The promise of new flavours beckons from Banawe.
I-imagine niyo na lang: Nag-iinuman kami ng mga kaopisina kong Pinoy sa isang distrito sa Singapore na tinatawag nilang Geylang. Buong linggo kaming naroon para sa isang video shoot. Sobrang saya pero nakakapagod kaya naman naisipan naming mag-nightcap noong huling gabi namin doon. Tawa kami nang tawa habang nagkwekwentuhan, at sobrang halata yung bula ng beer sa aming mga baso. Haluan mo pa ng puyat at tama ng alak ang aming pagod at tuwa — ‘yon ang nararamdaman namin noong gabing iyon.
Sa gitna ng paghahalakhak, biglang kaming napatigil. May lumapit na mga pulis sa mesa namin. Para akong hihimatayin sa kaba noong narining ko ang sinabi nila. Alam niyo yung sa pelikula… ‘pag hindi ka makapaniwala sa nangyayari tapos biglang *BOOM* totoo pala?
“May we see some identification, please? Do you know that you’re not allowed to drink at this hour?” Tumigil. Ang. Puso. Ko. (Abangan ang nangyari sa mga susunod na taludtod…)
Dalawa ang rason kung bakit kilala ang Singapore bilang fine city. Una: talaga namang fine siya — maganda mamuhay dito kung kaya mong sabayan ang mataas na cost of living. Pangalawa, at mas importante para sa mga (ignoranteng) turista (na tulad ko at aking mga kaibigan): Kilala ang Singapore para sa nakakabaliw na fine o multa na kailangang bayaran sa oras na mahuli kang may inilalabag na batas. Patay ang pitaka mo ‘pag mapatunayan nilang guilty ka!
Upang maiwasan niyo ang naranasan namin noong naginuman kami (sa bawal na lugar!), narito ako para tulungan kayo. ‘Wag kayong clueless sa Singapore kung ayaw mong mapunta sa kulungan! Ito ang mga bawal sa Singapore.
Basahin din ito: Mga Bawal Mong Gawin sa Iyong Philippine Passport
Bawal ang gum sa Singapore, maging chewing gum o bubble gum pa ‘yan. Mahigpit na ipinagbawal ang pagpasok at pagbenta ng gum sa bansa mula noong 1992, at mukhang hindi magbabago yun. Nakakatawa kung iisipin mong mabuti, kasi pagbenta lang naman ng gum yun diba? Hindi ito maituturing gawain sa black market, ngunit dahil sa mga vandals na nagdidikit ng gum sa mga tren ng kanilang Mass Rapid Transit (MRT), ay patuloy na itong naging ilegal sa Singapore. Sa lahat pa ng pinang-baboy nila, gum pa talaga ang naisipan nilang gamitin. ‘Yan tuloy, na-ban.
Multa: Umaabot sa halagang S$100,000 (mahigit ₱3 million) kung mahuling kang nagbebenta ng gum. Pwede ka rin makulong.
Bawal din kumain o uminom sa loob ng istasyon. Maaari kang magdala ng baong pagkain at inumin, pero bawal mo itong buksan habang nasa loob ka ng MRT at ng mga istasyon nito. Matuto ka raw mag-antay.
Multa: Umaabot sa halagang S$500 (₱19,479 sa kasalukuyang exchange rate).
May mga lugar kung saan pwedeng manigarilyo. Pero ‘pag nahuli kang naninigarilyo sa lugar na ipinagbabawal ito, talagang mamumultahan ka — o ‘di kaya ay mapapatawag ka sa korte.
Multa: Umaabot sa halagang S$200 (₱7,799 sa kasalukuyang exchange rate) kung mahuli kang naninigarilyo sa ‘di tamang lugar; S$1,000 (₱38,997 sa kasalukuyang exchange rate) kung mapatunayan kang may-sala sa korte.
Tulad ng ibang siyudad, nagiging marumi rin naman ang Singapore matapos ang isang buong araw. Pero mapapansin mong magaling din magligpit at maglinis ang mga Singaporean. Tumira kami sa tapat ng isang hawker centre noong bumisita kami sa Singapore at kapansin-pansin ito: Kahit anong kalat at dumi ang madatnan namin tuwing hapunan, nawawala na ito ‘pag sapit ng umaga.
Multa: Umaabot ng S$300 (₱11,689 sa kasalukuyang exchange rate) para sa mga first-time offenders. Kaya pag-isipan mong mabuti kung saan mo itatapon ang basura mo, maging candy wrapper o resibo pa ‘yan.
Hindi ka naman mamumultahan kung ginawa mo ito. Pero siguradong kaiinisan ka ng driver mo. Kung hindi niya man i-cancel ang booking mo, talagang mararamdaman mo ang inis niya sa’yo habang ipinapagmaneho ka niya. Marami pa naman akong nakakausap na Grab drivers sa Pilipinas na nagrereklamong lagi silang ipinapaghintay ng pasahero nila. Hindi po ito Maynila. Mabuti nang tandaan mo ito: Kung nag-book ka ng Grab kahit saan, eh dapat lang na handa kang sumakay agad. Matutong lumugar.
Ahhh… Filipino time. Kung hindi mo alam ‘yon, i-Google mo! Yun yung kaugalian nating mga Pilipino na maging late sa kahit anong kailangan natin puntahan. Uso yun, pero hindi ibig sabihin ay tama siya. Kilala tayong ganito sa buong mundo, kaya dapat lang ay ikahiya natin ito. Sikapin na rin nating baguhin. Walang multa ang pagiging late sa Singapore, pero iwasan mo ito dahil sa kultura nila, kailangan lagi kang advanced!
Bawal rin naman ito sa Pilipinas, pero aminin mo — madalas din natin itong gawin sa atin! Mahigpit din itong ipinagbabawal sa Singapore. Sa totoo lang, ginawa namin ito pero isang beses lang (promise!). Kung nahuli man kami, siguradong iiyak ang mga wallet namin.
Multa: S$20 (₱780 sa kasalukuyang exchange rate) hanggang S$1,000 (₱38,997 sa kasalukuyang exchange rate), pero umaabot ng S$5,000 (₱195,000 sa kasalukuyang exchange rate) ang multa para sa repeat offenders. May mga pagkakataon ding pwede kang makulong ng TATLONG BUWAN!
Huwag kang mag-alala; hindi ka mamumultahan dahil lang dito. Iisipin lang ng mga Singaporean na isa ka ngang turistang ignorante. Ayon sa Singaporean etiquette, dapat kang maglakad o tumayo sa kaliwa tuwing nasa labas o kaya naman’y nakasay sa escalator. Wala namang masama kung susundin natin ito.
Ayan, pwede na tayong bumalik sa kwentuhan. Nasaan na nga ba ako? So ayun na nga, may limang pulis na lumapit sa mesa namin. Hinihingan nila kami ng ID. Yun pala, nagre-raid sila sa lugar na iyon. At hindi namin alam na lagpas na pala ang oras kung kailan pwede kaming uminom dahil nasa Liquor Control Zone kami. Sa Liquor Control Zones, BAWAL UMINOM SA LABAS mula:
Sa aming apat, dalawa kaming umiinom sa labas — sa sidewalk — dahil may mga upuan ang restaurant na pinagbilhan namin doon. Umiinom kami ng alak 2am nang Sabado. May tama kami at pagod kami. At pwedeng-pwede kaming multahan (o dalhin sa presinto!)
Mabuti na lang ay mababait ang mga pulis (shelemet, mga ate’t kyah). Binigyan lamang kami ng warning; ubusin na raw namin ang beer at magsiuwian na. Pwede rin naman daw kaming tumambay, pero wala nang alak.
Hindi kami umalis kaagad, pero hindi na rin kami bumili ng alak — siyempre. Nakita rin namin ang mga pulis na umiikot at nagre-raid sa ibang inuman at resto. Kaya sa susunod na iinom kayo sa Singapore (at sa ibang bansa!), siguraduhin niyong alam niyo ang mga patakaran ‘pag dating sa alak at sa mga inuman. Kung naging alisto lang kami, marami pala kaming makikitang poster at signages tungkol sa mga patakaran ng Liquor Control Zones. Hindi sana kami nalagay sa ganung sitwasyon. Swinerte lang kami; alam naming hindi ganun ka-swerte ang ibang nahuhuli.
Multa: Umaabot sa halagang S$1,000 (₱38,997 sa kasalukuyang exchange rate) para sa mga nahuhuling umiinom sa Liquor Control Zones sa maling oras.
Hindi kami umalis kaagad, pero hindi na rin kami bumili ng alak — siyempre. Nakita rin namin ang mga pulis na umiikot at nagre-raid sa ibang inuman at resto. Kaya sa susunod na iinom kayo sa Singapore (at sa ibang bansa!), siguraduhin niyong alam niyo ang mga patakaran ‘pag dating sa alak at sa mga inuman. Kung naging alisto lang kami, marami pala kaming makikitang poster at signages tungkol sa mga patakaran ng Liquor Control Zones. Hindi sana kami nalagay sa ganung sitwasyon. Swinerte lang kami; alam naming hindi ganun ka-swerte ang ibang nahuhuli.
Multa: Umaabot sa halagang S$1,000 (₱38,997 sa kasalukuyang exchange rate) para sa mga nahuhuling umiinom sa Liquor Control Zones sa maling oras.
Naniniwala akong dapat parusahan ang mga gumagawa nito. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging kaugalian na ng ibang tao ang pagdura sa kalye. Hindi ba nilang kayang pumunta sa CR? Subukan mong dumura sa kalye sa Singapore at siguradong magbabayad ka.
Multa: Umaabot sa halagang S$1,000 (₱38,997 sa kasalukuyang exchange rate).
Isa pa itong gusto kong na-implement! Hindi naman tayo hayop para iwan lang ang dumi natin sa kubeta. Alam mo ba na kapag nahuli kang hindi nag-fu-flush sa pampublikong toilet sa Singapore ay maaari kang mamultahan hanggang sa halagang ₱6,000?
Multa: Umaabot sa halagang S$150.
Kung mapapansin mo ay maraming pigeon sa Singapore, lalung-lalo na sa parks at sa mga kainan. Huwag mong pakainin ang mga ibon. Magsisisi ka ‘pag nahuli ka.
Multa: Umaabot sa halangang S$500 (₱19,486 sa kasalukuyang exchange rate).
Malawak ang sinasakop ng offence na ito: pwedeng nag-iingay ka lang talaga o di kaya’y nagpapatugtog ng musical instrument, pero hindi ka naman talaga marunong kaya medyo nakakairita na sa iba. Basta’t mahuli kang nag-iingay, mamumultahan ka. Kaya nga may lisensya ang mga busker sa Singapore. Kailangan nilang mag-audition sa National Arts Council para mapatunayang marunong nga sila tumugtog at kumanta.
Multa: Umaabot sa halagang S$1,000 (₱38,997 sa kasalukuyang exchange rate).
Marami pang bawal sa Singapore na pwede mong i-research, pero tumigil ako sa 13 dahil sabi nila malas at nakakatakot daw ang numerong iyon. Naway maging babala ito sa’yo, mula sa isang traveller na minsan nang nahuli ngunit swinerte lang. Pero ‘wag ka mag-alala! Walang namang mangyayaring masama kung sumunod ka lang sa patakaran. Ngayon naman… paano kaya natin ito magagawa sa Pilipinas?
Basahin din ito: 7 Pinoy Travel Habits na HINDI mo Dapat Ikahiya
Isinalin galing sa (translated from): Tourists Be Warned: 13 Things You Just Can’t Do in Singapore
Published at
Get our weekly tips and travel news!
The promise of new flavours beckons from Banawe.
Spread the good word!
Permission to feel like royalty even for a day?!
Looking for a weekend bonding with the family under ₱500? Head to these places, pronto!
Book those flights ASAP.
Recharge your mind and body in the best wellness retreats across Asia!
One flight is all you need to explore Hokkaido!
Join the fun, culture, and excitement at Dinagyang Festival 2025!
Save this list for future reference!
Here’s what you need to know about Hong Kong's new hotel tax this 2025!