Survival Tips Para sa mga Biyaherong Mahihina ang Pantog

Certified traveller ang tawag mo sa sarili mo. Kakayanin mo ang init ng araw, tigas ng kama, kakaibang lasa ng kung anu-anong pagkain, maski language barrier hindi mo kinatatakutan! Ganoon talaga, eh. Kapag nagmamahal, kayang tiisin ang kahit ano — at ikaw, mahal na mahal mo ang pagta-travel. Kaso lang, may problema. Kung si Superman, may kryptonite, ikaw may *cue drumroll* mahinang pantog.

Huwag kang mag-alala, friend! May mga sikreto para makabiyahe ng kumportable, kahit mahina pa ang pantog mo.

Basahin din: The Pee Bucket List: 24 Toilets Around the World to Pee in Before You Die

1. Pumili ng sasakyang may banyo

Image credit: Cassiopeia sweet

Medyo halata itong unang technique na ‘to: Tuwing sasakay ka ng public transportation, pumili ka ng sasakyang may banyo. Hindi mo kailangang mag-alala kung sasakay ka sa eroplano, kasi lahat naman ng commercial airplanes may banyo.

(Tip: Pumunta ka na sa banyo bago ka pa dumating sa puntong ihing- ihi ka na. Sa paraan nito, maiiwasan mo ang torture kung mahaba man ang pila sa banyo.)

Marami ring bus na may banyo ngayon; pero, dapat maghanda kang maglakad nang umuuga ang sinasakyan mo. At hindi siya ganoon kadali.

2. Magsuot ng maluwag na damit


Maliban sa hindi kumportable, ang mga masisikip na damit ay nililimitahan ang paggalaw mo. Dahil dito, mas madalas mong mararamdamang naiihi ka na, lalo na kung ang damit mo ay masikip sa parte ng tiyan. Bukod pa rito, delikado para sa pangmatagalang kalusugan mo ang madalas na pag-ipit sa tiyan. Sa katunayan, maaari kang magkaroon ng urinary tract infections.

Oo, nakagaganda ng pwet ang skinny jeans, pero hindi mo naman kailangang magsuot nito palagi. Mabuti na lang, marami na ring usong maluluwag na pantalon ngayon. Subukan mo kaya? Merong jogger pants, leggings, culottes, harem pants… o kung hindi kaya, magbestida ka na lang!

3. Pumili ng aisle seat

Huwag kang istorbo sa katabi mong mahimbing ang tulog. Kung alam mo namang madalas kang pupuntang banyo, siguraduhin mong aisle seat ang upuan mo. Kung may chance, piliin mo rin ang aisle seat na pinakamalapit sa pinto. Alam mo naman, nagiging obstacle course ang mga bus at van, lalong lalo na kung puno ito ng pasahero at bagahe.

Kung lilipad ka naman, agahan mong mag-online check-in para mauna ka ring makapili ng upuan mo. Base sa karanasan ko, mabilis maubos ang aisle seats. Kung wala namang seat reservations ang sasakyan mo, agahan mo na lang pumuntang terminal para maunahan mong mamili ang ibang pasahero. Hassle, pero ganoon talaga eh. Tita problems.

4. Limitahan ang pag-inom ng juice, kape at alak

Tuwing babiyahe ka, alalahanin mong kalaban mo ang juice, alak, at kahit ano pang may mataas na caffeine level. Pero, huwag mo namang hayaang mamatay ka sa uhaw. Pwede ka pa ring uminom ng tubig, basta hindi mo iinumin ‘yung isang galon agad-agad. Slowly but surely, ika nga. Tapos, kapag naman hindi ka bumabiyahe, alagaan mo rin ang pantog mo. Alam mo na ito, pero munting paalala lamang: Uminom ka ng walong baso ng tubig araw araw. Ngayong tag-init, higitan mo pa!

