16 na Magagandang Tanawin sa Pilipinas — Mga Litratong Travel Inspiration!

Huwag na nating i-deny — marami talagang magagandang tanawin sa Pilipinas! Ang pumalag, bawal mag-travel. (Joke lang.)

Pero pag-isipan mong mabuti. Mula sa mala-New Zealand na Vayang Rolling Hills ng sa hilaga, hanggang sa kaduluduluhan ng Tawi-Tawi kung saan makikita ang ating parte ng Coral Triangle, hindi natin maipagkakaila ang ganda ng ating bansa. 

Hills l Image credit: jlgavino

Taglay ang kakaibang kinang ng araw sa bawat alon at agos na makikita mula sa ating mga dalampasigan. At sino ang hindi nahuhumaling sa mga epic sunrise at sunset nating tila obra maestra ng pintor? Ilang drone shots na ang nagsisilbing patunay sa nakakabighani nating tubig dagat, na minsa’y naglalaro sa gitna ng bughaw at berde. 

Sakop ng ating bakod ang ‘di mabilang na bundok, bukid, at islang punong-puno ng buhay. Isama mo na ang mga lungsod na puno ng turista at mga lokal na game na game magpa-picture with matching pogi sign! Pati na rin ang makulay na kulturang Pinoy — piyesta, mga tradisyon tulad ng pambabatok at paghabi, at maraming pang iba.

MassKara Festival in Bacolod l Image credit: ceslou

Convinced ka na ba? Siguradong oo. Pero baka kailangan mo pa ng kaunting visual aid. Tulad netong mga litratong nagpapatunay na nakaka-in love talaga ang Pinas!

1. Ang linaw ng tubig!

Image credit: Cris Tagupa

Sabi nga nila, ang Pilipinas ay isang tropical paradise. Sa sobrang linaw ng tubig sa Balabac, Palawan, kita mo na kung ano ang nasa ilalim!

2. Mala-painting na landscape

Image credit: Chris Sanchez

Siguro sa dinami-rami ng magagandang tanawin ng Pilipinas, mahihirapan kang sabihin kaagad kung saan ito nakunan. Clue: Malapit lang ito sa Maynila! Isa pa? Makikita ito sa Rizal! Sirit? Sige, na nga. Nakapunta ka na bang Masungi Georeserve?

3. Talong mapapatalon ka talaga sa ganda!

Image credit: Toa Heftiba

Dahil archipelago ang Pilipinas, hindi nakakagulat na marami tayong anyong tubig, tulad ng talon. Mayroong malaki, pero may romance din yung mga hidden gems na makikita mo sa biyahe. Tulad nitong mini waterfall papuntang Cambais Falls sa Badian, Cebu. Pero teka, huwag kang tatalon sa ganyan ka-babaw na tubig, ha. Pang-tampisaw lang ‘yan.

4. Mga bundok na ginawang sining ng ating mga ninuno

Siguradong isang tingin pa lang, alam mo na kung ano at saan ito. Tama, yan ang rice terraces ng Pilipinas na gawang-kamay ng mga sinaunang Ifugao. Mahahanap ito sa Banaue at iyang magandang tanawing nakikita mo ngayon onscreen ay pwedeng-pwede mong puntahan sa Batad! Ano, tara? Saktong pang-barkada trip!

Also read: I Broke a Promise When I Travelled to Batad, Ifugao

5. Mga kaibigan sa ilalim ng dagat

Image credit: Dale de Vera

Maramig diving spots sa Pilipinas! Isa na rito ang Apo Island sa Dumaguete kung saan makikita ang maraming hayop na namumuhay sa ilalim ng karagatan. Tandaan: Huwag manggulo sa ilalim ng dagat. Bahay nila ‘yan, bumibisita ka lang!

Also read: 9 Best Diving Spots in the Philippines for your Aquaventures

6. Ang mga nakakatulalang kulay ng dalampasigan

Image credit: Cris Tagupa

Oo, dagat ‘yan. At oo, totoong totoo ‘yan. Drone shot ‘yan ng isa sa mga beaches ng Palawan. At ‘yan din yung sinasabi naming tubig dagat na gumigitna sa bughaw at berde. Picture pa lang, parang ramdam na ramdam mo na ang simoy ng hangin. Ang presko!

7. Siyempre, kasama rin ang “ganda” ng pagkain!

Hindi pa kasama ang lasa diyan, ha! Itsura pa lang ‘yan. May mga kakanin sa Pilipinas na binabalot sa dahon, at minsan may dagdag aesthetic appeal pa ito dahil sa pamamaraan ng pagbalot. Lalong nakakagutom — este — nakakaganda, diba?

8. Huwag kalimutan ang mga cute na hayop sa lupa (o kaya nama’y nakalambitin sa puno)

Alam mo ba na ang ang pangalawang pinakamaliit na primate sa buong mundo? Kalimitang kasyang-kasya sila sa ating palad! Nakakalungkot lang isipin na threatened species na ang dahil unti-unti na rin nauubos ang kanilang tirahan. Makikita sila sa mga bukid na maraming tanim at insekto, kaya dapat lang na alagaan natin ang kalikasan! 

Also read: Pinoy Traveller Must-Haves: 16 Eco-Friendly Travel Items

9. At siempre, ang mga ibon na palipad-lipad sa kalangitan!

Image credit: Sinisa Djordje Majetic

Nakakita ka na ba ng Philippine Eagle sa tunay na buhay? Nararapat nga sa kanila ang titulong “haring ibon” ng Pilipinas!

10. Mga kaakit-akit na resort

Image credit: Louie Martinez

Isa na rito ang Lakawon Island sa Cadiz, Negros Occidental. May surplus ng photogenic spots dito — tamang tama para sa Instagram! Ano ang paborito mong resort sa Pilipinas? 

11. Kung saan nagsasama ang dagat at buhangin

Image credit: Falconerie Badayos

Sa English, “Where sand meets the sea”. Oha! Kadalasang nakikita ito sa mga lugar na may beach at mangroves. Hindi lang naguumapaw ng magagandang tanawin ang Pilipinas; mayaman din tayo sa natural resources!

12. Ang iconic sunset ng Maynila

Minsa’y magulo, maingay, mainit, marumi — pero may kakaibang dating ang Maynila. Namimiss ‘yan ng mga balikbayan at OFW, lalung lalo na ang sunset ng Manila Bay. Tingan mo nga naman kasi. Ang daming kulay! Naalala ko tuloy ang isang balikbayan na nagsabi sa amin na sa bansang tinirhan niya, halos kulay abo lang ang langit. Ang lungkot.

13. Sa ilalim ng buwan…

 bay
Image credit: Eugenio Pastoral

May ininatago ring ganda ang Maynila tuwing gabi! Kailangan mo lang alamin kung saan titingin.

14. Ang perpektong bulkan

Sa Pilipinas rin mahahanap ang Mayon Volcano na tinatawag na perfect cone dahil sa pagka-symmetrical nito. Alam mo ba na nakapalibot sa bulkang Mayon ang mga munispyo ng Albay? Kaya naman para silang may tig-iisang slice ng pie o pizza. Hating kapatid!

15. At marami pang kakaibang land formations

Image credit: P199

Tulad ng Chocolate Hills sa Bohol. Bisitahin mo na rin ang mga at heritage churches habang andito ka!

Also read: 10 World-Class Islands in the Philippines Travellers Rave About

16. Mainit na pagtanggap at nakakahawang ngiti

Image credit: Avel Chuklanov

Huwag nating kakalimutan ang isa sa mga pinakaimportanteng yaman ng Pilipinas — tayong mga Pinoy! Kilala tayo para sa ating mga ngiti at mainit na pagtanggap sa mga bisita. Alam din ng buong mundo na tayo’y hindi natitinag kahit ilang bagyo pa ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Yan ang #tatakpinoy!

Isang patikim ng pwede mong puntahan sa Siargao! l Image credit: Rene Padillo

Speaking of PAR, ang tanong: Naikot mo na ba ang ang ating bansa? Hindi ka mawawalan ng magagandang tanawin sa Pilipinas! Maraming seat sale, long weekend at holiday na pwedeng ilaan sa pag-ikot sa Pilipinas kung nagtitipid ka man ng VL (at pera). Kaya’t sana’y naganahan ka ng aming munting photo collection. ‘Pag natuloy ka sa biyahe, tag mo kami, ha? Madali lang kami hanapin sa Instagram: @tripzillaph! Huwag kalimutan ang hashtag, #tripzillaph, para naman masali namin ang litrato mo sa susunod. Ingat!

Published at


About Author

Alyosha Robillos

In Russia, Alyosha is a boy's name popularised by literary greats Dostoevsky and Tolstoy—but this particular Alyosha is neither Russian nor a boy. She is a writer from the Philippines who loves exploring the world as much as she likes staying at home. Her life's mission is to pet every friendly critter there is. When she isn't busy doing that, she sniffs out stories and scribbles away on the backs of old receipts. She is an advocate of many things: culture and heritage, the environment, skincare and snacking, to name a few. She will work for lifetime supplies of french fries and coffee. Or yogurt. Or cheese, preferably Brie.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles