Spread the good word!
Walang biro ang proseso para makakuha ng Travel Visa.
Sa katunayan, ito ang pumipigil sa maraming Pilipino upang magtungo at mamasyal sa ibang bansa. Pero teka, dapat parin magsaya ang lahat ng Pilipinong may pasaporte (kasama na ako)! Gamit lamang ang ating pasaporte, marami tayong bansang maaaring marating, mga kulturang pwedeng kilalanin at mga taong posibleng makilala.
Oo, mabibisita mo ang mga bansang inilista ko dito kahit wala kang visa. Hindi ko na sinali ang mga bansang nasa Timong Silangang Asya (maliban sa isang espesyal na bansa) dahil alam mo na siguro ito.
Tinatamad magbasa? Panoorin mo nalang ito:
Kahit na kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Myanmar, nitong 2014 lamang binuksan ng bansa ang kanilang pintuan para sa mga biyaherong Pinoy. Lahat ng Philippine passport holders ay maaaring manatili sa bansa ng walang visa ng hindi lalampas sa 14 araw.
Ano nga bang mayroon sa Myanmar? Marami! Mga pagoda, mga makasaysayang bayan, mga kaakit-akit na tanawin at magagandang tabing-dagat. Sa dami ng pwedeng puntahan, imposibleng maubusan ka ng gagawin. Tamang-tama para sa weekend lakwatsa, o kung gusto mo, manatili kapa ng mas maraming araw para tuklasin ang kariktan ng mahiwagang bansang ito.
Nangangailangan ng visa bago makapasok ng China, pero hindi na ito kailangan sa . Ayos, ‘di ba? Pwedeng manatili ang mga Pinoy sa teritoryo ng ng 21 araw. Mas maraming araw ito kumpara sa nilaan para sa mamamayan ng mga kalapit na bansa. Lubusin ito at puntahan ang mga sikat na lugar sa tulad ng Gobi Desert, Great Bogd Mountain, Khorgo-Terkh National Park, Xilamuren Grassland at marami pang iba.
Basahin din ito: 10 Countries with Easy Visa Access for Filipinos
Image credit: tourism
Para sa maraming Katoliko, nangunguna ang sa mga gusto nilang puntahan dahil maraming pangyayari sa Bibliya ang naganap sa lugar na ito. Tumatagal ang libreng visa sa loob ng tatlong buwan, sapat na panahon upang lubusan pang kilalanin ng mga Katoliko si Kristo, at kung hindi ka man Katoliko, lahat ng history buffs ay matutuwa sa maaari nilang matuklasan tungkol sa Kristiyanismo, isa sa pinakamatandang relihiyon sa mundo. Maliban dito, matutuwa ka rin lumutang sa Dead Sea, ang pinakamaalat at pinakamababang lugar sa mundo.
Ngunit maging listo dahil may balala ang Department of Foreign Affairs (DFA). Parating maging maingat at alerto, at huwag na huwag pupunta o lalapit sa Gaza Strip kung saan nanatiling magulo at delikado.
Image credit: Adam Foster
Maliban sa Asya, may mga bansa rin sa Oceania na maaaring puntahan ng walang visa tulad na lamang ng . Ang bansang ito ay perpekto para sa snorkelling at scuba diving dahil sa magandang isla, buhay karagatan, at mainit na klima na mararanasan buong taon. Lubusang ma-e-enjoy mo lahat ng ito dahil sinumang may Philippine passport ay maaaring manatili ng apat na buwan nang walang visa.
Basahin din ito: Pilipino Ka Kung… (Travel Edition)
Image credit: Roderick Eime
Hindi lang ang maaaring puntahan sa Oceania nang walang visa. Ang ay sikat ding lugar para mag scuba dive dahil sa natatangi nitong marine life at makukulay na coral reef. Pwede rin ditong mag-wreck diving dahil sa barkong SS President Coolidge na lumubog noong World War II. Dito rin ginanap ang ninth season ng reality TV series “Survivor”. Bakit ‘di mo subukang magpaka-Survivor gamit ang isang buwang visa-free entry mo sa tropikal na paraisong ito?
Image credit: محمد بوعلام عصامي
Mula Oceania, magtungo naman tayo sa Africa! Hindi tulad ng ilang bansa sa Africa na magkakaloob ng Visa On Arrival, hindi na nangangailangan ng visa sa . Dagat, desyerto, mga camel, at makukulay na pamilihan—imposibleng hindi ka mabibighani sa . Matatamasa mo ang Europe, Middle East at Africa sa isang destinasyon lamang!
Image credit: Rafael Rabello de Barros
Tumungo naman tayo sa South America. Maraming bansa sa kontinente ang hindi nangangailangan ng visa para sa mga Pinoy, at isa dito ang . Maaaring manatili sa ang mga Pinoy nang hindi lalampas nang 90 araw. Ayos, ‘di ba?
Kung hindi ka nakapunta sa bansang ito noong World Cup 2014, ‘wag kang mag-alala dahil sa Rio de Janeiro naman gaganapin ang Summer Olympics 2016. At kung hindi ka naman mahilig sa sports, marami pa ring pwedeng matuklasan sa , tulad ng Amazon River, Igazu Falls, at ang istatwa ng Christ the Redeemer sa tuktok ng Mt. Corcovado.
Basahin din ito: The Ultimate South America Bucket List: 27 Experiences Every Traveller Must Complete
Image credit: Maria Grazia Montagnari
Isa pang bansa sa South America na maaaring puntahan ng walang visa ay ang . Binibisita ng milyun-milyong tao ang bansang ito taun-taon dahil sa maraming napangalagaang heritage sites at syempre, ang sikat na Machu Picchu. Bakit hindi mo subukang maging kabilang sa statistics at manatili sa nang 183 araw? Ngunit tulad ng maraming bansa, baka ma-culture shock ka sa kaya siguraduhing mabasa mo muna ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa bansa.
Image credit: Steve Sutherland
‘Wag mong ipangamba ang mahabang kasaysayan ng droga at krimen ng dahil ginagawan na nila ng paraan upang gawing tourist-friendly at ligtas eto na destinasyon sa South America. Ilan sa magagandang puntahan sa ay ang Amazon rainforest, Tayrona National Park, Medellin, San Andrés at Providencia, Bogota at Cartagena.
Also read: Top 10 Budget-Friendly Destinations Outside Southeast Asia for Filipinos
Image credit: A.Davey
Wala na atang mas exciting pa kaysa sa pagpunta sa , lalo na sa Galapagos Island. Mayroon kang 90 na araw para halughugin ang malalawak na gubat, tumambay sa mga magagandang beach, at mag-island hopping para makakita ng mga exotic na hayop tulad ng iguana, giant tortoise at iba pa.
Nakapunta ka na ba sa mga bansang ito? Sampu lamang sila sa mga bansang hindi nangangailangan ng visa para sa Philippine passport holders. Tingnan ang buong listahan para malaman mo kung saan mo pwedeng gamiting ang siyam na long weekends ngayong 2016.
Palaging pakatandaan na bago bumiyahe, siguraduhin munang wala talagang kinakailangang visa sa bansang plano mong puntahan. Ngunit ngayon, ang sampung bansang ito ay nananatiling visa free para sa mga Pilipino.
Isinalin galing sa (translated from): 10 Countries Filipinos Probably Didn’t Know They Can Travel To Without Visa
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Spread the good word!
Permission to feel like royalty even for a day?!
Looking for a weekend bonding with the family under ₱500? Head to these places, pronto!
Yes, family vacations are priceless. But the planning can be a major pain! If we’re being honest, we’d really prefer a stress-free experience, please. One of the biggest hurdles in planning an out-of-the-country trip with the family is getting visas for everyone on board. It’s time-consuming, expensive, and just generally very stressful. Luckily, there are […]
Jump in and test the waters. (Just don’t forget your SPF.)
Pinoy pride!
Cavite to Manila just got easier.
Make the most of the free ride from this mall.
Second time in two years.
Let the adventure begin!