Wildlife Parks Barkadas Can’t Miss on a Weekend Trip to Singapore

Nabansagan mang “Little Red Dot,” hindi mo iisiping maliit ang Singapore dahil sa rami ng puwedeng gawin dito. At dahil kapitbahay lang natin ang visa-free na bansang ito, malamang sa malamang ay isa na siya sa mga pinagplanuhan niyong puntahan bilang barkada. Pero kung isang weekend lang ang mayroon kayo para libutin ang Singapore, ano na nga bang mga lugar ang dapat niyong unahin?

Bilang nasa ibang bansa kayo, siguro prioridad niyong maglakad-lakad para makapag sightseeing. Pero kung sightseeing at kakaibang experience ang habol niyo, hindi niyo puwedeng palampasin ang mga wildlife parks sa Singapore. Bakit? Lahat sila’y nagbibigay ng kakaibang karanasang hindi na mo mahahanap sa ibang lugar ng Asya!

Tip: Dahil sa kalawakan ng mga parks, mainam nang planuhin niyo na sa simula pa lang kung ano ang magiging ruta niyo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga hayop,  exhibits, at showtimes, puntahan lang ang website ng Wildlife Reserves Singapore.

Day 1

Umaga: Singapore Zoo

Simulan agad ang barkada adventure sa Singapore Zoo, isang zoo na kamakailan lang naisama sa “Top 3 Zoos in the World.” Iba ito sa mga zoo na nakasanayan natin — alagang alaga lahat ng mga hayop dito at malalawak ang kanilang mga tahanan. Sa katunayan, baka makalimutan niyong nasa zoo kayo pagkaapak dito. Puwede kayong magpakain ng iba’t ibang hayop dito tulad na lang ng white rhinos, mga elepante at mga giraffe.

Itinayo ang Singapore Zoo para sa konserbasyon ng samu’t saring hayop ng mundo, kaya parami nang parami ang mga critically endangered species na nananahan dito. Isa na lang sa mga ito ay ang mga orangutan.

Paubos na ang lahi ng mga orangutan dahil sa patuloy na pagkasira ng kanilang natural na tahanan at sa mga kaso ng illegal hunting. Kaya naman, nakatutuwang makita na maligaya at malaya ang ilang mga orangutan sa Free-Ranging Orangutan Island sa Singapore Zoo.

Image credit: Wildlife Reserves Singapore | Singapore Zoo

Huwag niyo din palampasin ang Splash Safari kung saan ang kaibig-ibig na California sea lion ng Singapore Zoo ang bida dito. Sa rami ng alam niyang tricks, tiyak na mabubuo ang araw niyo! Siguraduhin niyong naka-ready ang mga pamalit niyo, dahil mawiwisikan kayo ng makulit at super friendly sea lion na ito kung nakaupo kayo sa harapan.

Singapore Zoo

Address: 80 Mandai Lake Road Singapore 729826

Opening Hours: 8.30am – 6pm

Paano pumunta rito: Mula sa Khatib MRT Station, may S$1 shuttle bus na didiretso sa Singapore Zoo Coach Bay.

Hapon: River Safari

Red Panda

Manatee

Pagkatapos ng Singapore Zoo ay pumunta kayo sa River Safari, ang iisa at kauna-unahang river-themed wildlife park sa Asya. Tahanan ito ng isa sa pinakamalalaking koleksyon ng freshwater animals sa mundo, pati na rin ng ilan pang mga hayop at halaman. Masisiyasat niyo rin dito ang iba’t ibang ilog ng mundo tulad ng ilog Mississippi, Congo, Nile, Ganges, Mekong at Yangtze.

Sa rami ng hayop dito, ang nananatiling paborito ng karamihan ng mga turista ay ang Giant Panda Forest. Hindi lang ito basta santwaryo ng mga cute at fluffy na mga Giant Panda at Red Panda — ito na ang pinakamalaking panda exhibit sa buong Timog Silangan! Ubod din ng ganda ang kanilang tahanan. May waterfall at pools kung saan puwede silang lumangoy at mapreskuhan. Mayroon pa silang sariling kusina para siguradong malusog ang kanilang mga katawan. Ilang puno ng kawayan at bato rin ang idinagdag sa tahanan nila para makapaglaro sila, dahil kapag may pagkain, dapat may exercise rin. Alam natin ‘yan!

Image credit: Wildlife Reserves Singapore | River Safari

Maliban sa ilang hayop na makikita mo sa River Safari, may iba pang kakaibang experience na nag-aabang sa inyo rito. Subukan niyo ang Amazon River Quest kung saan masusulyapan niyo ang mga hayop habang nakasakay kayo sa bangka. Huwag kayong kukurap, at magparamihan kayo ng hayop na mahahanap!

Kung hindi kayo mahilig sa tagu-taguan, wala namang problema. Hindi naman lahat ng hayop na madaraanan niyo sa Amazon River Quest ay magtatago mula sa inyo. Iyong iba, tulad ng capybaras at jaguars, ay matatanaw niyo naman sa laki.

River Safari

Address: 80 Mandai Lake Road Singapore 729826

Opening Hours: 10am – 7pm

Paano pumunta rito: Mula sa Khatib MRT Station, may S$1 shuttle bus na papuntang Singapore Zoo Coach Bay. Ang River Safari ay katabi lang ng Singapore Zoo.

Gabi: Night Safari

Image credit: Wildlife Reserves Singapore | Night Safari

Kaya pa? Huwag kayong mag-alala, dahil puwede na kayong mag sit back and relax sa susunod na lugar. Matapos ang isang oras na paglalakad sa Rainforest Lumina, puwede naman kayong sumakay ng tram sa Night Safari. Lilibot ang tram sa kagubatang tahanan ng mga hayop mula sa anim na rehiyon ng mundo, tulad ng Malayan Tigers at Asian Elephants. Maliban sa tram ride, mayroon ding kakaibang shows  dito, tulad ng Fire Dance at Animal Show, para sa inyo.

Tip: Kung gusto niyo pang ituloy ang gabi, puwedeng-puwede pa kayong mag-ikot ikot sa walking trails ng Night Safari nang lalo niyong masulit ang oras niyo sa park. I-download lamang ang map ng walking trails dito.

Night Safari

Address: 80 Mandai Lake Road Singapore 729826

Schedule: 7.15pm – 12am; Last entry at 11.15pm

Paano pumunta rito: Mula sa Khatib MRT Station, may S$1 shuttle bus na patungong Singapore Zoo. Ang Night Safari ay katabi lang ng Singapore Zoo.

Day 2

Umaga: Jurong Bird Park

Ipagdiwang niyo na kaagad ang nakulayan niyong drawing kasama ang makukulay na ibon sa Jurong Bird Park. Tulad niyo, malaya silang nakakalibot kasama ang kanilang mga kaibigan. Puwede niyong simulang mag-explore sa Lory Loft, isang walk-in aviary kung saan puwede kayong bumili ng honey para maakit ang lories at lumipad palapit sa inyo.

Marami pa kayong maaaring gawin kasama ang mga ibong ito. Puwede niyo silang lapitan, pakainin at panoorin ang talent show nila!

Sa High Flyers Show, makakakita kayo ng mga ibong mas matalino pa kaysa sa valedictorian niyo nung high school. At hindi lang sa talino naglalaban ang mga ibon dito. Iyong mga loro, makikita niyong nagtatagisan ng bilis at liksi — syempre, lahat ng iyan habang nananatiling cute na cute.

Jurong Bird Park

Address: 2 Jurong Hill, Singapore 628925

Opening Hours: 8.30am – 6pm

Paano pumunta rito: Sumakay ng MRT (East-West o Green Line) at bumaba sa Boon Lay (EW27). Mula rito, sumakay sa Bus No. 194 papuntang Jurong Bird Park.

Image credit: Wildlife Reserves Singapore | Jurong Bird Park

Walang problema kung gusto niyong magtagal sa Jurong Bird Park, dahil hindi kayo mauubusan ng gagawin dito. Sa katunayan, puwede niyo ring subukan mag-tanghalian dito kasama ang mga ibon. Mula 12.30 hanggang 2pm, may Lunch with Parrots sa Flamingo Lodge o Songbird Terrace. Bukod sa masustansyang Asian food, talentado at madadaldal na mga ibon ang aaliw sa inyo rito!

Lunch with Parrots

Showtime: 1pm – 1.30pm

Price: S$25 per Adult, S$20 per Child (Excludes Park Admission Fee)

Tip: Imbes na bumili kayo ng ilang single park tickets, kumuha na lang kayo ng 4-Park admission tickets nang mabisita niyo ang apat na zoo na hindi masyadong gumagastos. Sa halagang S$78, makatitipid kayo ng halos kalahati ng magagastos niyo kung bibili kayo ng magkakaibang single park tickets.

GRAB THE 4-PARKHOPPER TICKETS ONLINE & ENJOY AN ADDITIONAL 5% SAVINGS

Gabi: Rainforest Lumina

Hindi kailangang matapos ang kasiyahan niyo paglubog ng araw. Matapos niyong masilayan ang mga hayop ng Singapore Zoo, maghanda naman kayo para sa mahihiwagang virtual Creature Crew ng Rainforest Lumina. Kung mahilig kayo sa pailaw effect, ito na ang perpektong lugar para sa inyo!

Ang Rainforest Lumina na naghahandog ng multimedia night walk ay tila isang mahiwagang gubat sa ilalim ng buwan. Kung may mga kaibigan kayong hari’t reyna ng Instagram, hahanga kayo rito sa sobrang dami ng Instagram-worthy moments. Siguraduhin niyong praktisado na ang night photography skills niyo para sulit na sulit!

Tip: Makatitipid kayo kung kukuha kayo ng Rainforest Lumina Two to Go, kung saan makatatamo kayo ng dalawang ticket para sa mga matatanda sa halagang S$36, at dalawang ticket para sa bata sa halagang S$26.

Rainforest Lumina

Address: 80 Mandai Lake Road Singapore 729826

Opening Hours: 7.30pm – 12am; Last entry at 10.30pm

Paano pumunta rito: Mula sa Khatib MRT Station, may S$1 shuttle bus na patungong Singapore Zoo. Ang Rainforest Lumina ay nasa loob ng Singapore Zoo.

GET YOUR TWO TICKETS TO RAINFOREST LUMINA HERE

Ano pang hinihintay ninyo? Markahan niyo na ang mga kalendaryo nang matuloy na ang Singapore trip ng barkada. Sulitin niyo ang weekend dito at subukan niyo lahat ng maaari niyong masubukan, lalo na iyong mga experiences na only in Singapore. At syempre, huwag niyong kalilimutan mag-enjoy. Tandaan, a barkada that travels together, stays together!


Inihahandog ng Wildlife Reserves Singapore.

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles