10 Signs Na Pinanganak Ka Para Maging Traveller

Sa rami nang nagta-travel ngayon, madaling isiping kayang-kaya mag-travel ng lahat ng tao. Pero maniwala ka sa hindi, hindi lahat ng tao ay nage-enjoy sa pagta-travel. Iyong iba, nagkukunwari lang na nage-enjoy para “in”. Hindi rin naman natin sila masisisi. Sa panahong ‘to, araw-araw tayong nakakikita ng mga social posts ng mga kaibigan nating nakararating sa kung saan-saan.

Nandito ako para amining hindi laging masaya mag-travel. Madalas, nakakapagod siya. Nakakatakot. Nakakaubos ng pera at ng oras. Samakatuwid, hindi siya para sa lahat ng tao. Pero kung pamilyar sayo iyong mga signs na ipepresenta ko rito ngayon, baka isa ka sa mga taong pinanganak nga talaga para maging traveller.

Basahin din: Confessions of a Traveller: 5 Reasons Why I Hate Travelling

1. Malakas ang loob mo

Sa ideya pa lang ng exotic food, nandidiri na ang karamihan. Pero ikaw, natutuwa ka pa. Maraming naiinis tuwing hindi nila mahanap kung saan ang destinasyon nila, habang ikaw, nae-enjoy mo pa. Mapasubok man ‘yan ng Kopi Luwak o skydiving, game na game ka sa mga bagong karanasan. At hindi mo lang siya ginagawa para lang may mai-post!

2. Mahilig ka sa mga bagay na nakaka-challenge sayo

Karamihan naman ng tao, nae-excite sumubok ng bagong experience. Pero yung mapilitan kang umalis sa comfort zone mo? Medyo mahirap na ‘yan. At ‘yan mismo ang kailangan mong gawin tuwing nagta-travel ka. Minsan, kailangan mong mabuhay sa pagkaing hindi mo gusto. Sa ibang pagkakataon naman, mapipilitan kang maki-share ng dugyot na banyo sa ibang traveller. Kailangan mong mabuhay sa lugar na wala kang maintindihan at walang makaintindi sayo. At okay lang sayo ‘yun, kasi ika nga — travel is life.

3. Komportable ka sa lahat ng lugar

Sabi nga nila, home is where the heart is. Ang tunay na traveller, maraming puso. Bakit? Kasi kaya niyang makahanap ng tahanan sa kahit saang lupalop ng mundo. Alam mong pinanganak ka para maging traveller kung kaya mong makipagkaibigan sa kahit sino. Mabilis kang mag-adjust. Hindi ka hirap sa mga bagong lugar at kultura.

Basahin din: On Travel Sepanx & Falling Deeply In Love With Places

4. Matanong kang bata

Mama, ano ‘yon? Ano ang langit? Bakit siya blue? Bakit ganyan kumanta ang mga ibon?

Noong bata ka, gusto mong matutunan lahat ng bagay. Habang patanda ka nang patanda, dumarami rin ang mga tanong mo tungkol sa mundo. Ngayon, gusto mo lang matuto at matuto. Maraming travellers ang naglalakbay dahil matanong sila, dahil sa pagta-travel, nakadidiskubre ka ng mga bagay na hindi pa pamilyar sayo.

5. Nabibighani ka sa ibang kultura

Nagtangka kang mag-aral ng bagong wika. Naging paborito mong subject noong elementary ang Kasaysayan o Araling Panlipunan. Gustong-gusto mong manood ng National Geographic at iba pang palabas sa TV na nagpapakita ng mundo. Simula’t sapol, alam mong mas malaki ang mundo kaysa sa kinaroroonan mo. At gusto mo siyang i-explore. Kaya ka nahilig mag-travel.

6. Kaya mong matulog kahit saan

Economy-class plane seats, maiingay na hostel, airport, maruming tolda, sahig — minsan, mapipilitan kang matulog sa kung saan-saan kung nagta-travel ka. Pero hindi tulad ng ibang taong aayaw na at magpapalipas na lang ng oras sa kama, kaya mong ulit-ulitin ang experience kung ‘yun ang kapalit ng pagta-travel.

Kasama noon…

7. Kaya mong mabuhay sa kakaunti

Anong gagawin mo kung kulang na kulang pala ang naimpake mo para sa biyahe? O kaya, nawala yung bagahe mo at dalawang araw pa bago maipadadala sayo? May day tour ka, at hindi ka pwedeng magdala ng pagkabigat-bigat na bag. Kung para sayo ang travel, kayang kaya mong mabuhay sa kakaunting gamit. Maparaan ka at walang arte.

8. Nangarap kang maging full-time traveller

Noong bata ka, ginusto mong maging piloto o flight attendant. Nung nalaman mong hindi pasok ang height mo, binalak mo na lang maging English teacher sa Japan. O kaya tour guide sa Venice. O travel writer? Photographer? Kahit ano na! Basta’t makaka-travel ka maya’t maya.

Basahin din: Filipino Employees Prove That You Don’t Have to Quit Your Job to Travel

9. Mahilig ka sa mga kuwento

Makarinig man o makabahagi, sobrang hilig mo sa kuwento. Tuwing nagta-travel ka, nakakaipon ka ng iba’t ibang mga kuwento galing sa bawat sulok ng mundo. Mas madalas din, maraming kakaibang kuwento tuwing nasa labas ka ng pamilyar na lugar. Hindi na nakagugulat na ang daming manunulat at direktor na mahilig mag-travel!

10. Handa kang magsakripisyo ng mga bagay para mag-travel

Ang ibang mga tao, mahilig mamili ng mga damit. Yung iba naman, gagastos para sa pagkain. Ikaw, sa travelling napupunta ang pera mo. Kadalasan, hindi mura mag-travel. Kailangan ng dedikasyon ng mga travellers para mag-travel nang madalas. Kaya naman, kung kaya mong magsakripisyo para makapag-travel nang paulit ulit, siguradong pinanganak ka para maging isang tunay na traveller.

Basahin din: Save Up for Travel: 15 “Small” Things You Can Give Up in 2019

Ano sa tingin mo? Kung pamilyar ka sa isa sa mga signs na ‘to, makasisigurado ka nang tamang naging traveller ka.


Isinalin galing sa (translated from): 10 Signs You Were Meant To Be A Traveller

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles