8 Mas Maiging Paraan sa Pag-iimpake ng Iyong Maleta

Tuwing pupunta ka sa ibang bansa at handa na lahat ng dokumento mo, ano nalang natitira? Aba’y ang iyong maleta, syempre! Hindi na ako nagugulat tuwing naririnig ko sa mga biyahero na ang pinakaayaw nilang bahagi ng paglalakbay ay ang pag-impake ng kanilang maleta. Magulong gawain siya, at kain pa sa oras. Kung pwede lang may ibang tao na mag -impake para sa atin habang nagpapahinga nalang tayo para sa mahabang biyahe, pero syempre kailangan natin itong gawin. Ako mismo inaayos din ang sariling gamit para kampante ako na walang naiwan o nakalimutan. Ngayon, bibigyan ko kayo ng mga tips upang mas mapadali ang pagiimpake niyo.

1. Gumawa ka ng listahan

Oo, ang mahiwagang listahan! Ayusin mo ang listahan base sa importansya ng iyong kagamitan. Importante ang paggawa ng listahan dahil, una, hindi mo na kakailanganin tandaan kung ano ang susunod na ilalagay sa maleta mo kasi nakasaad na sa iyong lista. Pangalawa, hindi ka na magsasayang ng oras sa pagiisip kung ano ang dapat o hindi mo dapat dalhin na kagamitan kasi mayroon kanang nakasulat na gabay. Pangatlo, madali mong malalaman kung ano ang nakalimutan mong ilagay sa maleta pag tapos ka na mag-impake. Kung ika’y makakalimutin na tao, ang paggawa ng listahan para sa iyong maleta ay mabuting kaugalian na dapat mo nang isabuhay.

2. Gumamit ng packing organizers

Kapaki-pakinabang din ang organizers sa pag ayos ng inyong maleta dahil hindi na magiging kalat-kalat ang nilalaman ng bagahe niyo. Pwede mong ipangalan ang organizers batay sa uri ng kanilang laman tulad ng damit, toiletries, accessories, atbp. Kung gusto mo, pumili ka ng organizers na colour coded para mas mabilis hanapin ang mga gamit mo sa maleta. Hindi mo na kailangan maghukay sa dami ng iyong dala. Abutin mo nalang ang partikular na organizer bag na hinahanap mo.

3. I-rolyo mo ang mga damit mo

Hindi ito angkop sa lahat ng uri ng mga damit, pero kung hindi niyo pa alam, ang pag rorolyo ng tops at underwear ay nakababawas din ng kusot sa inyong mga damit. Ang mga damit namang naka hanger ay pwede niyo lagay sa plastic dry cleaner bag bago niyo ito irolyo pataas. Itong pamamaraan ay mas mabilis at tipid pa sa espasyo ng maleta. Pero tandaan din na ang mga bestida, palda at pantalon na may matigasing tela ay mas mabuting tiklupin.

4. Ilagay ang mga medisina sa pill box o ziplock

Image credit: Dvortygirl

Pagdating sa aking mga gamot, naglalagay ako sa maleta at sa carry-on bag. Hindi kasi natin alam, baka sakaling mawala maleta natin habang tayo’y naghihintay sa airport o nasa eroplano. Magbaon kayo ng mga gamot sa carry-on niyo na aabot hanggang dalawang araw man lang. Pwede niyong ilagay sa transparent ziplock para mas magaan, o sa pill box para naka-kategorya ang inyong mga gamot batay sa inyong kagustuhan. Wag na wag ninyong kalimutan magdala ng gamot para hindi na kayo gagastos sa ibang lugar!

5. Magdala ka ng rubber bands

Ang rubber bands ay maaari niyong gamitin para ikumpol ang mga maliliit na bagay tulad ng pasalubong, panulat, maliliit na lalagyan, at iba pa. Kapaki-pakinabang ang rubber bands sa pag ayos ng kalat hindi lamang sa inyong maleta, kundi sa inyong carry-on. Hindi ko na mabilang ang ilang beses ko inisip na sana nagdala ako ng rubber bands habang nag-iimpake na ako pauwi. Parating may mga maliliit na items na hindi umaangkop sa aking organizers at mas mabuting nakakumpol nalang sana sa rubber band. Magugulat ka nalang kung gaano nakakatulong ang rubber bands pag dating ng panahon.

