Paano Mag-Travel Kung May Nega Travel Buddy Ka

Sa wakas, makukulayan na ang drawing! Matutuloy na rin ang barkada getaway na pagkatagal tagal niyong pinlano! Naka-book na kayo ng flights (seat sale pa, thanks to Flight Deals – Philippines!). Nakapagpa-reserve na rin kayo ng hotel. Aba, pati tours niyo naka-schedule na! Inayos mo ang itinerary para lahats sa barkada masaya. Kaso… yung nega travel buddy mo ay nagsimula na namang maghasik ng lagim.

Halos lahat tayo, may negatron sa buhay. Minsan, kapamilya natin ‘to. (Shoutout sa kapatid mong hobby ang mag-reklamo!). Minsan naman, katrabaho natin. Madalas, kaibigan si negatron; pero ang pinakamalala sa lahat — si nega travel buddy.

Para sa karamihan sa atin, ang pagta-travel ay paraan para maglabas ng stress. Pero kapag may kasama kang nega travel buddy, talagang stress ang katapat mo!

Syempre, walang may gustong mangyari ‘to. Ano nga ba ang pwede mong gawin para maiwasan ang pananakal sa nega travel buddy mo? Here are some tips.

Basahin din ito: 12 Linyang Pwede Mong Sabihin sa Drawing Mong Travel Buddy

1. Magkaroon ng realistic expectations

Kung alam mo naman nang nega iyang travel buddy mo, huwag ka nang umasa sa pagbabago. Ihanda mo na ang puso mo para madisappoint. Mag-ipon ka na ng kapatawaran para sa kung ano mang pwedeng mangyari sa trip mo.

Huwag mo ring i-pressure ang sarili mo masyado na mapasaya ang nega travel buddy mo. Minsan, kailangan mo na lang tanggapin na wala nang magpapasaya sa kanya. May mga bagay talagang kailangan nating matutunang i-let go.

2. Kausapin si nega travel buddy bago ang trip

Bago kayo bumiyahe, mag-set ka ng date with your nega travel buddy. Negatron ba siya in the sense na kuripot siya? Pag-usapan niyo na ang budget niyo kaagad. Maarte ba siya sa accommodation? Siya ang papiliin mo ng titirhan niyo. Kung nagkaroon ka na ng masamang experience kasama ang nega travel buddy na ito, mag-isip ka na ng mga pwedeng solusyon bago pa dumating ang problema.

3. Matutong mag-compromise

Syempre, hindi naman pwedeng ikaw lang laging taga-adjust sa inyo ng nega travel buddy mo. Huwag kang matakot magsabi ng nararamdaman mo! Kung may hindi kayo pagkakaunawaan, mapa travel style man ‘yan o ano, sabihin mo na kaagad sa kanya.

Pareho dapat kayong marunong mag-compromise. Hanapin niyo ang “middle ground” niyo. Baka naman may pareho kayong mga interes! Malay mo, magkaroon pa kayo ng kakaibang experience together!

4. Agree to disagree

Kung pareho kayong ayaw mag-sakripisyo ng travel preferences, baka kailangan niyo nang hayaan ang isa’t isa. Sa itinerary niyo, maglagay ka ng oras para sa “me time” para hindi kayo nagkakasakalan. Mala-“solo travel” ang peg niyo niyan: Doon kayo sa gusto niyong puntahan, tsaka kayo magkita kapag pareho niyo nang trip ang nasa agenda niyo.

5. Honesty is key

Kung talagang kaibigan mo si nega travel buddy, baka oras nang sabihin mo sa kanya ang totoo. Baka naman hindi pa siya aware na napaka-negatron niya. Wala nang ibang makakapagsabi sa kanya ng totoo maliban sa mga tunay na nagmamahal sa kanya. At isipin mo: Hindi mo lang ginagawa ‘to para sa sarili mo. Kalaunan, para sa kanya talaga ‘to.

6. Maging friendly rin sa iba

No, hindi ko sinasabing iitsa mo si negatron. Ang sinasabi ko ay sabay kayong maghanap ng mga bagong kaibigan. Minsan, nakatutulong ang mga bagong kaibigan para gumaan ang environment niyo ni nega travel buddy.

Karamihan sa mga travellers ay handang makipagkaibigan sa kapwa traveller, kaya hindi na ito magiging sobrang hirap para sa inyo. Ayain mo ang travel buddy mo sa social event — tulad ng concert o party — at makipagsalamuha kayo sa iba!

7. Manatiling positibo

Kung wala ka na talagang laban sa pagiging nega ng travel buddy mo, mag-focus ka na lang sa pagiging positibo. Alalahanin mo: Walang forever! Kahit ‘yang bakasyon niyo walang forever, kaya make the most out of it. Count your blessings, mare!

Mag-focus ka na lang sa trip mo kaysa sa travel buddy mo. Isipin mo na lang din na learning experience ito para sa susunod na sa mga susunod na trips. (Next time, magdalawang isip ka na kung isasama mo pa ba siya.)

8. Tignan mo rin ang sarili mo

Baka naman todo ang pagkainis mo sa nega travel buddy mo na ikaw na ang nagiging nega! Kadalasan, mas madaling makita ang mga pagkakamali ng iba. Malay mo, may mga bagay ka ring dapat ayusin sa sarili mo.

Kung napapansin mo nang malapit na kayong mag-away ng travel buddy mong nega, huminto ka muna para huminga. Isipin mo: Bakit ka ba naiinis? Bakit ka apektado? Anong kailangan mo para mabawasan yung stress na dala mo?

9. Alalahanin mo kung bakit kayo magkaibigan

Bakit nga ba kayo magkasama mag-travel?! Malamang, may rason naman kung bakit kayo naging travel buddies in the first place. Baka naman hindi lang talaga kayo swak ng travel personalities! Kung sakali, iwasan mong makasira ito sa pagkakaibigan niyo. Hayaan niyo na lang na mapalakas ng trip na ito ang relasyon niyong magkaibigan!

10. Sumigaw ng “Tulong!”

Minsan, hindi mo talaga choice na maging travel buddy yung tao. Ang ilang tour groups, halimbawa, ay nag-aassign ng strangers para maging travel buddy mo. Kung ganito ang sitwasyon, pwede kang manghingi na ng tulong sa tour guide o ibang authority figure diyan. Syempre, ito na ang last option mo kapag hindi mo na talaga kaya ang nega travel buddy na naka-assign sa’yo. Bago mo gawin ‘to, siguraduhin mong wala ka nang ibang choice.

Basahin din ito: Naku! 10 Signs na MALI ang Kasama Mong Travel Buddy

Image credit: Basile Morin

Pwedeng makasira ng buong bakasyon ang isang nega travel buddy. Pero lagi mong tandaan, may mga paraan para ma-handle mo siya! Dahil sa good vibes mula sa travel, maniwala kang marami kang opportunities na magkaroon ng mas maayos na relationships sa mga kasama mo sa trip. At kung hindi pa rin kayo nag-work out ng travel buddy mo, pwede ka pa rin namang mag-solo travel sa susunod.

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles