Ano Nga Bang Iniisip ng mga Tambay ng Online Shopping Stores?

Tulad ng karamihan sa inyo, isa rin akong official tambay ng . Kahit ayoko na sanang magdagdag ng kalat sa bahay ko, maya’t maya pa rin akong natutukso dahil sa ilang magic words: Sale, cashback, at — ang paborito ko sa lahat — free shipping. (Naiimagine ko nang may nagbubulong sakin ng mga salitang ito, à la Resorts World Manila. Naririnig mo rin ba?)

Ramdam na ng wallet ko yung pagkalulong ko sa online shopping. Mukhang kailangan ko na ng intervention. Kaya ngayon, pag-aaralan ko muna kung paano ba ako nahuhulog sa ganitong paulit-ulit na sitwasyon. Mga kapwa kong tambay sa diyan, para sa inyo rin ito.

Basahin din ito: ‘Tita Gadgets’ Make Life Easier — This List of 20 Must-Have Items Is Solid Proof

Ano nga ba iniisip ng mga tambay ng ?

Nagsisimula ang lahat sa “seen”

Pero hindi ito tulad ng love life na kapag na-seen ka, tapos na ang laban. Sa online shopping, kapag may na-seen kang isang produkto… parang bang hindi mo na siya maalis sa utak mo.

Minsan, una mo itong nase-“seen” sa ads sa social media. Minsan, sa posts ng mga kaibigan mo. O minsan naman, trip mo lang mag-scroll sa feeds ng . Bago mo mamalayan, naka-ilang add-to-cart ka na pala.

Tatambay ka muna sa online store

Dahil malay mo, may kailangan ka pa palang iba. (Sa totoo lang, alam mo namang wala ka nang ibang kailangan. Pero sayang naman SF kung iisa lang bibilhin mo diba?) Tapos, makikita mo yung mga “Similar Products” at “Products You Might Like” na inirerekomenda ni seller. Hello, savings, goodbye.

Magsisimula ka nang mag-dalawang isip

Madali lang naman talagang mag-“add to cart.” Kadalasan, yung “checkout” ang mas mahirap pindutin. Kasi naman, sinong hindi mapapaatras sa total price ng lahat ng nasa cart mo?! So ngayon, iisipin mo muna: Kailangan ko ba talaga ito? Mabubuhay ba ako na wala siya? Minsan pa nga: Teka lang, parang may ganito na ako ah.

Matutulog ka na lang muna

Sa sobrang pag-ooverthink mo, napagod ka na. Ubos na energy mo at ayaw mo nang kwentahin ulit kung magkano na lang matitira sa savings mo. Itutulog mo na lang muna. Hanggang sa…

Mapapanaginipan mo na sa kakaisip

Sabi nila, kung hindi mo gusto ang isang bagay, makakalimutan mo rin ito. Pero ikaw, lalo mong minamahal ang mga gusto mong bilhin bawat araw na lumilipas. Kada oras mo tsine-check kung nandoon pa ba yung item. Biglang matatakot ka nang ma-sold out siya kung hindi mo pa bibilhin kaagad. Kaya naman…

Bigla ka na lang mag-che-checkout!

Wala nang makakapigil sa’yo! Nakahanda na ang pambayad mo at hindi mo na ito babawiin! Tanggap mo na lahat ng ginawa mo, at alam mong hindi mo pagsisisihan ito! Minsan lang naman, diba?! *Repeats to self hanggang sa maniwala ka*

… Nako! Hindi umabot sa minimum for free shipping

Ayan tayo, eh. Ready na ready tayo gumastos para sa kung anu-ano, pero ayaw natin gumastos para sa shipping. Eh kung ilang daan lang naman ang kailangan mo para maabot yung minimum, diba? Diba?! *Add to cart ulit* RIP, wallet.

Basahin din ito: Travel Fund 101: 9 Ways I Save Up for My Next Travel

Magbabayad ka na

Akala ba nila madali mag-online shopping? Ang dami rin kayang pagdadaanang desisyon bago ka mag-checkout at bayad! At kahit naghihingalo na naman ang wallet mo, at least nabili mo mga gusto mo bago ma-sold out. Worth it! Wooh!

Ngayon, abangerz mode ka na

Sabi nila walang forever, pero bakit parang forever na lang na “To Receive” ang status ng package mo? Bawat kahol ng aso, napatitingin ka sa gate. Mapapaisip ka: Bakit ang tagal? Iko-contact ko na ba si seller? 

Meanwhile, tatambay ka na lang muna ulit sa . Refresh ka lang muna nang refresh lang hanggang sa magbago na yung tracking status.

At sa wakas, dumating na rin!

Sa wakas ay nakuha ko na ang aking hinahangad, kanta ng Eraserheads. Kung wala lang COVID-19, hahalik-halikan mo na package mo! Pero syempre, safety first — disinfect muna ng package, tapos hugas ng kamay. Kapag malinis na ang lahat, pwede mo nang yakapin ang iyong purchase. Yehey! Salamat po, rider!

Basahin din ito: COVID-19 care packages: What are they and what to pack

*Beep* At nag-notify na naman ng sale

Sabi mo magtitipid ka na, eh. Pero sayang! Free shipping na nga, may discount pa?! Paano mo matatanggihan, diba?!

Hello, payday!

Wow, may pera ka na naman?! Oras na ulit mag-#TreatYoSelf! (Pero syempre, savings muna.)

… And the cycle repeats.

Ganito rin ba pinagdadaanan mo? Para sa mga willing tumulong sa aming lulong na sa online shopping — please send help!


Isinalin galing sa (translated from) A Shopaholic’s Confession: The Emotional Stages of Online Shopping.

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles