Singapore Cable Car: Ang Best Place Para Matanaw Ang Singapore

Image credit: One Faber Group

Kapag usapang Singapore, hindi maaring hindi mabanggit ang kanilang naggagandahang skylines, na lalo pang pinasikat ng mga pop culture phenomena tulad ng Crazy Rich Asians at Formula 1 Night Race. Oo, hindi maitatanggi ang nakamamanghang city panoramas dito. At dahil sa isang partikular na atraksyon na ito, pwede mo silang ma-enjoy mula naman sa ibang perspektibo.

Isa sa mga walang kupas na atraksyon sa Singapore ay ang Singapore Cable Car, na magdiriwang na ng ika-45 na anibersaryo ngayong taon. Ito ang tanging cable car sa siyudad na kinalakihan na ng halos lahat ng nakatira rito. Mula sa taong 1974, kung kailan ito binuksan, dinayo na ang Singapore Cable Car ng mahigit 50 milyon na turista. Pinapakita dito ang luntiang bahagi ng Singapore na hindi kadalasang nasusulyapan.

Nagsisimula ang cable car ride mula sa pangalawang pinakamataas na peak sa Singapore, ang Mount Faber. Mula sa kagubatan ng burol na ito, dadalhin ka ng ride papuntang Sentosa, isa sa mga isla sa Singapore.

Image credit: One Faber Group

Maluluwag ang cable car cabins, na gawa sa floor-to-ceiling glass panels. Matatanaw mo mula rito ang panoramic views ng Southern Singapore. Habang nakasakay ka rito, iba’t ibang uri ng tanawin ang sasalubong sa iyo depende sa linyang sasakyan, sa estasyong pagmumulan, at oras.

Sulit talaga ang views. Gaano kadalas mo nga naman masasabing nakapasyal ka sa ibabaw ng kagubatan, tumawid sa skyscraper, at dumaan sa taas ng daungan at waterpark na may dolphins? Kung gugustuhin mo, maaari ka ring makaranas ng 4-course fine dining sa loob ng iyong cabin. (At siguradong #InstagramWorthy rin ang karanasang ito!)

Paano pumunta sa Faber Peak: Ang Faber Peak Singapore ay humigit-kumulang 5-7 minuto mula sa Harbourfront MRT Station kapag sakay ng cable car. Panoorin ang video na ito para sa mas detalyadong direksiyon.

Image credit: One Faber Group

[ONLINE EXCLUSIVE] SINGAPORE CABLE CAR 45TH ANNIVERSARY PROMO!

Mag-enjoy ng 5% discount + FREE UNLIMITED CAR RIDES para sa Sky Pass /
Mount Faber Line / Sentosa Line kapag binili ang iyong tickets sa
One Faber Group Online Store.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lang sa One Faber Group website.

 

Ang Singapore Cable Car: Ano ang bago ngayong 2019?

Kamakailan lang, ipinakilala ng Singapore Cable Car ang Miraculous. Ito ay isang multimedia night show na gumagamit ng iba’t ibang ilaw na pino-project sa hugis puso na puno ng Angsana sa hilltop restaurant na Arbora.

Image credit: One Faber Group

Saksihan ang multimedia night show na Miraculous, kung saan masisilayan mo ang squirrels na sina Mira at Mirak sa nabanggit na kaleidoscope. Ang makulay na light display na ito ay tiyak na magpapasaya sa lahat ng panauhin, bata man o matanda. P.S. LIBRE ito para sa cable car riders (bumaba lang sa Mount Faber Cable Car Station) at diners sa Faber Peak!

Image credit: One Faber Group

Ang Miraculous: Multimedia Night Show (oras: 7.30pm, 8pm, 8.30pm, 9pm) ay ipapalabas gabi-gabi mula 30 Mar 2019 hanggang 31 Mar 2020. Alamin ang iba pang impormasyon dito.

Samantalahin rin ang iba pang interactive activities. Kumuha ng Explorer Passport at magsimula ng self-guided adventure sa Faber Peak — isang munting treasure hunt na gagawin sa pamamagitan ng dalawang linya ng Singapore Cable Car. Gamit ang iyong passport, hanapin ang nakatagong Merlion sa Mount Faber at iba pang lugar hanggang sa makumpleto ang checkpoints. Sa unang pit stop, makikita mo ang mga antigong Singapore Cable Car Cabins na naka-display! Maliban sa pagpapa-picture sa cabins, subukan mo na rin ang bagong Singapore Cable Car Facebook AR Filter Experience. Pinapakita rito ang ebolusyon ng cable car cabins sa nakaraang apat na henerasyon.

Image credit: One Faber Group

Explorer Passport: 1 Apr 2019 hanggang 31 Jun 2020
Singapore Cable Car – 45 Years of Transformation: 30 Mar 2019 hanggang 15 Feb 2020

Nagsisilbing guide din ang iyong passport sa iba’t ibang night activities sa Faber Peak. Maaari mo pa nga itong gamitin bilang dining at retail vouchers! Kabilang na rito ang all-day casual dining hilltop spot na Arbora. Dito, tikman ang iba’t ibang Western dishes, mga botanical-inspired na inumin at craft beers. Nariyan din ang rooftop bar na Dusk, na naghahain ng European tapas at masasarap na cocktails. May views pang kasama! Ang aming tip: Pumunta rito tuwing sunset para sa mas epic na kainan!

Image Credit: Dusk/One Faber Group

So, ano pang pumipigil sa’yong magmala-carpet ride sa mga cable cars na ito? Mula sa lush hilltops at greenery hanggang sa sun, sea at sand, ito na talaga ang pinakamahusay na paraan para tuklasin (o mas lalo pang kilalanin) ang Singapore. Sa rami ng mga nakakapanabik na activities ngayong taon, huwag palampasin ang mga bago at kakaibang handog ng Singapore Cable Car ngayong 2019!

Image credit: One Faber Group

Para sa iba pang updates sa mga events at promotions na hatid ng ika-45 anibersaryo ng Singapore Cable Car, bisitahin lamang ang Singapore Cable Car Anniversary page!


Inihahandog ng One Faber Group.

Published at


About Author

Joser Ferreras

Joser is a senior writer for TripZilla based in Manila, Philippines. He mostly covers travel, people, and business.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles