Nawawalang Philippine Passport? Gawin Lamang Ito!

Bilang manlalakbay, marami tayong kinatatakutang mangyari sa bawat biyahe natin. Kabilang sa mga ito ang palpak na itinerary, pagkalason sa pagkain, ang ma-scam at delayed na flight. Subalit wala pa ring makatatalo sa pagkawala natin ng ating Philippine passport, lalo’t kung mayroon na lamang tayong maiksing oras bago ang nakaplanong biyahe natin abroad o hindi kaya’y ito lamang ang tanging valid ID natin. Sa kabila nito, hindi pa katapusan ng mundo. Narito ang mga dapat mong gawin kung sakaling maranasan ito.

Basahin rin: Bakit Hindi Ka Dapat Mag-Post ng Boarding Pass sa Social Media

Kapag nawala mo sa Pilipinas

Hindi man ito kasing seryoso sa pagkawala abroad, mayroon ka pa ring hirap na kailangan pagdaanan.

  1. Unang-una mong dapat gawin ay maghanda ng Affidavit of Loss at Police Report (kung valid pa ang iyong passport). Makukuha mo ang Affidavit of Loss mula sa isang abogado. Kailangang nakasaad dito ang mga impormasyon tulad ng passport number, pati detalye ng pagkawala ng passport. Kailangan mo rin itong ipa-notarise. Ang Police Report naman ay maaaring kuhanin sa istasyon ng pulis na pinakamalapit sa kung saan nawala ang iyong passport. Importanteng asikasuhin mo agad ang dalawang dokumentong ito habang sariwa pa sa alaala ang insidente.
  2. Kailangan mo rin ulit ihanda ang mga parehong dokumento na pinasa mo noong una kang nag-apply ng passport. Kasama rito ang nakumpletong application form, NSO birth certificate, confirmed appointment at valid ID.
  3. Gumawa ng appointment sa Department of Foreign Affairs branch na malapit sa iyo. Ulitin ang parehong prosesong pinagdaanan mo noong huli kang nagpa-renew o nag-apply ng passport. Mag-antay ng higit mga 15 araw para sa clearing period at releasing ng passport.

Upang palitan ang nawalang valid o expired passport sa Metro Manila, kailangang magbayad ka ng ₱950 para sa regular processing o ₱1,200 para sa express processing. Maliban dito, magdadagdag ka rin ng ₱350 bilang penalty fee.

Ipinaliwanag din ng DFA na ang mga appointment lampas ng 5pm ay agad na ituturing na rush processing. Para sa mga application sa labas ng Metro Manila, ang regular processing ay aabot ng 20 araw, habang ang rush processing ay aabot ng 10 araw. Aabutin naman ng apat hanggang anim na linggo kapag Philippine Foreign Service Post.

Kapag nawala mo abroad

Paano naman kung nawala mo ang iyong passport sa ibang bansa? Nakakataranta, hindi ba? Mabuti na lang at mayroon ding paraan para riyan, kahit pa may katagalan minsan. Lalong importante na maging mahinahon ka lamang habang nilulutas agad ang problema.

  1. Katulad sa unang halimbawa, kukuha ka muna ng Police Report mula sa malapit na istasyon ng pulis. Kung mayroon kang travel insurance na sakop ang pagkawala ng passport, mainam na ihanda rin ito. Mahalaga rin ang Police Report sa pagkuha ng temporary travel document na magsisilbing ticket mo para makapasa sa immigration.
  2. Hanapin ang pinakamalapit na Philippine embassy o consulate sa iyo at mag-schedule ng appointment dito. Sa ilan sa mga ito, ipinagbabawal ang basta-bastang pagpasok o walk-in.
  3. Sa araw at oras ng iyong appointment, dalhin ang Police Report, passport photos, mga scanned o photocopy ng data page ng nawalang passport, pati na ang iba pang kailangang papeles. Maaari kang mag-apply ng bagong passport gamit ang mga ito, o humingi ng temporary travel document. Ang temporary travel document ay nababagay kung ikaw ay nagmamadali na o kulang sa budget. Gamit ito, maaari kang makabiyahe pabalik ng Pilipinas at maaari mo rin ito gamitin sa pag-apply ng bagong passport sa bansa.

Sa ilang lugar, hindi na kailangan ang personal appearance. Ang mga requirements at babayaran ay nakadepende rin sa bawat bansa. Linawin muna ito sa Philippine embassy o consulate sa iyong kinalalagyang lugar.

Basahin rin: Mga Bawal Mong Gawin sa Iyong Philippine Passport

Madali ba o mahirap? Ngayon, alam mo nang hindi basta-bastang natatakasan ang ganitong insidente. Kaya siguraduhin na lagi kang may dalang photocopy o scanned copy ng iyong passport at ng iba pang mga travel document. Kahit anong mangyari, manatiling mahinahon at gawan agad ng paraan ang iyong sitwasyon.


Isinalin galing sa (translated from): 8 Things You Should NEVER Do To Your Philippine Passport

Published at


About Author

Joser Ferreras

Joser is a senior writer for TripZilla based in Manila, Philippines. He mostly covers travel, people, and business.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles