12 Linyang Pwede Mong Sabihin sa Drawing Mong Travel Buddy

Dear kong puro drawing…

Alam mo, ang dami kong pwedeng sabihin sa’yo. Pero, magpipigil ako. Baka magkaaway pa tayo, eh. Ito na lang muna siguro…

Aasa ka na lang ba lagi sa libre ko?

Kung hindi ko sabihing sagot ko, hindi ka sasama… Bakit ganoon?

Lagi mo na lang ba akong paaasahin?

Kung G, G! Kung hindi, edi hindi! Nakakasakit ka na, eh.

Bakit hindi mo sineseen chat ko?

Nakita kong nag-share ka ng meme. Alam kong online ka. Huwag ka nang mag-tago.

Wag na lang kaya tayong mag-plano?

Baka sakaling matuloy pa… Ano?

Basahin din ito: Bakit Natutuloy ang Biglaang Lakad? Here’s the Science Behind It 

5. Yes to Leche Flan. No to Leche Plan.

Image credit: luchrupan

O kaya kung iindian-in mo man ako, pakainin mo na lang ako. Bawi-bawi na lang, ano?

Ilang buwan na nating napag-usapan ‘to…

Bakit ngayon ka lang kasi aatras? Sabihan mo naman ako bago ako mag-request ng VL. Nakapag-impake na ako, bes.

Maghugas ka na kasi ng pinggan para payagan ka na ng mama mo

Puro na lang mama ang sinisisi. Trenta ka na, huy!

Nakatulog ka? Yun na yung dahilan mo?

Tatlong linggo na nating pinaplanong magpuntang Tagaytay, tapos hindi ka sisipot kasi nakatulog ka?! Anong klaseng dahilan ‘yan!

Lagi ka na lang walang time

Malapit na akong mag-tampo…

Nagka-jowa ka lang, di mo na ako sinipot

Isama mo na lang kaya siya sa trips natin? Handa naman akong maging third wheel, eh.

Wag mo na akong ita-tag kung hanggang doon ka lang naman!

Pagod na akong mainggit sa travel blogs sa Internet. I-tag mo ako kapag may balak kang samahan ako.

Umatras lang crush mo, ayaw mo na?

Hindi pa ba ako sapat sa’yo?

Basahin din ito: 7 Signs Na Drawing Ang Susunod Na Barkada Trip Niyo

Kung nakaka-relate ka sa mga #WhoGoat na ito… I-tag mo na ang paborito mong . Sana makonsensya siya.

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Latest Articles