15 Signs na Isa Kang Praning na Traveller

Mahirap na kinikilala ka bilang isang praning na traveller. Baka sabihin ng mga kaibigan mo na “KJ” ka o hindi marunong magtiwala. Sana naman hindi dumating sa punto na ayaw ka na nilang isama sa mga travels nila, diba? May pagkapraning din ako tulad niyo, kaya nauunawaan ko yung hirap sa pagpili kung ikaw ay dapat bang maging kalmado o dapat na ba kabahan.

Siguro iniisip niyo rin, “Kung makakatulong sa akin ang pagiging praning, bakit hindi?” Tama ka! Kung gumagana naman ang sarili mong mga paraan ng paglalakbay, kasama na ang pagiging praning mo, may kailangan pa ba baguhin? Basta’t di mo naman nasasaktan ang mga kaibigan mo sa iyong pagiging praning, hayaan mo na. Kakailanganin din naman nila ang isang tulad mo upang maayos ang inyong paglalakbay. Kaya ipagmataas mo ang iyong pagiging praning! Kung hindi ka sigurado na isa ka sa amin, eto ang mga signs.

1. Nagiimpake ka parati ng mga “extra”

Maaaring sabihin na nakuha natin ang mga kaugaliang ito mula sa ating mga magulang na parating nagaalala. Parati nilang sinasabi sayo na “Mas mabuti na ‘yan kaysa…”, diba? Aminado ka rin na sobra na minsan ang kanilang pagbabakasakali, pero unti-unti ka nang nahawa. Kaya ayan, madalas kang nagiimpake ng mga extra na damit, gamot, pera, at iba pa. Dahil diyan, puro extra rin ang mga uwi mong bagay kasi hindi mo naman sila nagamit. Sayang, mas magaan sana bagahe mo!

2. Napakadetalyado ng itinerarya mo

Mahahanap lahat sa itinerarya mo, kasama na ang petsa, oras, pangalan ng lugar, address at minsan may nota ka pa sa baba ng isang lokasyon. Ganyan talaga kung gusto mong mahusay ang pagbiyabiyahe!

3. Hindi ka nagdadalawang-isip sa pag-reserve online

Mas mahimbing ang tulog mo habang hinihintay mo ang araw ng iyong paglalakbay kasi hindi mo na iniisip kung mauubusan ka ng ticket o iba’t ibang aktibidad kasi binayaran mo na lahat online. Sino bang ayaw ang isang maginhawang bakasyon, diba?

4. Mas masaya ka kung may schedule

Dahil nagrereserba ka ng tickets sa Internet, wala kang excuse para hindi sumunod sa isang schedule. Hindi mo na kailangang magsayang ng oras sa pagpipila, at pinapatunayan mo sa bawat pagkakataon na mas marami kang nagagawa tuwing sumusunod sa mga nakatakda nang aktibidad. Bukod doon, naglalaan ka rin ng downtime sa itnerarya mo para wala ka nang inaaabala.

5. Madalas mong kinakapa bulsa o bag mo kung sakaling nanakawan ka

Sanay ka nang kinakapa bulsa o bag mo para lang tingnan kung may mararamdaman ka pang pitaka, susi, o train pass na tinago mo roon. Madalas mo itong ginagawa — bago umupo para kumain at pagkatayo mo bago ka lumabas ng restaurant. Maski hindi mo naisipan, ugali mo na talaga gawin ‘to.

6. Bumili ka ng anti-theft bag

Hindi lahat ng bumibili ng anti-theft bag ay isang praning na traveller, pero dahil isa ka ngang praning, siguradong mayroon ka na nito. At kung hindi mo pa narinig kung ano ang anti-theft bag, pustahan tayo na hahanapin mo na ito ngayon sa Google. Ayos lang ‘yan! Bagay na bagay ito sa mga taong OC!

Basahin ito: 10 Expensive Travel Items You Won’t Regret Buying

7. Tuwing abroad ka, sinasaliksik mo kung saan ang pinakamalapit na Philippine Embassy

Maski saan ka man sa mundo, alam mong maaaring mawala o manakaw pasaporte mo. Pero handa ka na riyan dahil alam na alam mo kung nasaan ang Philippine Embassy na pinakamalapit sayo. Kailangan mo nalang kumalma at sumunod sa proseso ng pagkuha ng temporaryang travel document. Pero umaasa rin kami na hindi ka aabot sa ganitong sitwasyon dahil bilang praning na traveller, napakaingat mo rin sa gamit (sana).

Basahin ito: What To Do If You Lose Your Philippine Passport Locally or Abroad

8. Tuwing nahuhuli ka, mas gusto mo magtanong nalang sa estranghero kaysa magbasa ng mapa

Alam mo kasi na kung magbabasa ka ng mapa, may posibilidad na mali ang pagbasa mo. Samakatuwid, mas mahuhuli ka pa!

9. Natatakot ka parati na baka mapunit ng immigration officer ang pasaporte mo

Paalala lang sa lahat ng humahawak ng iyong pasaporte: Dahan-dahan lang po!

Basahin ito: An Open Letter To The DFA: Why Is Passport Processing So Troublesome?

10. Nagbabaon ka ng essential oils o Vicks inhaler para hindi ka mahilo

Isa sa pinakamasamang mangyari habang bumabiyahe ay ang pagiging hilo. Bukod sa sakit ng ulo, maaari ka pang masukha sa loob ng kotse, tren, barko, o eroplano. Kaya napapakinabangan mo talaga ang pagdala ng essential oils at inhaler. Malaki ang binabawas ng amoy ng lavender at mint sa masamang pakiramdam. Minsan, maaantok ka pa! Mas mabuti na makatulog kaysa mahilo sa sasakyan.

Basahin ito: Essential Oils For Better Travels? Yes, It’s A Thing

11. Hindi ka nagpapabusog bago sumakay ng eroplano kung alam mong mahiluhin ka

Minsa’y naman hindi gagana ang oils o inhalers. Samakatuwid, alam mo rin na hindi ka pwedeng sumakay nang busog o magpakabusog sa loob ng eroplano. Bakit? Kasi ayaw mong mapahiya kung kinailangan mong sumukha sa barf bag habang lahat ng pasahero ay nasisilip ang kahinaan mo.  

12. Sa pag snorkel at surf, hindi ka papayag na walang suot na rash guard

At kung nakalimutan mo magdala ng rash guard, bibili ka ng bago o tuluyan ka nang hindi lalangoy. Hindi mo susugal buhay mo kung sakaling kagatin ka ng nakakalasong isda. At isa pa, ayaw mo ma-sunburn!

Basahin ito: First Aid Must-Knows: What To Do If A Jellyfish Stings

13. Nasa airport ka nang napakaaga

Ang pamantayan na call time sa airport para sa mga pasahero ay tatlong oras bago ang kanilang lipad. Sapat na iyon. Pero dahil praning ka, takot na takot ka sa traffic! Kaya nama’y nasa airport ka nang sobrang aga pa kaysa sa regular na call time at napanis ka pa sa kahihintay mag check in. Pero bale wala lang iyan sa iyo. Ang importante, hindi mo na proproblemahin ang Manila traffic, diba?

14. Maaga ka mag check in at check out sa hotel

Ang maaga mag check in, mas maraming oras magpahinga. At kung pinapahintay ka pa sa lobby, masaya ka parin dahil nahanap mo na ang iyong hotel at bawas na rin ‘yon sa pagod mo. Syempre, mas mabuti rin para sa iyo ang mag check out nang maaga para hindi mo kailangan maghabol ng flight sa airport. Ikaw ang wagi sa huli!

15. Hindi mo kaya mag-travel na walang Internet

Naniniwala ka na hindi ka mabubuhay sa travels mo kung wala kang Internet! Kailangan mo ng Internet para magbasa tungkol sa pinapasyalan mo, para makausap mga kaibigan at kapamilya mo sa bahay, at minsan kailangan mo rin buksan email mo. Marami pang mga sitwasyon na kakailanganin mo ang Internet habang bumabiyahe ka. Mahirap na kung wala! At ano itong social media detox na pinapayo ng ibang travellers? Kalokohan!

Basahin ito: Why You Should Try Social Media Detox While Travelling

Nakikita niyo ba sarili niyo rito sa mga signs na binanggit ko? Wag kayo magalala. Sigurado naman ako na lahat tayo ay may pagkapraning na traveller sa sari-sarili nating paraan. Hindi naman ito masamang bagay, basta tandaan niyo na dapat masaya ang travels niyo kahit papano. Have fun, and stay alert!


Isinalin galing sa (translated from): 15 Signs You’re An Unapologetic Paranoid Traveller

Published at


About Author

Therese Sta. Maria

Therese's close friends know that if they haven’t seen her around recently, then she’s probably having an adventure with her luggage and camera in hand. Though she loves staying at home and spending lazy afternoons with friends, there are times when she has to be "away from home to feel at home," — that’s when she’s bitten by the travel bug. See her travels on Instagram <a href="https://www.instagram.com/reesstamaria/">@reesstamaria</a>.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles