Love Oz wines but can’t travel to Australia?
Pauwi ka na mula Australia matapos ang ilang linggong paglalakbay. Naghihintay ang mga kaibigan at kamag-anak mo sa iyong pag-uwi. Ano sa palagay mo ang maari mong i-pasalubong sa kanila? Kasi, sabihin man nila o hindi, wala nang may gusto ng magnets at keychains ngayon. Pero huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka naming mamili. Gumawa kami ng listahan ng mga pasalubong na pwede mong bilhin para sa mga mahal mo sa buhay upang mapadali ang pagsa-shopping mo sa Australia.
Basahin din ito: Easy Australian Visa Application Guide for Filipinos
Sa totoo lang, hindi ito gusto ng karamihan. Pero ang mag-uwi ng kahit isa man lang garapon ng vegemite ay nagpapatunay na talagang nakarating ka sa Land Down Under. Gawa ito sa leftover brewer’s yeast extract. Kaunting dami lamang ng itim na Australian spread na ito ay sapat na para mapasarap ang iyong tinapay.
Fun fact: Alam mo ba na hindi lang kinakain ang vegemite kasama ang tinapay at butter? Ginagamit rin ito ng mga Australiano sa pagluluto ng spaghetti, beef stew, at tomato toast!
Mabibili sa: Woolworth’s
Presyo: Mula AU$3.35 (₱135)
Ang kilalang cream sandwich na ito na gawa ng Arnott’s ay sobrang sarap para lang malimutan mong iuwi sa iyong mga kaibigan. Mayroon pa silang iba’t-ibang flavours kaya siguraduhin mong subukan lahat kung maaari. Lagi mong i-check ang mga ongoing sale sa supermarkets dahil pwede kang makamura nang malaki!
Mabibili sa: Woolworth’s
Presyo: Mula AU$1.80 (₱72)
Hindi lang tungkol sa Tim Tams ang Australia. Kung gusto mong mag-uwi ng tsokolate na malutong at may palamang honeycomb, bumili ka ng Violet Crumble. Huwag mo lang kakalimutang i-empake ito ng maigi sa iyong maleta dahil baka nga matuluyan siyang mag-crumble bago ka pa makarating sa’yong tahanan.
Mabibili sa: Woolworth’s
Presyo: Mula AU$1 (₱40)
Dahil hindi mo naman maiuuwi ang sikat na kangaroo at crocodile pizza galing sa The Australian Heritage Hotel, uwian mo nalang ng kangaroo jerky ang iyong mga mahal sa buhay. Madali lang itong makita sa mga grocery stores at souvenir shops kaya hindi ka mahihirapan. Ang kangaroo jerky ay isang kakaibang twist ng mga Australiano sa tradisyonal na beef jerky na mas kilala sa buong mundo.
Mabibili sa: Cole’s Supermarket
Presyo: Mula AU$5.45 (₱219)
Basahin din ito: Cutest Wildlife Encounters to Have in Western Australia – Besides Koalas & Kangaroos!
Kung nasa Sydney ka at pinuntahan mo ang Queen Victoria Building, maaring nakita mo ang mga taong pumapasok sa tindahan ng Haigh’s Chocolates. Ang mga artisan chocolates na ito ay handmade at handwrapped mula pa noong 1915 hanggang ngayon. Bukas sila sa mahigit labinlimang tindahan sa buong Australia.
Mabibili sa: Haigh’s Chocolates, Queen Victoria Building, Sydney
Presyo: Mula AU$0.90 (₱36)/ 6g
Ang T2 ay isang Australian chain ng specialty tea shops. Mayroon silang maraming pagpipilian ng mga tsaa na maaring bilhin buong taon. Bakit hindi mo bilhan nito ang mga kaibigan mong mahilig sa tsaa?
Mabibili sa: 269 Little Collins St, Melbourne
Presyo: Mula AU$17 (₱684)
Pumupunta rin sa Yarra Valley kahit isang araw ang mga turistang bumibisita sa Melbourne. Ang mga bakasyonista ay karaniwang pumupunta sa wine growing district na ito sa Victoria. Iba’t-ibang klase ng mga alak, keso, at tsokolate ang malalasahan mo sa day trip na ito. Pagkatapos ng tour, pwede mo ring bilhan ang iyong mga kaibigan at kamag-anak ng alak bilang pasalubong.
Mabibili sa: Coombe Yarra Valley
Presyo: Mula AU$24 (₱966)
Basahin din ito: Melbourne, Victoria Travel Guide – Top 50 Things to Do
Mula pa 1874 ay gumagawa na ang Bickford’s ng kanilang signature Lime Juice Cordial. Madali lang makabili ng panawid-uhaw na ito sa Woolworth’s.
Where to buy: Woolworth’s
Price: From AU$3.85 (₱155)
Hindi lang beach ang Bondi sa Australia. Ito rin ay pangalan ng isang Australian product line. Mula hand wash hanggang dog wash, meron sila. Isa sa mga best sellers nila ay ang baby wash na 100% gentle dahil hindi ito gumagamit ng synthetic preservatives na pwede pang maging harmful sa mga sanggol.
Mabibili sa: Bondi Wash, 76 Gould St, Bondi Beach
Presyo: Mula AU$1 (₱40)
Ang Lucas’ Papaw Ointment ay nakakapagpaginhawa sa balat kaya kahit si Michelle Phan ay gustong-gusto itong gamitin. Ito ay isang topical application na pwedeng gamitin sa mga kagat ng insekto o kaya naman sa mga mga minor burns. Ang cool, diba? Siguraduhin mo lamang na bibili ka nito sa mga totoong Lucas’ Papaw ointment stockists dahil may mga manufacturers na ginagaya ang kanilang pulang packaging para makapanloko ng mga mamimili.
Mabibili sa: Woolworths/ Cole’s/ Big W Department Stores/ Priceline Pharmacies
Presyo: Mula AU$5.25 (₱211)
Nakaka-intriga ito! Sa tingin mo, matutuwa ba ang mga kaibagan mong mahilig sa mga skincare products sa kakaibang klase ng moisturizer na ito? Ang emu oil ay sinasabing nakakatulong para sa ageing condition ng iyong balat. Nakakapigil din ito ng pagkakaroon ng mga wrinkles!
Mabibili sa: Emu Tracks
Presyo: Mula AU$8.50 (₱342)
Oh, mate! Kahit saan ka man galing, marahil at narinig mo na ang Uggs boots. Ito ay isa sa mga pangunahing pasalubong na dinadala mula sa Australia. Pero kung mahilig ka sa hayop, hindi mo siguro gugustuhing malaman kung paano nila ginagawa ang mga boots na ito.
Mabibili sa: Australian Ugg Original
Presyo: Mula AU$89 (₱3,583)
Ang Real McCaul ay gumagawa ng mga leather products gamit ang balat ng kangaroo.Napatunayang ang kangaroo leather ay isa sa mga pinaka matibay na leather sa buong mundo dahil sa kapal nito kaya hindi siya madaling mapunit. Kaya naman, kung naghahanap ka ng isang high-quality na leather product, siguraduhing ito ay gawa sa kangaroo skin.
Mabibili sa Real McCaul, 77 Memorial Dr Eumundi, Queensland
Presyo: Mula AU$29 (₱1,168)
Hindi ka na dapat magtaka kung bakit ang tawag sa public transport card ng Sydney ay Opal Card. Ang Opal pala ay ang national gemstone ng Australia.
Mabibili sa: Opal Minded, 55 George St, The Rocks NSW 2000, Australia
Presyo: Hanggang AU$15,000 (₱603,903)
Hindi ito yung sa Instagram! Ang boomerang sa Australia ay may ibang ibig sabihin. Ang mga aboriginal hunters sa Australia ay ginagamit ang boomerang bilang armas sa pangangaso.
Mabibili sa: Oz Gifts at The Rocks Shop, 11 The Rocks Centre
Presyo: Mula AU$16 (₱644)
Mula sa tablecloth hanggang bags, ang mga authentic aboriginal art design na produkto ng Australia ay talaga namang kauwi-uwi sa yong bansa. Ang mga miyembro ng Indigenous Artsits and Communities ay nakakatangap ng royalties para sa kanilang mga disenyo kapag bibili ka ng mga produkto mula sa Bulurru Australia.
Mabibili sa: Bulurru Australia
Presyo: Mula AU$19 (₱765)
Isa pang produkto ng mga native Australians ay ang mga didgeridoo. Maari mong maihalintulad ang wind instrument na ito sa trumpet or pipe. Ito’y umaabot hanggang 10ft pero siguradong magugustuhan ito ng mga kaibigan mong mahilig sa musika.
Mabibili sa: Spirit Gallery
Presyo: Mula AU$140 (₱5,636)
Pwede kang mag-uwi ng isang poster ni Ned Kelly o kahit anong bagay na may disenyo ng kanyang mukha. Si Ned Kelly ay tinaguriang Robin Hood ng Australia. Isa siya sa mga pinaka-kilalang tao sa kasaysayan ng Australia. Siya at ang kanyang Gang ay kilala bilang mga notorious na bushrangers.
Mabibili sa: Iron Outlaw
Presyo: Mula AU$14.95 (₱602)
Koala, Kangaroo, Emu at Tasmanian Devil. Sino ba ang aayaw sa isang stuffed animal na malambot na nga, cute pa?
Mabibili sa: KMart
Presyo: Mula AU$7 (₱282)
Anong klaseng pagbisita ang ginawa mo sa Australia kung hindi mo nakita ang iconic na Sydney Opera House at Sydney Harbour Bridge? Maliban sa mga larawan, maari mong madala mismo ang Sydney Harbour Bridge pauwi. Pwede kang bumili ng Sydney Harbour Bridge coat hanger bilang souvenir para naman mayroon ka paring alaala ng Australia sa iyong bahay lumipas man ang mahabang panahon matapos ang iyong pagbisita.
Mabibili sa: Bits of Australia
Presyo: Mula AU$6.95 (₱280)
Ang umuwi mula Australia nang may dalang mga pagkain at abubot ay hindi magiging problema. Kahit magkano pa ang budget mo, maraming produkto ang maari mong mabili. Hinding-hindi ka mahihirapan na humanap ng pasalubong para sa iyong mga kaibigan at kapamilya habang namimili karin para sa sarili mo. Sa totoo lang, ang baggage weight allowance mo ang magde-desiyon kung mabibili mo ba ang lahat ng mga ito!
Isinalin galing sa (Translated from): 20 Souvenirs to Buy from Australia for Your Loved Ones Back Home
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Love Oz wines but can’t travel to Australia?
A look into the factors that attract Filipinos to move down under.
Ready for an ocean road adventure?
Applying for an Australian Tourist Visa? Know these FAQs!
Filipinos rejoice! Processing an Australian tourist visa is easy — just follow these steps.
Coron, here we come!
Philippine Airlines now offers daily flights from Manila to Cauayan City, Isabela in just one hour. Say goodbye to long road trips!
Filipino coffee lovers, explore visa-free Laos—sip, zipline, and discover a coffee haven!
Ooohh, sexy accent la!
From the award-winning Suyac Island to Carbin Reef, Sagay City offers breathtaking natural wonders and unforgettable adventures. Explore this hidden gem this 2025!