5. Umihi sa bawat stopover

Image credit: SuSanA Secretariat

Isipin mo: Nakasakay ka sa bus, tapos after forever, nag-stopover na rin sa wakas. Iniisip mo, hindi mo naman kailangan umihi. Matutulog ka na lang. Hindi mo lang alam, huling stopover na pala ‘yun. Nagmamakaawa ka na kay Manong Driver, “Sige na po, ihing ihi na po ako. Pero nasa gitna kayo ng gitna ng kawalan. “Sige na nga,” ang sagot ni Manong Driver. “Diyan ka umihi.” Tsaka manlalaki ang mata mo nang makita mo kung saan siya nakaturo: Sa puno.

Bilang biyaherong mahina ang pantog, hindi mo dapat pinalalagpas ang kahit anong stopover. Tuwing titigil para kumain. Tuwing magpapagasolina. Ultimo mga stopover na magyoyosi o iihi lang ‘yung driver. Huwag mo nang hintaying sumabog ka. Basta may pagkakataon, ilabas mo na.

Paalala: Kung wala kayo sa official stopover, magsabi ka sa katabi mo, sa driver, at sa kundoktor na iihi ka. Ayaw mo namang maiwan ng bus.

6. Magdala ng public bathroom survival kit


Kailangan mong tanggapin ang katotohanang hindi lahat ng banyo sa mundo ay malinis. Dahil mahina ang pantog mo, hindi ka pwedeng maging mapili sa banyo. Para malagpasan mo kahit ang pinakamaruruming banyo, magdala ka palagi ng public bathroom survival kit. Kadalasan, ang laman nito ay tissue, wet wipes, at alcohol. Kung gusto mo naman, pwede ka ring magbaon ng toilet seat covers, air freshener, at portable bidet.

7. Magdala ng libangan


Isipin mong ang biyahe ay parang giyera. Kailangan mong mag-ensayo (may mga ekspertong nagsasabing nakatutulong ang kegel exercises para mapalakas ang pantog). Kailangan mong umiwas sa ilang pagkain at inumin na(mga nakakaihi!). Higit sa lahat, kailangan mong ihanda ang utak mo.

May dahilan kung bakit ayaw nating makarinig ng dumadaloy na tubig tuwing naiihi tayo. Ang mga biyaherong may mahinang pantog ay dapat eksperto na sa mind over matter. Sa madaling salita, dapat kaya niyong libangin ang sarili niyo para makalimutan niyong naiihi kayo. Bago kayo bumiyahe, i-download niyo na ang paborito niyong Netflix movies o series. O kaya naman, kung hindi kayo hiluhin, magdala kayo ng libro. Iwasan niyo ang comedy, suspense, at jump scares, ha? Baka lalo kang maihi sa katatawa o sa gulat.

8. Alamin mo ang local translation ng “Nasaan ang banyo?”

Image credit: Julian Fong

Kung pupunta ka sa lugar na hindi nakaiintindi ng English o Tagalog, alamin mo kung paano sabihin sa kanila ang “Nasaan ang banyo?” o “Pwede mo ba akong ituro sa banyo?” Pero kung hindi ka sigurado kung paano bigkasin ang pagkakasalin ng mga ito, mag-save ka na lang ng litrato ng bathroom sign sa cellphone mo.

Dapat alam mo rin na kahit marunong mag-English ang isang bansa, hindi lahat ng nasyonalidad ay nakakaintindi ng terminong “bathroom” o “comfort room.” Bago ka pa dumating sa destinasyon mo, alamin mo na ito. May ibang mga bansa kung saan, mas pamilyar ang “washroom” o “water closet (WC)”, habang may iba namang tinatawag itong “toilet” o “lavatory.”.

Basahin din: Surviving a Long-Haul Flight: Confessions of a Filipino First-Timer

Congrats, kaibigan! Ngayon, mas kaya mo nang bumiyahe sa bawat dulo ng mundo — at hindi mo na poproblemahin ang pantog mo.


Isinalin galing sa (translated from):  Survival Tips If You Have a Weak Bladder and You Travel Often

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles