Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
Nakakatuwang makita o makapunta sa isang lugar na hindi natin inaasahan ang taglay na kagandahan nito. Minsan nga hindi tayo makapaniwala na may ganun palang lugar. Mas lalong nakakatuwa kung ang mga lugar na ito ay matatagpuan lamang sa ating minamahal na Lupang Sinilangan. Tingnan natin ngayon ang ilan sa mga natatangi at kaakit-akit na lugar na hindi mo matatagpuan sa ibang parte ng mundo kundi sa Pilipinas lamang.
Basahin din ito: 19 Interesting Sightings Found Only in the Philippines
Image credit: Benson Kua
Pasok sa New 7 Wonders of Nature ang Puerto Princesa Subterranean River National Park o mas kilalang Underground River. Ang adventure ay magsisimula sa isang boat ride kung saan makakita ka ng magagandang tanawin ng karagatan. Pagkadating sa isla ay sasalubungin ka ng malinis na beach kung saan kailangang lumipat sa isang maliit na bangka para makapasok sa entrance ng Underground River.
Pagpasok mo sa loob ng kuweba, mabibighani ka sa malalaki at iba’t ibang klaseng stalagmites at stalactites. Marami ring paniki rito kaya dapat mag ingat habang nakatingin sa mga rock formations.
Image credit: Lady May Pamintuan
Para sa akin isang kakaibang lugar ang Barracuda Lake sa Coron, Palawan. Mararamdaman mo na para kang nasa ibang mundo kapag ikaw ay nandirito. Ang rock formation ay kakaiba, at noong pumunta kami ay halos ang grupo lang namin ang mga tao kaya napakatahimik ng lugar. Sabi nga nila na may barracuda daw na nakatira doon noon kaya ito nabansagang Barracuda Lake. Salamat naman sa Diyos na wala kaming nakitang barracuda sa aming paglangoy.
Basahin din ito: How I Spent 3 Days in Coron, Palawan for Only PHP 4,950 (All-In)
Image credit: Maxime Guilbot
Ang ay hindi lamang isang napakagandang beach kung saan pwede kang magpahinga nang mapayapa. Isa rin itong lugar para sa mga thrill-seekers sapagkat makakakita ka dito ng mga mababait na thresher sharks! Halos buong taon pinamamahayan ng thresher sharks ang karagatan dito kaya naman gustong gusto ito puntahan ng mga scuba divers.
Image credit: Yidian Cheow
Hindi ito isang ordinaryong lugar kung saan puwedeng lang mag-enjoy sa crystal clear waters, isa rin itong lugar kung saan puwedeng lumangoy at makipaglaro kasama ang mga stingless jellyfish.
Image credit: jojoscope
Ang Enchanted River na matatagpuan sa Hinatuan, Surigao del Sur ay napaka-enchanting naman talagang tingnan! Kulay palang ng tubig ay napakaganda na. Nakaka-relax itong tignan at nakaka-proud na matatagpuan ito sa ating bansa. Tuwing 12:00 ng tanghali ay pinapaahon lahat ng mga lumalangoy dito para sa fish feeding. Makikita mo talagang sumasayaw sa musika ang mga isda. Hindi mo ito dapat palampasin pag pumunta ka dito.
Basahin din ito: 4 Days Surigao Itinerary: An Unforgettable Summer Adventure with Friends
Image credit: dahon
Simula palang ng tayo ay nasa elementarya ay napag-aaralan na natin ang , dahil narin siguro sa angking kagandahan nito. Kulay tsokolate ang mga burol kapag tag-init at kung tag-ulan naman ay kulay berde. Parang perpekto ang hugis nila at napakagandang pagmasdan sa malayo.
Image credit: Joseph Emmanuel Dayo
Mahilig ka bang mag-island hopping? Siguradong mag-eenjoy ka sa dahil sa pangalan palang ay nangangahulugan ng napakaraming isla ang pwedeng puntahan dito. Nasa 100 – 123 and total na isla dito na iba’t ibang ang laki at hugis. Siguradong mahihirapan kang pumili ng magiging pinakapaborito mong isla dito pero ilan sa mga sikat na isla ay ang Marcos Island kung saan puwedeng mag-cliff diving, Romulo’s Island na may white beach, at Quezon Island kung saan pwedeng sumubok ng iba’t ibang water activities gaya ng kayaking, snorkelling at iba pa.
Ang ay isang nature park sa Rizal kung saan makakakita ka ng magagandang sining ng bundok at kakaibang pormasyon ng bato. Masaya pumunta rito kasama ang barkada dahil kakaibang experience ang mararanasan sa pag tawid ng malaking duyan at pag-hike papunta sa iba’t ibang atraksyon na meron ang nature park na ito.
Gusto mo bang mananghalian sa tabi ng waterfalls? Pwedeng pwede itong gawin sa Villa Escudero Resort sa Laguna. Isa itong napakalaking hacienda kung saan napakaraming bagay ang pwedeng gawin. Perfect para sa family o barkada outing! Subukan mag-fishing, sumakay sa Carabao at mag-relax sa lake side sa lugar na ito. Ang nakakatuwa pa rito ay mahigit kumulang isang oras lang ang layo nito sa Maynila.
Basahin din ito: 16 Things The Philippines Does Better than Other Countries
Iilan lamang ito sa mga magagandang lugar dito sa Pilipinas. Napakarami pang ibang magandang beaches at tanawin sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, ma pa Luzon, Visayas o Mindanao man. Kailangan ka lang magkaroon ng adventurous spirit at ang determinasyon na maikot at makilala ang sariling bansa.
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Our favourite places to stay on this sleepy Cebu island.
Coffee date on the mountains, anyone?
Spread the good word!
Permission to feel like royalty even for a day?!
Looking for a weekend bonding with the family under ₱500? Head to these places, pronto!
Coron, here we come!
Philippine Airlines now offers daily flights from Manila to Cauayan City, Isabela in just one hour. Say goodbye to long road trips!
Filipino coffee lovers, explore visa-free Laos—sip, zipline, and discover a coffee haven!
Ooohh, sexy accent la!
From the award-winning Suyac Island to Carbin Reef, Sagay City offers breathtaking natural wonders and unforgettable adventures. Explore this hidden gem this 2025!