7 Pinoy Travel Habits na HINDI mo Dapat Ikahiya

Naalala mo ba ang huling beses na may na-share ka sa social media at hinusgahan ng iba? Sa katunayan, wala ka namang nakitang mali. Pwes, hindi ka nag-iisa!

Kada may biyahe tayo, nakasanayan na siguro natin na pagsabihan ng ibang tao sa kung paano dapat gawin ang isang bagay. At dahil mukha namang mas gamay na nila ang mundo ng travelling, naniwala na lang din tayo. Pero alam mo bang hindi mo kailangan sundin ang lahat ng sinasabi nila? Tignan na lamang itong mga sumusunod na sitwasyon. Nitong mga nakaraang taon, tinuruan tayo na maling gawin ang mga ito. Pero kung iisipin nang maigi, wala namang problema sa mga ito sa karamihang pagkakataon.

Basahin din ito: Pilipino Ka Kung… (Travel Edition)

1. Kumuha ng maraming litrato

Alam nating ang pangongolekta ng mga souvenirs ay kinagawian na nating mga Pilipino kapag may biyahe tayo. Isa sa mga pinaka-epektibong halimbawa nito ay mga litrato, na lalo pang sumikat salamat sa mga smartphones at mga editing programs na makikita sa internet. Walang mali sa pagkuha ng mga litrato kapag nasa biyahe. Ang mali ay iniisip agad ng iba na hindi ka na marunong magpahalaga ng mga karanasan at kapaligiran mo dahil lang naparami ang mga pinost mo online. Hindi ito ang kaso sa lahat ng oras.

2. Kumain sa McDonald’s at iba pang fast food restaurants

Image credit: The Photographer

Isang “unspoken rule” na madalas nating marinig kapag nagta-travel tayo ay ang pagkain palagi ng mga lokal na produkto. Bakit ka nga naman nag-travel pa kung hindi ka naman titikim ng mga gawang lokal hindi ba? Pero sino naman ang nagsabing bawal ka na dumaan sa isang McDonald’s o KFC abroad para sa ilang meal? Sa pagkain dito sa mga fast food, natututo ka pa rin sa kultura ng isang bansa dahil madalas ibang iba ang mga hinahain dito. Sa ilang pagkakataon, pareho nga ang serving pero iba rin ang lasa. Kaya huwag ka mag-alala kung minsa’y pinili mong kumain nitong klaseng mga pagkain imbes na ‘yong gawang lokal.

3. Pagdala ng mga baong pagkain

Sa panahon ngayon, masasabing hindi na talaga ganoon kamahal mag-travel kumpara dati. Pero hindi dapat ito maging hadlang sa kagustuhan mong magtipid pa rin lalo kung kailangan. Minsan, kahit ang pagdala ng ilang cup noodles, tinapay o mga biskwit sa biyahe ay maaari mong gawin bilang pang-merienda o halimbawa’y walang kasamang almusal sa binook mong hotel. Sabagay, mas mura pa ang ilang mga bilihin dito sa Pilipinas kaysa abroad! Hindi ka lang makakatipid, may baon ka pang piraso ng Pilipinas o ng iyong bahay sa iyong biyahe kapag na-miss mo ang mga ito!

4. Hindi pagpunta sa ilang tour

Kapag marami tayong oras na nakatalaga sa biyahe natin, minsan iisipin nating kailangan nating punuin ang bawat araw ng mga gawain at tours para lang masulit ito. Pero kung katulad mo ako na ayaw na nagmamadali, hindi rin panget na ideya ang simpleng pagtambay sa iyong hotel o sa mga malalapit na cafe ng isa o dalawang araw bilang break. Sa ganitong paraan, magagawa mo pa ring ma-appreciate nang maayos ang kinaroroonan mo. Pinuno mo nga ang itinerary niyo, hindi niyo rin pala kayang sundan. Hindi niyo pa nakita nang maayos ang mga pinuntahan niyo.

5. Pagsali sa mga organised tours

Subukan mong lapitan ang mga backpacker na kilala mo at tanungin sila tungkol dito. Marahil ito ang makukuha mong sagot:

“‘Wag! Mag-DIY ka na lang!”

Cool man at exciting (minsan mura pa) ang dating ng sariling pagplano ng isang trip, pero kadalasan, tanging mga taong may maraming oras at ekstrang budget ang nagtatagumpay rito. Mahal man ang mga organised tours sa halos lahat ng pagkakataon, bumabawi naman ito sa pagbibigay ng maginhawang biyahe, kung saan wala ka na poproblemahin sa pag-alis mo pa lang.

6. Pagbili ng mga keychains, ref magnets at iba pang kinasanayang pasalubong

Image credit: Mervat Salman

Napansin mo ba na kapag usapang pasalubong, ang madalas na laman ng listahan ng mga Pinoy ay mga keychains, ref magnets at pagkain? Sa paglipas ng panahon, nagmukha na silang “cheap”, karaniwan at hindi masyadong pinag-isipan sa mata ng maraming tao. ‘Wag ka mag-alala, hindi mo kailangang ikahiya ang mga ito bilang pasalubong, lalo kung hindi mo naman sadyang mag shopping spree sa trip mo! Nasa sa’yo pa rin ang desisyon kung ano ang nais mong iuwi sa pamilya at mga kaibigan mo galing abroad, kahit ano pa man ang mga ito.

7. Pagbisita sa isang lugar nang mahigit isang beses

Pamilyar ba sa’yo ang mga salitang “quality over quantity”? Malaki man ang naitutulong ng paggawa natin ng “bucket lists” para mauna natin ang mga gusto talagang gawin o puntahan, pero paano na lang kung sobrang nagustuhan mo ang isang karanasan na halos hindi ka na mapakali kung hindi mo ito magawa ulit? Edi ulitin mo! ‘Wag mangambang antalahin ang ilang plano mo para sa mga bagay na importante talaga sa’yo. Trip mo bang balikan ang isang bansang napuntahan mo na? O kaya nama’y puntahan ulit ang paborito mong diving spot? Gawin mo lang – hanggang sa pakiramdam mo’y handa ka na talagang mag-move on!

Basahin din ito: Bakit Hindi Ka Dapat Mag-Post ng Boarding Pass sa Social Media

Hindi ba ang sarap sa pakiramdam kapag natututunan nating gawin ang mga gusto natin ano pa man ang sabihin ng iba? Basta’t wala kang nasasaktan sa proseso, mas ikasasaya mo ito bilang isang manlalakbay.

Isinalin galing sa (translated from): 7 Seemingly Bad Travel Habits That You Should NOT Be Ashamed Of

Published at


About Author

Joser Ferreras

Joser is a senior writer for TripZilla based in Manila, Philippines. He mostly covers travel, people, and business.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles