Ano nga ba ang Kwento sa Likod ng Kulay ng mga Passport Natin?

Kada pila natin sa immigration, mahirap iwasang tumingin sa mga kasabayan nating manlalakbay, lalo na sa hawak nilang mga passports. Anong kulay kaya ang hawak nila at saan sila galing?

Image credit: susi.bsu

Kung nagawa mong tumingin nang maigi, marahil mapapansin mong hindi rin masyado nagkakalayo ang mga pangunahing kulay na gamit. Sa katunayan, mayroon lamang apat nito sa buong mundo — pula (red), asul (blue), luntian (green) at itim (black).

Marahil resulta lamang ang mga ito ng limitadong resources sa ginagamit na card requirements para sa ating mga passport. Kaunti man ang pinagpipiliang kulay, marami ring pagkakaiba ang mga ito. Halimbawa na lamang ang paggamit ng matingkad na uri ng pula para sa passport ng Switzerland kumpara sa mala-marun na passports ng mga galing sa European Union (maliban sa Croatia). Kaya’t kung iisipin, bawat bansa o grupo ay may kanya-kanyang kulay na kakaiba.

Ngayon, sino nga ba ang nagdedesisyon sa kung paano dapat ang maging itsura ng mga passport natin?

Ang International Civil Aviation Organisation o ICAO ay may malaking papel na ginaganapan sa pagpili ng sukat at format ng ating mga passport, samantalang ang eksaktong kulay ay nasa ilalim naman ng kanya-kanyang gobyerno. Itong pagdedesisyon ay hindi lang basta-basta. Sa katotohanan, madalas mayroong geograpikal at politikal na intensyon sa likod nito. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa para alamin ang ibig sabihin ng bawat kulay at aling mga bansa ang gumagamit ng mga ito.

Basahin rin: Bakit Hindi Ka Dapat Mag-Post ng Boarding Pass sa Social Media

Ang paggamit ng kulay pula ay nangangahulugan ng pagkakaugnay sa Communist Regime, tulad ng European Union, China at Russian Federation. Pwede ring ito ay pagsunod sa kulay ng sariling pambansang watawat, tulad sa kaso ng Singapore at Switzerland.

Ang asul naman ay sumisimbolo ng mga “New World” na bansa tulad ng USA, Canada, mga bansa sa Carribean at Australia, o koneksyon sa Mercosur Trade Union tulad sa Brazil, Argentina at Paraguay.

Image credit: Mike35741

Kinikilala naman sa paggamit ng luntian ang relihiyon na Islam sa paniniwalang ito ang paboritong kulay ng Prophet Muhammad. Makikita itong kulay sa mga passport ng Pakistan, Saudi Arabia at Iran.

Sa impresyong malinis tingnan ang kulay itim, ginagamit naman ito madalas para sa praktikal na dahilan. Sa ibang pagkakataon, kumakatawan ito ng pambansang kulay katulad sa New Zealand.

Dahil ang pagpili ng kulay ay konektado sa geopolitikal na kondisyon ng bawat bansa, hindi na nakakagulat na mahigit isang kulay na ang pinagdaanan ng ibang passport. Ang Turkey, halimbawa, ay lumipat na mula pula, asul, luntian bago bumalik sa unang kulay dahil sa interes ng bansang sumali sa EU. Samantalang ang Britain, sa kalagitnaan ng Brexit na isyu at pag-alis sa EU, ay may planong gawing kulay asul ang passport nila mula sa pula.

Mayroon ding pagkakataon na gumamit ng iba’t ibang kulay ng passport ang isang bansa para ipakita ang pagkakaiba ng status at identity ng mga tao nito. Sa India, gumagamit ng asul na passport ang mga sibilyan, samantalang ang mga government officials naman ay gumagamit ng puting panakip (service passport) at ang mga pinakamataas na officials at diplomats ay mayroong marun na cover (diplomatic passport). Makikita rin itong polisiya sa USA, kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay gumagamit ng asul na passport at ang mga diplomats o military personnel naman ay mayroong itim na passport.

Kung mapapansin, hindi lang basta-bastang dinedisenyo ang mga passport natin, lalo na’t isa ito sa mga pinakamahalagang dokumento na ginagamit natin sa paglalakbay. Ngayon alam mo nang sa bawat passport na makikita mo, mayroon itong kahulugan. Sa susunod na babiyahe ka papunta sa isang destinasyon, pwede mong gamitin ang iyong bakanteng oras para obserbahan ang mga kulay ng passport sa paligid mo. Siguradong hindi mo mamalayan ang paglipas ng oras, at mayroon ka pang bagong matututunan.

Isinalin galing sa (translated from): What’s The Reason Behind Your Passport Colour?

Published at


About Author

Joser Ferreras

Joser is a senior writer for TripZilla based in Manila, Philippines. He mostly covers travel, people, and business.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles