Book those flights ASAP.
Pangarap mo rin bang marating ang tinaguriang “Land of the Morning Calm”? Magdiwang na sapagkat ang South Korea visa application for Filipinos, mas padadaliin pa!
Dumating ang balita pagkatapos ng 70th anniversary celebration ng diplomatic relations sa pagitan ng Philippines at South Korea nitong nakaraang Linggo. Ayon kay South Korean Ambassador Han Dongman, ginawa nila ang naturang initiative upang makahikayat pa ng mas maraming Pinoy na pumunta sa South Korea, alinsunod sa planong makakuha ng dalawang milyong Filipino arrivals ngayong taon.
Maliban sa ipinatupad na South Korea Express Visa at South Korea visa application via travel agency, babawasan na rin ang document requirements, lalo na sa qualified professionals, pati media at government workers.
Multiple-entry visa na may hanggang 10 years validity, gagawing available na rin para sa mga nabanggit na applicants. Ayon kay Ambassador Dongman, kailangan lang nilang magpakita sa South Korea visa application ng dokumentong nagpapakita ng kanilang affiliation sa kaukulang kumpanya. Ang Filipinos ang magiging first and only nationality sa ASEAN na gagantimpalahan ng nabanggit na visa application perk.
Kasama nito, study at travel opportunities para sa Filipinos, pagtitibayin din ng South Korea sa pamamagitan ng mga programa at scholarships na gagawing mas accessible.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang South Korea visa application via travel agency sa mga applicants sa South Korea Embassy sa Manila. Para sa mga may balak mag-apply sa South Korea Consulate naman sa Cebu, nariyan pa rin ang option to apply in person o via travel agency.
For more South Korea travel ideas, pumunta lang dito. Sumali na rin sa aming bagong Facebook group, ang Flight Deals – Philippines, para manatiling updated sa South Korea flights!
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Book those flights ASAP.
This beautiful cafe in Cebu, surrounded with 10,000 white blooms, will set the romantic mood just right.
Soon to be visa-free for Filipinos, Taiwan has now focused on strengthening their ties with the Philippines even more through various tourism offerings.
Visiting the Heart of Asia still not in your plans this year? Here are updates from the Taiwan Tourism Bureau that may just finally convince you to!
Enjoy traditional activities, games, and performances from K-pop artists!
Slightly behind target.
New travel norm in Japan.
Not so good news for budget travellers.
Ichigo-go-go to your nearest fruit stall!
A big win for the Philippines!