When 11 days in Japan still aren’t enough!
Maliban sa social media, isa rin sa mga kinahihiligan nating mga Pinoy ay ang kalikasan. Hindi ito mahirap isipin lalo’t karamihan sa atin ay lumaking napaliligiran nito sa halos bawat sulok ng ating bansa. Sa iba, ito ay nangangahulugan lamang ng isang bagay — ang pagiging natural na malapit natin sa anumang kaugnay rito, iyan ang mga hayop at wildlife parks.
Nitong taon, nakapunta ako sa Singapore sa pangalawang pagkakataon at nawili akong malaman na kasama sa itinerary namin ang pagbisita sa apat na parks ng Wildlife Reserves Singapore. Ito ang Singapore Zoo, River Safari, Jurong Bird Park at ang Night Safari. Bawat isa ay may kanya-kanyang tema na sa unang silip pa lamang sa mga litrato online ay mae-excite ka na talaga! Ayun lamang, sa aking bisita, hindi lang basta excitement ang napala ko, kundi na rin ay kagalakan at pasasalamat na itong mga parks ay malayo sa inakala ko.
Narito ang ilang rason kung bakit nagbago ang tingin ko sa mga zoo pagkatapos kong maranasan ang wildlife parks ng isa sa mga pinaka-progresibong bansa ngayon sa buong mundo.
Kada usapang zoo, mga imahe ng mga bakal na harang ang isa sa mga unang naiisip ko, at talagang hindi ko mapigilang maawa sa mga hayop. Kung hindi lahat, karamihan sa kanila’y hindi na halos maranasan ang tunay nilang mundo. Imbes, nakakulong sila, 24/7! Sa Singapore Zoo, ang una naming pinuntahan, laking gulat ko na lang na marami sa mga hayop dito ay pagala-gala lang sa park. Para bang pumunta ako mismo sa natural habitats nila at nakakasalamuha ko sila mismo bilang parte ng kalikasan, at hindi lang ng isang pang-turismong atraksyon.
Itong malayang paggalaw ng ilang mga hayop ay kabilang sa “open concept design” na pinatatampok ng kumpanya sa likod ng parks. Naranasan namin ito kaagad sa Ah Meng Restaurant sa loob ng Singapore Zoo, kung saan tanaw namin ang mga makukulit na orangutans sa kanilang 360-degree view island habang kinakain namin ang aming almusal. Itong isla ay mayroon ding Asian small-clawed otters na makikitang palaro-laro sa tubig o kaya kasama ang mismong mga orangutans.
Dahil dito, hindi na namin pinalampas makipaglitrato sa pamilya ng orangutans, na ayon sa tour guide namin, ay descendants ng kilalang orangutan sa Singapore. Kung hindi sila sumasama sa photo opportunities, malamang ay naglalaro o nagpapahinga lang sila sa mga sanga ng puno sa ibabaw namin.
Narating din namin ang Fragile Forest, kung saan nakipagkaibigan ako sa ilang rainforest animals katulad ng butterflies, sloth at flying foxes!
Ang open-concept design ay maayos ding ini-implementa sa iba pang wildlife parks. Nang pumunta kami sa Jurong Bird Park, ang tinaguriang world’s largest aviary, dito ko naman nakasalamuha ang mga lory birds, at sumali pa ako sa feeding session nila. Kung mahilig ka mag-picture katulad ko, heto ang napakagandang pagkakataon para ilabas ang iyong camera. Siguradong pati ang mga followers mo sa Instagram ay manggigilalas sa posts mo!
GET YOUR MULTI-PARK TICKETS TO ALL 4 PARKS FOR THE PRICE OF 2!
Tama ka diyan. Isa sa mga pinakamalapit sa puso kong konsepto na sinusuportahan ng apat na wildlife parks ay ang wildlife conservation. Sa pagbili pa lang namin ng ticket, S$.50 o halos ₱20 na rito ay mapupunta agad sa pondo ng mga regional na proyektong nakatutok dito. Gayundin sa kada bili ng pagkain sa mismong parks na ginagamit sa token feeding sessions. Aaminin ko, gumaan ang loob ko rito dahil alam kong malayo ang mararating ng aking pinaghirapang pera!
Kasama rin sa sustainability efforts ng mga parks ay ang pagtigil sa pagpapagamit ng plastic bags at plastic straws. Sa halip, maaari mong gamitin ang mga reusable bags at bottles na makikita sa mga retail stores sa loob ng parks. Itong mga maliliit na gawain ay nakatutulong sa pagbawas sa plastic waste na nagpapahamak sa mga hayop at sa kanilang tirahan. Nakakahanga talaga!
Mas natuwa pa ako nang nakita kong hindi lamang doon nagtatapos ang conservation efforts ng mga wildlife parks dito. Nakikipagtulungan din sila sa iba’t iba pang ahensya at organisasyon para alamin ang pinakamabisang conservation initiatives. Aktibo rin ang parks sa pagbabahagi ng mga angkop na conservation at sustainability efforts sa publiko. Maliban dito, ang wildlife parks ay may sariling breeding programmes para sa endangered animals. Mayroon ring enrichment programmes, camps pati na ng mga behind-the-scenes tours na talaga namang nagbukas pa lalo ng isipan ko sa kung gaano pala karami ang maaari nating gawin para makatulong sa pag-alaga ng mga hayop sa paligid natin.
Hindi lang iyan. Sikat pa ang mga wildlife parks sa kanilang sustainability initiatives para makinabang din ang mga hayop sa malinis at plastic-free na tahanan. Kagaya ng nabanggit sa itaas, ang paggamit ng mga reusable bottles ay isa lamang sa mga itinataguyod nilang initiatives. May mga water dispensers sa palibot ng mga park kaya madali rin akong nakakaipon nang tubig lalo na’t may kalakihan ang mga ito. Importanteng manatiling hydrated habang tumutulong sa kalikasan!
Salungat sa ibang pasyalan, ang wildlife parks ng Singapore ay parating may hatid na bagong atraksyon at kaganapan na talaga namang aabangan niyo bilang pamilya, magkasintahan o kahit solo traveller. Kaya naman, hinding hindi ka talaga magsasawang pumunta rito.
Kung balak mong bumiyahe papuntang Singapore sa darating na Abril, maaari kang makisali sa Easter activities sa Jurong Bird Park! Sa kalagitnaan naman ng Mayo, ipagdiriwang ng Night Safari ang kanilang ika-25 na anibersaryo. Siguraduhing i-check mo lang palagi ang kanilang website para manatiling updated sa iba pang exciting na events!
Dalawa lang iyan sa patunay na mayroon kang bagong makikita sa parks sa bawat dalaw mo! Higit pa, hindi nakakalimot itong mga espesyal na tema sa totoong layunin ng mga parks — ang maghatid ng bukod-tanging ligaya habang pinangangalagaan ang mga hayop at kanilang tahanan!
Kung papaisipin niyo ako ng isang salita para ilarawan ang karanasan ko sa wildlife parks ng Singapore, walang atubili kong sasabihing ‘kakaiba’. Mula sa pagtrato sa mga hayop at sa pagpursigi sa conservation at sustainability efforts, hanggang sa pagbalanse ng mga ito sa pagbibigay saya sa mga panauhing katulad ko — aba’y panalo!
GRAB THE 4-PARKHOPPER TICKETS ONLINE & ENJOY AN ADDITIONAL 5% SAVINGS
Inihahandog ng Wildlife Reserves Singapore.
Published at
Get our weekly tips and travel news!
When 11 days in Japan still aren’t enough!
Have you ever tried exceeding beyond your travel budget?
Ready to take your Southeast Asian trip to a new level? How about travelling for a month through five countries?
4 countries, 10 days with an all-in budget of only ₱27k each, learn how these Filipina siblings did it!
Inclusive of food, accommodation AND tours!
Coron, here we come!
Philippine Airlines now offers daily flights from Manila to Cauayan City, Isabela in just one hour. Say goodbye to long road trips!
Filipino coffee lovers, explore visa-free Laos—sip, zipline, and discover a coffee haven!
Ooohh, sexy accent la!
From the award-winning Suyac Island to Carbin Reef, Sagay City offers breathtaking natural wonders and unforgettable adventures. Explore this hidden gem this 2025!