The only plastic we need for travel.
Featured image credit: Holiday Gems
Siguradong lahat ng mga biyahero ay naranasan nang maging overpacker. Kung hanggang ngayon nahihirapan ka pa rin sa ganitong sitwasyon, malaki ang problema mo — maliban na lang kung may kasama kang taga-bitbit ng gamit.
Sa rami ng dala mong pagkabigat-bigat na bag, nilalagay mo sa panganib ang kalusugan mo. (Hindi ka na bente, bes! Maawa ka sa likod mo.) Maari ring magkabasag basag mga gamit mo sa loob ng bag mo. At syempre, ang pinakaayaw nating mga budgetarian: excess baggage fee.
Ten-tenen-nen! Good news, mga kababayan — may pag-asa ka pa! Para makapag-pack light ka, kailangan mong matutong mag-impake ng tama. Alamin mo kung ano ang kaibahan ng kailangan sa baka-kailanganin. Itigil mo na ang pag-impake sa mga gamit na ito.
Narinig mo na ba yung tinatawag na capsule wardrobe? Sa madaling salita, ang capsule wardrobe ay pangkat ng mga damit na pwede mong i-terno sa isa’t isa. Tuwing bumabyahe ka, hindi praktikal na may iba’t iba kang damit para sa bawa’t araw. Mag-baon ka ng mga pantaas na bagay sa lahat ng pambaba mo. O dress na pwedeng mula umaga hanggang gabi. Pinakamainam na baunin mo ay mga damit na pwede mong pagpatong-patungin, hindi magulo ang design, at simple lang ang kulay.
Basahin din: Easy Packing: This is How You Pack a Travel Capsule Wardrobe
Kakain ng malaking espasyo sa maleta mo ang twalya. Kung naka-book ka naman sa hotel, paniguradong may twalya roon. Kung tutuloy ka naman sa lugar na hindi ka siguradong may twalya, magdala ka na lang ng microfibre towel. Itong maliliit na twalyang ‘to ay madaling bitbitin at mabilis matuyo.
Maliban na lang kung magfa-fashion show ka sa ibang bansa, hindi mo kailangan ang lahat ng jacket na ‘yan. Aalisin mo rin naman sila pag mainit na, diba? (Oo sana. Wag kang magtiis para lang magmaganda kung pagpapawisan ka lang din.) Mas mainam na tignan mo na kaagad ang weather forecast ng pupuntahan mong lugar. Alamin mo rin kung ano ang tolerance mo sa lamig. Kung magdadala ka man ng malalaking outerwear, huwag mong damihan. Malamang sa malamang, isa o dalawang down jacket at thermals lang kakailanganin mo, maski kung gagawa ka pa ng snowman.
Hindi mapagkakailang magandang travel buddy ang denim, lalo na kapag dark-washed. Pwede mo siyang uli- ulitin kahit hindi mo nilalabhan, at halos walang makakapansin. Kapag natapunan mo man ng kung ano, hindi rin siya magmamantsa kaagad. Ito pa: Hindi rin mabilis umamoy! Kaya lang, mabigat ang denim at malaki rin ang kinakain na espasyo. Mabubuhay ka na sa isang denim item sa isang linggo.
Mahirap mag-impake ng sapatos. Mainam na bawat pares ng sapatos na dadalhin mo ay kumportable at kaya mong dalhin mula umaga hanggang gabi. May business meeting ka o kung ano mang formal event? Magdala ka na lang ng wedges o slingbacks imbes na stilettos na hindi mo rin magagamit sa pang-araw araw mo. (Maliban na lang kung kaya mo. Push mo, teh. Magpaka-Heart Evangelista ka na.)
Sa totoo lang, dito ako mahina. Bawat biyahe ko, feel ko mage-exercise ako. Nangyari na ba? Isang beses, pero hindi rin ako pinawisan. Mas madalas ko kasing sulitin ang swimming pools kaysa sa gym. Pero kung gym buff ka, magdala ka na lang ng maluwag na t-shirt, shorts, o leggings na pwede mo ring gamiting pantulog o pang-tour.
Bilang maraming pagkakataong pwedeng masira o mawala ang mga alahas mo sa biyahe, mainam nang wag ka na lang magdala. Kung kailangan mo man magdala para sa event, dalhin mo lang ang mga pinakakailangan mo at ilagay mo sila sa safety deposit box tuwing hindi mo sila suot. Tandaan mo, mas mahirap ipagtanggol ang sarili kapag wala ka sa sarili mong bayan. Maging maingat ka palagi.
Maraming biyahero ang magpapayong iwanan mo na ang toiletries mo kasi karamihan ng matutuluyan mo ay may toiletries. Pero kung sustainable traveller ka, alam mong makasisira lang ng planeta ang naka-plastik na maliit na toiletries ng mga hotel. Kung ayaw mo nang magsayang ng plastik, magdala ka na lang ng 2-in-1 toiletries tulad ng shampoo and conditioner. Ganoon din sa make-up. Magdala ka ng BB cream na may mataas na SPF. Lip and cheek tint na pwede mo ring gamiting eyeshadow. Eyebrow pencil na pwede ring eyeliner.
Ang paborito kong travel item? Agua oxigenada o hydrogen peroxide. Nakaaalis siya ng mantsa, nakalilinis ng sugat, at pwede mo ring gamitin bilang mouthwash at feminine wash kapag hinalo mo sa tubig. Nagdadala rin ako ng tooth powder imbes na toothpaste. Mas nagtatagal siya kaysa sa toothpaste, at mas nakabubuti rin sa kalikasan.
Isa rin itong guilty pleasure ko kasi mahilig ako sa libro. Pero dahil sa biyahe, madalas masira mga libro ko — natutupi ang mga pahina, o kaya naman natatapunan ng kung anu-ano. Mas mainam magdala ka na lang ng Kindle o kung ano mang gadget na mayroon ka na pwede mong lagyan ng e-books. Lalo na kung ikaw yung tipong papalit-palit ng binabasang libro.
Kung hindi mo kakailanganin ang gadget mo, iwanan mo na. Kadalasan naman, magagawa mo lahat ng kailangan mo gawin sa smartphone o tablet mo. Bilang manunulat, madalas na smartphone lang dala ko tuwing bumabiyahe ako. Bakit? Magaan at nagagawa ko lahat ng kailangan kong gawin! Kung kakailanganin ko mang gumamit ng Photoshop, tsaka ako pupuntang computer shop para magtrabaho. Kung magdadala ako ng laptop o DSLR, isa na namang bag iyon na kailangan kong dalhin at bantayanprotektahan.
Basahin din: Suitcase Packing: 8 Ways To Do It Better
Kung layunin mong makapag-impake ng maayos, iwanan mo na lang lahat ng gamit na tinatawag mong “pang-emergency lang.” (Eksepsyon lang dito ang gamot.) Wag mo nang dalhin yang mabigat mong jacket kasi baka magbago ang klima. Hindi mo kailangan yang isa pang bestida kung sakaling magbago isip mo. Kung hindi ka naman pupuntang business event, iwanan mo na yang pagkalakilaking bag mo ng business cards. At parang awa mo na, iwanan mo na ang hair dryer mo. Baka magulat ka pa sa kung gaano karaming gamit ang mayroon ang tutuluyan mo. Alalahanin mo lang mag-research tungkol sa tutuluyan mo, at kaibiganin mo na rin ang hotel staff.
Syempre, nasa sa iyo na kung ano ang gusto mong dalhin sa biyahe. Huwag niyong masyadong seryosohin ang listahang ito! Ikaw ang nakakaalam ng kung ano ang tunay na kakailanganin mo.
Isinalin galing sa (translated from): Pack Light: 10 Things You Should STOP Packing For Your Trips
Published at
Get our weekly tips and travel news!
The only plastic we need for travel.
10 days in Southern Vietnam with less than ₱15k budget. Learn how this Filipina did it!
Looking for a weekend bonding with the family under ₱500? Head to these places, pronto!
Live your best life in Manila, even when you’re riding solo.
Book those flights ASAP.
This holiday season, give your home an upgrade!
Get ready for quicker commutes!
Check if your country’s on the list and start planning!
Get ready for a night of timeless hits!
Talk about hassle free!