Basahin din ito: 10 Brands To Look For When Choosing A Travel Backpack In The Philippines

6. Magdala ka ng masking tape o duck tape

Napaka basic nitong payo pero minsan, binabalewala rin natin. Sa bawat oras na nag checheck-in kayo ng maleta, iselyo niyo ang inyong liquid bottles ng masking tape para umiwas sa pagkalat ng likido. Ako mismo linalaktawan itong proseso kung minsan, hanggang sa araw na nakita ko nalang na tumagas ang face oil ko sa aking bagahe. Kung nangyari rin ito sa inyong shampoo, conditioner, o lotion, mapipilitan kayong umasa nalang sa hotel complimentaries. Wala namang masama roon, pero sabi nga nila, na sa huli ang pagsisisi. Wag niyo na paabutin doon.

Ang ibang mga biyahero naman ay nagdadala rin ng duck tape para balutin ang buong maleta nila bago mag check-in. Ginagawa nila ito para mabilis nilang malalaman kung may nagtangkang buksan ang kanilang maleta habang sila’y na sa biyahe. Kung gusto niyo maging mas maingat pa, maaari niyo rin itong sundin.

7. Maglaan ng espasyo para sa pasalubong

Minsan, nadadala na tayo sa pagkakasya ng ating pag-aari sa ating maleta na nakakalimutan natin maglaan ng espasyo para sa mga pasalubong. Kailangan mo talaga ng espasyo kung balak mo bumili ng maraming pasalubong! Wag mo nang piliting isuksuk sa maleta ang lahat ng iyong kagamitan kasi hindi mo na mapagkakasya nang mabuti ang mga dagdag na bilihin pagkatapos ng iyong biyahe. Kailangan mong isipin nang maaga kung paano mo ipagkakasya and gamit mo KASAMA ang mga pasalubong na iyong iuuwi bago ka pa umalis ng bahay.

8. Huwag mag check-in ng mahahalagang bagay

Ngayon, pagusapan natin ang mga bagay na HINDI mo dapat i-check-in. Itago mo nalang sa carry-on bag mo ang mga importanteng bagay tulad ng iyong pitaka, passport, IDs, credit cards, at iba pa. Wag mo silang ilagay sa maleta mo na mas madali buksan ng kung sinu-sino. Saan ka man sa mundo, maraming airport security officers na hindi tapat at baka pagsamantalahan ang pagkakataong buksan ang iyong maleta bago mo pa ito makuha sa iyong destinasyon. Kaya para sa ikabubuti ng lahat, ilagay mo nalang lahat ng mahahalagang bagay sa bagaheng lagi mong bitbit.

Basahin din ito: 10 Ways to Avoid the Notorious Laglag-Bala Scam In The Philippines

Alam naman nating lahat na ang pag-iimpake ay nakakapagod talaga, papunta man o pabalik galing sa iyong destinasyon. Pero mas magiging kampante at masaya ka sa iyong sarili pag nakapagimpake ka nang mabuti. Alam mo na kung saan mo hahanapin at ibabalik ang iyong mga gamit, madali mong makikita kung may nawawala kang bagay, at mas madali na mag reorganise ng nilalaman ng iyong maleta kasi may istraktura ka nang sinususundan. Kailangan mo lang masanay, at magiging dalubhasa ka na sa pag-iimpake sa lalong madaling panahon.

Isinalin galing sa (translated from): Suitcase Packing: 8 Ways To Do It Better

Published at


About Author

Therese Sta. Maria

Therese's close friends know that if they haven’t seen her around recently, then she’s probably having an adventure with her luggage and camera in hand. Though she loves staying at home and spending lazy afternoons with friends, there are times when she has to be "away from home to feel at home," — that’s when she’s bitten by the travel bug. See her travels on Instagram <a href="https://www.instagram.com/reesstamaria/">@reesstamaria</a>.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles