8 Baby Steps Kung Takot Ka Pa Mag Solo Travel

Sa panahon ngayon na nauuso ang do-it-yourself, parang kayang kaya na ng kahit sino ang . Pero, ito talaga ang totoo: Nakakatakot siya. Marami lang ang hindi umaamin. Marami kang panganib na haharapin kapag bumiyahe ka mag-isa. Sa totoo lang, hindi siya madaling paghandaan.

Hindi mo kailangang magmadali! Subukan mo muna ang mga susunod na aktibidad hanggang sa maging komportable kang mag-.

Basahin din ito: Read This If You Are Scared To Travel Alone

1. Mag-day trip

Hindi naman sa dapat mong ikahiya yung travel buddy mo, pero may kakaibang ligaya talaga sa pagbiyahe mag-isa. Kung hindi ka pa handa para sa pangmatagalang paglalakbay mag-isa, subukan mo munang bumiyahe sa malapit na lugar. Day trip, kumbaga. Hayaan mong i-enjoy iyong sarili mo buong araw. Sa pamamagitan nito, makakapagmuni-muni ka tungkol sa sarili mo at sa ugali mo. Masusubok mo rin ang mga kahinaan mo at malalaman mo ano ang mga bagay na kailangan mong paghusayan pa. Balang araw, magiging handa ka na ring mag-explore ng mundo mag-isa! Pero sa ngayon, doon ka na muna sa dagat na apat na oras lang mula sa Maynila.

Basahin din ito: 17 Best Day Trips From Manila if You Need a Break From the City

2. Bumisita sa kaibigan

Minsan, ang pinakamahirap na parte ng ay iyong parte bago iyong mismong biyahe mo. Mahirap gumawa ng itinerary mag-isa. Nakaka-stress maglakad ng documents at mag-book ng titirhan. Bakit hindi mo subukang bumiyahe sa lugar na may kakilala ka na? Sa gayon, may mapagtatanungan kang mapagkakatiwalaan mo. Malay mo, siya pa ang mag-tour sa’yo!

3. Subukan ang voluntourism

Ang voluntourism, salitang gawa sa pinagsamang “volunteer” at “tourism”, ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga biyahero na mag-kawang gawa habang nasa ibang lugar. Syempre, ang pinakamalaking kagandahan nito ay makakatulong ka sa iba. Pero, maganda rin ang voluntourism kasi makaaaapak ka sa mga malalayong lugar at makakaranas ka ng iba’t ibang kultura. Bilang may mga voluntourism guides na tutulong sayo sa paglalakbay, hindi magiging ganoon ka-nakakatakot ang .

Basahin din ito: Volunteering in the Philippines: 5 Nonprofit Organizations to Get Involved In

4. Mag-aral sa ibang bansa

Kung kaya mo, subukan mong mag-aral sa ibang bansa! Kahit isang semestre lang. O kaya naman, subukan mong mag-apply sa mga conferences o overseas programs na tugma sa industriyang tinatahak mo. Dahil may tutulong sayong mga institusyon, mas makakampante ka sa pagtira sa ibang bansa. Kapag andoon ka na, pwede ka nang magsimulang mag-ikot ikot mag-isa. Sa pamamagitan nito, makasasanayan mong makisalumuha sa iba’t ibang kultura at maligaw sa lugar na hindi mo kilala.

Basahin din ito: Top 7 Countries for Filipinos to Study & Travel Abroad

5. Matuto ng bagong skill

Hindi lahat ng tao ay kayang mag-aral sa ibang bansa. Kung masyado ring mahirap para sa’yo ito, bakit hindi mo na lang subukan magpunta sa malayong lugar sa Pilipinas para matuto ng bagong life skill? Mag-enroll ka sa pottery classes sa Vigan, o kaya naman mag-aral kang mag-surfing sa Baler. Maghanap ka ng workshops na nakapupukaw ng interes mo. Hindi ka lang mag-eenjoy rito, makakasalimuha mo rin ang mga guro at estudyanteng lokal.

6. Bumalik sa napuntahan nang lugar

Kung ang pinakakinatatakutan mong aspeto ng ay iyong wala kang makakapitang travel buddy para tulungan ka sa direksyon at pananalita, edi simulan mong mag- sa lugar na napuntahan mo na. Mabibigyan ka ng kaginhawahan ng lugar na pamilyar sa’yo. Kapag nakasanayan mo nang magpunta sa iba’t ibang pamilyar na lugar nang mag-isa, magiging handa ka nang mag- sa mga bagong lugar.

Basahin din: Revisit Places: 5 Reasons Why It’s Good For You

7. Mag-travel para sa trabaho

Sa susunod na naghahanap ang boss mo ng ipadadalang kinatawan ng kompanya sa ibang bansa, magtaas ka ng kamay! Wala ka nang masyadong aalahanin sa biyahe mo, at makakapag-explore ka pa ng bagong lugar. Syempre, maghanda ka rin sa matinding responsibilidad ng pagdala ng pangalan ng kumpanya mo. Pero kung magkaroon ka nga ng pagkakataon, huwag kang matakot at kunin mo na ang oportunidad mag-travel!

8. Kumontak ng ahensiya

Kadalasan, naiisip nating puro backpackers ang mga nagta-travel solo. Pero, hindi laging ganoon. Kung hindi mo pa gamay ang trip planning, kumontak ka na lang ng travel agency. Sila na ang maga-asikaso ng lahat ng pangangailangan mo sa biyahe at hindi ka na mamomroblema sa pagplano. Karamihan ng mga ahensiyang ganito ay isaalang-alang din ang mga personal na kagustuhan ng biyahero. Sa pagkakaroon ng grupo ng mga propesyonal na taga-plano, magkakaroon ka na ng experience sa . Matutulungan ka rin nitong experience mong ito sa pag-obserba sa kung paano bang mag-plano, para kayanin mo nang gawin mag-isa sa susunod.

Basahin din: Filipinos’ Guide to Travelling Solo for the First Time

Hindi mo kailangan pwersahin sarili mong mag- kung hindi ka pa handa. Marami namang alternatibong paraan para maranasan mo ang . Malamang, kaunting mga payo lang naman ito. Pwedeng pwede ka ring sumubok ng iba pang mga paraan ng pag-travel!


Isinalin galing sa (translated from): 8 Baby Steps To Travel Solo If You’re Still Afraid To Do It

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles