The promise of new flavours beckons from Banawe.
Sa mga may lakad diyan, baka gusto niyong i-resched na lang ang paglabas ng bahay dahil mahirap hirap makatsamba ng ligo ngayon. Sa kani-kanilang Facebook pages, nag-anunsyo ang Maynilad Water Services, Inc. at ang Manila Water ng water interruption schedules sa ilang mga lugar.
Ayon sa Maynilad, kasali sa apektado sa daily water service interruption ang Parañaque, Pasay, Manila, Navotas, Quezon City, Malabon Makati, Valenzuela at Caloocan. Maaasahan ang pagkawala ng tubig araw-araw, mula 10am hanggang 4pm, 16–30 Abr 2022.
Kung kasama ka sa mga nawawalan ng tubig, huwag mag-panic! Marami kang puwedeng gawin na ikababawas ng stress mo. Huwag mo nang sabayan ng init ng ulo ang init ng panahon — baka sumingaw pa ang natitirang tubig diyan sa bahay niyo. Heto ang ilang maaari mong gawin para mabuhay sa panahong ito.
Hangga’t sa maaari, isabay mo na rin sa paghuhugas ng pinggan ang paghuhugas ng kamay. Pero kung kailangan mo na talagang maghugas ng kamay, maghugas ka sa tabo nang magamit mo rin ang tubig na pang-flush ng inodoro. Gawan mo ng paraan na masulit ang tubig na gamit mo. Pero, wag naman sa puntong makokompromiso na ang kalusugan mo.
Hirap mag-igib ng tubig? Mag-invest ka na sa tabong ito na hayop sa laki. Tatlong litro agad ang kayang igibin ng tabong ito — isang buhos pa lang, tapos ka nang maligo!
Kung may balak ka mang lumabas, doon ka na sa lugar na may tubig. Bisitahin mo na ang mga kaibigan mong pinagpala ng katubigan! Doon ka na rin makiligo, makilaba, at kung anu-ano pa. Bumawi ka na lang kapag oras na nila.
Basahin din ito: 10 Minimalist Bathroom Items We Want Right Now
Heto na ang perfect excuse mo para magpuntang dagat. Magdala ka na rin ng organic shampoo at sabon. Siguraduhin mong wala kang papataying isda sa pagligo mo! Kaya man nilang tiisin ang amoy mo, pero mamamatay sila sa mga kemikal ng ilang toiletries mo.
Basahin din ito: Beachfront Near Manila: 10 Idyllic Rentals for a Private Slice of the Beach
Dahil hindi mag-aadjust ang tubig para sa iyo, ikaw na ang mag-adjust para sa kanya. Gumising ka nang maaga para matapos mo lahat ng kailangan mong tapusin bago ka pa mawalan ng tubig.
Baka tinatawag ka na ng kalawakang ituloy yang fitness goals mo. Bago ka pumasok ng opisina, magpunta kang gym at doon ka na mag-shower! Pero bago ang lahat, tanungin mo rin kung may tubig ang gym mo. Mahirap na kung wala. Kawawa naman katabi mo sa opisina.
Kung paghuhugas ng pinggan ang struggle mo, mag-ipon ka rin ng tubig sa water dispenser o kahit anong jug na may gripo. Sa paraan na ito, hindi mo na kailangang maging pugita na nagbubuhos ng tubig habang nagsasabon ng plato.
Kung wala ka pang malaking drum para sa ipunan ng tubig, pwedeng pwede kang bumili nitong 250 litrong drum. Water jug na may gripo ba hanap mo? Pwede naman ito.
Oras na para sa summer look. Bawasan ang tubig na pambanlaw ng buhok. Magpagupit ka na! Kung matapang ka, bakit di mo ring subukang magpakalbo? Sige nga! (Syempre, walang pilitan ‘to. Baka bawal pala sa dress code niyo at ako pa ang masisi.)
Basahin din ito: 7 Trendy Summer Hairstyles That Will Spice Up Your Look
Ganyan tayo, eh — lahat na lang, ginawa na nating rason para bumyahe. Pero isipin mo, diba? Habang #teamnoligo mga tao rito, ikaw maginhawa ka lang sa ibang bansa. Medyo nakatutukso ‘tong nai-imagine ko, ah… Boss, emergency leave nga po! (Siguraduhin mo lang may trabaho ka pa pag-balik mo.)
Basahin din ito: 11 Obvious Signs You Shouldn’t Be Travelling At All
Ikaw, anong mapapayo mo sa mga kababayan mong walang tubig? Share mo naman sa comments section! Hindi ka naman namin maaamoy mula rito.
Impormasyon mula sa Maynilad Water Services, Inc. Official Facebook Page at Manila Water Official Facebook Page.
Published at
Get our weekly tips and travel news!
The promise of new flavours beckons from Banawe.
The only plastic we need for travel.
Spread the good word!
Book those flights ASAP.
Stay safe and travel well during the rainy season.
Coron, here we come!
Philippine Airlines now offers daily flights from Manila to Cauayan City, Isabela in just one hour. Say goodbye to long road trips!
Filipino coffee lovers, explore visa-free Laos—sip, zipline, and discover a coffee haven!
Ooohh, sexy accent la!
From the award-winning Suyac Island to Carbin Reef, Sagay City offers breathtaking natural wonders and unforgettable adventures. Explore this hidden gem this 2025!