto lang naman natin lahat makaranas ng travel adventures na hinding hindi natin makakalimutan. Kaya dapat, positive lang tayong mga nasa travel community!
Isinalin galing sa (translated from): Don’t Hate: There are Healthy Ways to Deal with Travel Envy
Published at
Get our weekly tips and travel news!
The only plastic we need for travel.
Have better travels next year!
View the inaugural exhibition for free!
Don’t do it!
It’s a mind-blowing experience.
Going out of the country seems to be a trend this NYE.
Plan your onsen accordingly!
A significant milestone for the city.
Gearing up for the 2024 holiday season.
This is your sign to book a trip to Malaysia.