Nanayisms: 10 Travel Tips Mula Sa Mga Filipino Nanays

Habang tumatanda ako, mas nakikita ko kung gaano kagaling ang mga nanay. Aba, kung papipiliin ako ng gaganap sa role ni Darna, nanay ko na ang isasalang ko! Kaya niya lahat, eh. Nagtatrabaho siya sa umaga, tapos nag-aalaga naman siya pagkauwi. Mayroon siyang superhuman speed — kaya niyang maghugas ng pinggan sa ilalim ng limang minuto. Kaya rin niyang paputiin lahat ng pawisan kong damit.

Kaya niyang umire ng bata! Aba, kung hindi pa ba ‘yun senyales ng pagiging superhero ay ewan ko na lang.

Magaling pa nanay ko kaysa kina Liza Soberano, Nadine Lustre, at kung sino mang artista ang pusta niyo. Pero huwag niyo akong i-bash, ha! Alam kong masasabi niyo rin ‘to tungkol sa mga nanay niyo. Sa rami ng tinuro nila satin, naging certified travellers tayo. Kaya naman, dapat lang nating alalahanin ang mga turo ng nanay sa atin.

1. Mag-baon palagi

In nanay’s words: “O eto, baon mo.”

Ayaw na ayaw ni nanay na nagugutom tayo. Kapag nasa biyahe, lagi siyang may dalang baon. Hindi siya nauubusan! Kahit sa pagtanda natin, sinisigurado ni nanay na busog tayo palagi. Bago tayo umalis ng bahay, binibigyan pa tayo palagi ng pabaon. Magandang travel tip ito, lalo na kung budgetarian tayo.

2. Maging mabait sa strangers

In nanay’s words: “Magmano ka, tita mo ‘yan!”

Lahat ng tao, kapamilya mo. Kaya naman, dapat maging mabait tayo sa lahat. Hindi naman sa kailangang mag-mano sa hindi mo kakilala, pero dapat laging friendly. Lalo na kapag nasa abroad tayo. Lahat ng Pinoy, kamag-anak natin. Pwede natin silang kausapin. Pwede natin silang pagtanungan ng direksyon o masarap na kainan. Matutuwa pa ang mga ‘yan, kasi pampaalis homesickness ang kababayan.

3. Kumain ng lutong bahay

In nanay’s words: “Sus, kayang kaya kong lutuin ito. Nilagyan lang nila ng bauang at maraming paminta.”

Bakit mo uubusin pera mo sa five-star restaurants kung kaya mo namang pumuntang palengke at magluto na lang? Maliban sa makakamura ka, mae-expose ka rin sa kulturang lokal kapag nagpunta kang palengke. Dito ka na rin bumili ng pasalubong kung gusto mo.

4. Mag-piktyur

In nanay’s words: “Mag-pose ka nga rito, anak!”

Para sa nanay mo, ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Kaya naman, huwag kang mahiyang mag-selfie sa lahat ng lugar. As in sa lahat ng lugar, ha. Sa airport. Sa hotel lobby. Pati na rin sa harap ng 7-Eleven. Sa kotseng nasa kanan ang manibela. Sa tabi nung punong pink yung dahon. Kasama nung baby na blue yung mata. Go, bes. Push mo ‘yan para kay nanay!

Basahin din: How To Take Good Photos When You’re a Solo Traveller

5. Mag-ingat

In nanay’s words: “Mag-ingat ka, ha! Wag magpagabi.”

Delikado ang mundong ito, lalo na kapag nagdidilim. Sabi nga ni nanay: Mag-ingat. Maraming masasamang tao. Maging alerto palagi. Magdala ng payong para may panangga ka. Umuwi ka bago mag alas-diyes ng gabi.

6. Mag-food trip

In nanay’s words: “Ubusin mo yan, maraming bata ang nagugutom.”

Tikman lahat ng bagay. Lahat! Hindi naman tayo tumataba, eh. At least, yun ang sinasabi ni nanay: Nangayayat ka na naman! Kumain ka nga!

Kung tumaba man tayo, matutuwa naman siya. Kailangang ubusin lahat ng pagkain kasi maraming bata ang nagugutom. Rice is life, kasi pinaghihirapan ito ng mga magsasaka.

O ano? Siguradong ito ang paboritong travel tip mo mula sa nanay, ano? Hindi kumpleto ang travel nang walang food trip, bes!

7. Wag mo ubusin pera sa souvenir

In nanay’s words: “Mas mura ‘yan sa Divisoria!”

Masarap gumastos sa souvenirs, pero pinapaalala ng mga nanay natin na hindi lahat ng binebenta sa souvenir shops ay worth it. Bago ka bumili ng kung anu-ano, isipin mo muna ng mabuti. Convert mo sa peso kung may time ka. Baka naman mas mura at maganda pa ‘yan sa Divisoria.

8. Huwag maliligaw

In nanay’s words: “Mata ang ginagamit sa paghahanap, hindi bibig!”

Ito na naman isang super power ni nanay, eh: Kaya niyang hanapin lahat ng nawawalang bagay. Kailangan na rin nating matutunan ito. Matutong magbasa ng mapa. Kung walang pag-asa, matutong gumamit ng GPS. Hindi na dapat tayo nawawala. Matatanda na tayo. Gamitin ang mata, hindi ang bibig.

9. Magtipid

In nanay’s words: “Hindi tinatae ang pera!”

Bilang nag-aadulting na tayo, naiintindihan na nating hindi napupulot ang pera. Siguro naman natutunan na natin kung paano tumawad kung maigi nating pinapanood ang mga nanay natin sa tiangge. Alam na rin dapat natin kung sulit ba ang isang bagay. Push mo na ang pagiging budgetarian mo para proud si mama sa’yo. Sali ka na sa Facebook group na ‘to para makamura ng flight deals.

10. Magtiwala sa sarili

In nanay’s words: “Kaya mo yan, anak. Ikaw pa.”

Si nanay ang biggest fan natin. Minsan, nakalilimutan natin ang ating angking galing. Pero, ipaaalala ni nanay na kaya natin ang lahat. Dapat naniniwala tayo kay nanay. Sila ang pinakanakakakilala sa atin, eh. Sila rin ang nakakaalam ng tunay na hirap at sakripisyo, dahil superheroes sila.

Basahin din: 10 Things You Can Do in the Philippines For Your Mom on Mother’s Day

Salamat po sa mga nanay namin! Dahil sa inyo, gumaling kaming maglakwatsa.


Isinalin galing sa (translated from):  Nanayisms: 10 Travel Tips Filipinos Learn From Their Nanays

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles