8 Magagandang Pasyalan Malapit sa Manila Para Makapag-Relax

Lahat tayo ay nangangailangan ng oras para mag-break sa araw-araw na gawain. At kung nakatira ka sa Manila, maiintindihan ko na gusto mong magpalayo sa lahat — trapik, ingay at polusyon. Kung hindi mo pa kaya ang mahabang bakasyon sa ngayon, maari mong puntahan ang mga magagandang lugar na ito na hindi malayo sa punong-lungsod.

1. Calaruega Church, Nasugbu, Batangas

Image credit: Jaimes

Mula sa dulo ng Tagayatay sa Tagaytay – Nasugbu Highway ay matatagpuan ang isang simbahan sa taas ng munting bundok. Pinangalanang Calaruega ang simbahang ito dahil sa Calaruega na isang bayan sa Espanya kung saan ipinanganak si St. Dominic de Guzman, na siyang Padre ng Dominican Order.

Pumunta ako sa lugar na ito noong nag retreat ang aking kapatid, at ang pinkagusto ko dito ay ang mapayapang kapaligiran. Ito ay isang magandang lugar para suriin ang ating puso at makipagusap sa Diyos. Tinitiyak ko sa iyo na uuwi kang magaan ang pakiramdam.

Basahin din ito: 8 Galleries in Manila to Unleash Your Inner Artist

2. Pinto Art Museum, Antipolo

Image credit: Gheila Selosa

Wala akong talento pag dating sa sining ngunit marunong ako magpahalaga nito. Ang Pinto Art Museum ay isang lugar kung saan matatagpuan ang napakaraming koleksyon ng sining na gawa ng ating mga kababayang Pinoy. Bukod sa mga gawang sining, ang pinakanagustuhan ko dito ay ang lugar mismo. Isa itong napakalaking hardin na kung saan ang kada sulok ay magandang lugar para mag pa litratro. Mayroon ding mga kainan sa loob ng complex kung saan puwede kang magpahinga at kumain. Ang aking mapapayo lang kapag pupunta ka dito ay ang pagsuot ng komportableng damit sapagkat isa itong outdoor museum na medyo mainit buong araw.

3. Twin Lakes, Tagaytay

Image credit: Twin Lakes Tagaytay

Sa huling bisita namin sa Tagaytay, dumaan kami sa Twin lakes. Dito, maari kang mag tambay sa mga kaakit-akit na cafes gaya ng Starbucks at Bag of Beans, kung saan makaka-inom ka ng kape habang tinatamasa ang magagandang tanawin ng Taal Lake.

Basahin din ito: Family Outing Ideas In and Around Manila Under PHP 1,000

4.

Image credit: RioHondo

Gusto mo maging adventurous? Pumunta sa Republ1c Wake Park sa Nuvali para mag wake boarding. Hindi ko pa ito personal na nasusubukan ngunit marami akong kakilala na nasubukan na ito at nag-enjoy. Huwag kang mag-alala kung baguhan kalang sa sport na ito; ang park ay nagbibigay ng training courses para sa mga katulad mo.

5. , Cavite

Image credit: Roberto Verzo

Magkaroon ng karagdagang kaalaman sa ating kasaysayan sa pamamagitan ng pag bisita sa isla ng . Ito ay madaling puntahan. Kailangan mo lang sumakay ng ferry mula Manila Bay kung saan ang biyahe ay isang oras lamang. Dito, makikita mo ang maraming artilerya at mga gamitan sa World War II.  Pagkatapos ng pagliliwaliw mo dito, sigurado akong may makukuha kang bagong kaalaman at pagpapahalaga sa ating kasaysayan.

6. Mount Daraitan and , Tanay, Rizal

Image credit: Jenny Tañedo

Kung ikaw ay outdoorsy, pumunta sa Tanay, Rizal at akyatin ang Mt. Daraitan para makita ang napakagandang tanawin ng bundok ng Sierra Madre. Pagkatapos akyatin ang bundok, sundin ang daan papunta sa ilog ng Tinipak upang makita ang mga magaganda at malalaking limestone na bato. Kahit na hindi masyadong mahirap ang daan, kailangan mo parin mag-ingat dahil matutulis at madudulas ang mga bato sa lugar na ito.

7.

Image credit: Networx Jetsports

Kapag mayroon kang malalaan na mahigit isang araw, mag road trip sa . Noong huli kaming pumunta doon, sinubukan namin ang jetski at banana boat ng Networkx Jetsports. Kung mayroon kapang oras, pumuntahan mo ang Zoobic Safari kung saan makikita mo ang iba’t ibang uri ng mga hayop.

Basahin din ito: Staycations in Manila: 10 Hotels You Will Absolutely Love

8. , Pampanga

Image credit: Alviera

Maraming nakakatuwang atraksyon sa Pampanga pero ang isang lugar na kamakailan lang naging popular ay ang . Hamonin ang sarili para subukan ang mga adrenaline-pumping rides gaya ng Giant Swing, roller coaster zipline, ATV at UTV, at marami pang iba.

Ano pa ang hinihintay mo? Imbitahan ang iyong pamilya at mga kaibigan na puntahan ang mga lugar na ito na hindi kalayuan sa Manila. Sigurado ako na marami pang mga lugar na hindi ko nalagay sa lista. Kung mayroon kang marerekomenda, mag-comment lang.

Isinalin galing sa (translated from): 8 Relaxing Places Near Manila to Escape the City Life

Published at


About Author

Kimberly Chua

Sharing the common dream just like other adventurers, Kim hopes to travel the world one step at a time. Although a lady with her own share of hang ups, Kim knows that she has to conquer her fears to enjoy life and travel more. She's also a fan of reading as it opens a whole new portal of imagination. Join her in her quest of finding the right balance in life at <a href="http://journeywithmeee.blogspot.com/">Journey With Me</a>.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles