The promise of new flavours beckons from Banawe.
Mula pa noong unang panahon, uso na ang konsepto ng travel. Pero, tulad na lamang ng karamihang konsepto ng mundo, hindi na natin maiwasang magbago ang sistema ng travelling habang nagtatagal. At, sa pagsulpot ng teknolohiya, siguradong sang-ayon ang lahat na ibang iba na ang paraan ng pagta-travel ngayon kumpara sa noong unang panahon.
Basahin din: Pagpopost Ng Travels Sa Social Media: Nagyayabang Ka Ba?
Bilang bookworm, ayoko na halos lahat ng napanood kong pelikulang galing sa librong nabasa ko na. Bakit? Simple lang: laging mas maganda ang mga eksena sa utak ko kaysa sa mga eksena ng pelikulang nalilimitahan ng badyet at skills.
Tuwing nakakikita tayo ng travel photos, madali lang para sa ating i-imagine yung buong tanawin. Malamang sa malamang, hindi lang ako iyong nakaranas na ma-disappoint dahil mas maganda iyong isang lugar sa larawan kaysa sa totoong buhay. Madalas, nai-imagine nating malinis at maaliwalas ang mga tourist spot. Nakalilimutan nating marami tayong kaagaw na ibang turistang naloko rin ng magagandang larawan mula sa Internet. Dahil dito, halos mawala na ang mahika ng mga lugar. Tapos, masasaktan tayo at feeling natin nadaya tayo ng lugar dahil lang magaling iyong kumuha ng litrato niya sa Instagram.
Dahil sa social media, humihirap nang magbakasyon nang pribado. Para bang kailangan lagi nating ina-announce kung nasaan tayo. Lalo nang mas mahirap na masilayan ang kagandahan ng isang lugar, kasi alam nating kailangan nating kuhanan ng picture iyong tanawin mula sa lahat ng anggulo.
Kunwari: May sobrang gandang sunrise na sumisilip sa likod ng mga bundok. Hindi mo alam kung magpapapiktyur ka ba sa view o pipiktyuran mo na lang ba. Tapos, maii-stress ka pa kung ano ba talaga ang anggulo mo, o paano nga ba magmukhang candid. Maya-maya, ubos na ang oras mo at tirik na yung araw. Ba-bye ka na sa view!
Basahin din: No Travel Photos: Did You Even Travel At All?
Dahil sa social media, humihirap nang magbakasyon nang pribado. Para bang kailangan lagi nating ina-announce kung nasaan tayo. Lalo nang mas mahirap na masilayan ang kagandahan ng isang lugar, kasi alam nating kailangan nating kuhanan ng picture iyong tanawin mula sa lahat ng anggulo.
Kunwari: May sobrang gandang sunrise na sumisilip sa likod ng mga bundok. Hindi mo alam kung magpapapiktyur ka ba sa view o pipiktyuran mo na lang ba. Tapos, maii-stress ka pa kung ano ba talaga ang anggulo mo, o paano nga ba magmukhang candid. Maya-maya, ubos na ang oras mo at tirik na yung araw. Ba-bye ka na sa view!
Naaalala niyo ba noong parang nasa ibang dimension tayo tuwing naglalakbay tayo? Pero mula noong naging beshie na natin si Google, hindi na natin kailangang magdaan sa pagkakalito at pagiging awkward tuwing nasa ibang lugar tayo. Ang malungkot nga lang diyan, ibig sabihin dala na natin iyong mundo natin kahit saan tayo magpunta. Dati, yung punto ng pagta-travel ay para ma-expose tayo sa mga bagay na wala tayong kaalam-alam. Ngayon, pwede na nating dalhin ang comfort zone natin kahit saan.
Hindi na natin kailangang pumila nang pagkahaba-haba para magbayad ng tickets o kung ano man. Dahil sa teknolohiya, mas madali na buhay travel natin. Sinong mag-aakalang darating yung panahong pwede na tayong mag-book ng flights at magpa-reserve ng hotel rooms habang nakahilata lang tayo sa kama?
Dahil rin sa teknolohiya, nasagip na tayo mula sa language barriers. Sa pamamagitan ng ilang language translation apps, hindi na natin kailangan makipaglaro ng charades sa mga taxi driver o tindero sa palengke.
Salamat sa teknolohiya, mas abot kaya na ang travel is life. Mayroon na tayong promo fares, early bird discounts, at online shopping perks dahil sa Internet. Syempre, magpasalamat din tayo sa teknolohiya para sa pag-usbong ng travel blogs at online magazines na nagbibigay ng travel tips sa lahat ng gustong mag-travel.
Totoo namang masayang mag-disconnect paminsan minsan. Pero tunay na tunay ang homesickness. Mami-miss natin ang mga mahal natin sa buhay kahit gaano tayo ka-pusong bato, sure iyan. Dahil sa teknolohiya, hindi na ganoon kahirap iwanan sila tuwing magta-travel tayo. At dahil alam nating kaya natin silang kausapin kung sakaling magka-emergency tayo, mas confident tayong mag-solo travel.
“Salamat sa teknolohiya”, sabi ni Mother Nature. Dahil puwede na tayong mag-paperless lifestyle. Mula sa e-receipts hanggang sa Facebook albums, hindi na natin kailangang mag-aksaya ng non-renewable resources sa bawa’t travel natin.
Hindi lang iyon! Dahil din sa teknolohiya, mas madali nang mag-DIY ng travel itinerary. Mas madali na nating malaman kung saan tayo puwedeng kumain o tumuloy, at kung mae-enjoy ba natin o hindi ang mga ito.
Gusto nating lahat na patagalin at maipreserba ang magagandang sandali ng ating buhay. Natutulungan tayo ng teknolohiya sa nostalgia natin. Mas madali na ngayong kumuha ng litrato at bidyo. Mas mabilis na nating mabalikan ang nakaraan. At kahit na hindi ikaw ang pinaka-selfie addict sa buong angkan mo, siguradong nagpapasalamat ka pa ring naimbento ang kamera.
Basahin din: 27 Travel Habits You Probably Need to Get Rid Of
Walang kaduda-duda, lahat tayo ay may masasabi sa impluwensya ng teknolohiya sa mundo ng travel. Pero bilang travellers, siguradong iisa ang ating mithiin: sana walang kahit anong imbensyong makasira sa kagandahan ng travelling. Kaya ngayon, siguraduhin nating masulit natin ang teknolohiya, pero huwag natin hayaang harangan nito ang realidad ng travelling.
Isinalin galing sa (translated from): Is Technology Destroying Travelling?
Published at
Get our weekly tips and travel news!
The promise of new flavours beckons from Banawe.
Spread the good word!
Book those flights ASAP.
Stay safe and travel well during the rainy season.
It’s time to cross over the rainbow!
Easier travel for the holidays.
Slightly behind target.
New travel norm in Japan.
Not so good news for budget travellers.
Ichigo-go-go to your nearest fruit stall!