The promise of new flavours beckons from Banawe.
Pasko na naman! In other words, panahon na naman ng Christmas bonus at 13th month pay. Akala mo yayaman ka na? Syempre hindi, kasi panahon na rin ng sandamakmak na Christmas parties at exchange gifts na uubos sa mga sweldo mo! Well… masaya naman tayo, diba?
Para mas masaya tayo, siguraduhin nating hindi tayo mamumulubi pagkatapos ng pasko. Ito na ang ultimate shopping tip mula sa resident kuripot traveller ng TripZilla: Samantalahin natin ang vouchers, sales, at cashback programs!
Alam naming busy kayong lahat sa kaka-online shopping, lalo na’t palapit na ang pasko. Kaya naman, kami na ang magrerekomenda ng cashback program para sa inyo! Bilang certified online shopaholics, tried and tested na namin ang ShopBack Mobile App. Sa pamamagitan nito, makakalikom ang users ng cash sa bawat purchase. Marami ring voucher codes at discounts ang mga miyembro ng ShopBack, kaya hinding hindi kayo malulugi rito!
Mahigit 400 online stores ang ka-partner ng ShopBack. Kasali rito ang ilan sa mga paborito nating e-commerce platforms tulad ng LAZADA, Shopee, at ZALORA. Marami rin silang ka-partner na hotels, airlines, at travel agencies! Dahil diyan, sigurado na kaming dito kami mamimili ng travel items para sa pasko.
Lahat ng travel items na nababanggit sa article na ito ay may redeemable cashback points sa ShopBack! Huwag niyong sasayangin ang pagkakataon. Bago kayo mag-add to cart, i-download niyo muna ang ShopBack Mobile App dito!
Ho ho ho! Maagang pasko para sa ShopBack users ang hatid ng ShopBack 12.12 SALE. Mas pinaraming promos at deals ang nag-aabang sa inyo sa 12 Dec 2019!
|
Saludo tayo sa mga kaibigan nating single and ready to travel. Deserve nila ang mundo! Bilang protective na kaibigan, ayaw din nating lonely sila.
Kung nabunot mo ang friend mong solo traveller, bigyan mo naman siya ng boyfriend in the form of an unan! Ang unang ito ang magbibigay sa kanya ng warmth at comfort sa malamig na pasko. At hindi tulad ng mga toxic na jowabelles diyan, hindi ito nananakit ng damdamin!
Alam na natin ang BFF ng mga tita natin: essential oils! Kaya naman, siguradong mapapasaya mo ang tita traveller na nabunot mo kung reregaluhan mo siya ng portable diffuser. Parang lang itong regular na diffuser, pero maliit lang siya at meron siyang USB charging para pwedeng gamitin sa iba’t ibang travel destinations. Kailangan lang lagyan ni tita ng essential oils at tubig ang diffuser, at makatutulog na siya ng mahimbing! Ang taray, ano?
Also known as: alcohol enthusiast. Siya ang kaibigan nating laging naghahanap ng alak tuwing bumabiyahe. Nang manahimik na siya, regaluhan mo na ng travel-friendly cocktail kit. Pwede niya itong dalhin sa hand-carry niya, kung sakaling hindi pa sapat sa kanya ang wine ng airline. Pwede pa siyang mamili sa limang iba’t ibang flavours kung sakaling magsawa siya.
Nabunot mo si ateng girl (o kuyang boy) na expert sa pagta-travel selfie? Sige at i-encourage mo siya sa pamamagitan ng regalong ito! Dahil sa portable ring light na ito, mapapa-selfie pa siya lalo… from day to night! #PakGanern #AwraEverywhere
“Ang ineeeeeet!” ang laging sambit ng kaibigan nating ito. Tuwing nasa biyahe siya, madalas siyang nakasimangot kasi pinagpapawisan na naman siya. Alam nating mabigat ang kanyang hand-carry dahil lagi siyang may bitbit na payong at sombrero. Bawasan mo na ang mabibigat na gamit niya, at bigyan mo nitong maliit na USB Mobile Phone Fan.
Hindi sa bawat oras ng biyahe mo ay kakain ka sa local restaurants. Minsan, sa convenience stores ka na lang talaga pupulutin, lalo na kung sawang sawa ka na sa kakaibang pagkain. Kung tunay na traveller ang nabunot mo sa exchange gifts, malamang matutuwa rin siya sa kakaibaing regalong ito: 7-Eleven gift certificates!
Nangangayayat na friend natin! Nang tanungin kung bakit, ayaw lang pala niyang kumain sa labas dahil nagtitipid siya para sa travel fund niya. Edi ang wallet pala ang diet at hindi siya! Pakainin na ‘yan. Bigyan mo na siya ng hotel buffet restaurant voucher ngayong pasko. #KasamaKangTumaba
Puro na lang business ang dahilan ng pagta-travel ng kaibigan nating ito. Ngayong pasko, oras nang pilitin siyang mag-staycation. Bigyan ng staycation voucher at itago ang laptop. Sabihan siyang bawal siya magtrabaho sa bakasyong iyan. Hinga hinga rin, tih!
Mabigat pa ang eyebags niya kaysa sa maleta niya. Bigyan na ‘yan ng travel-sized concealer! Siguraduhin mo lang tama ang kulay na maibibigay mo, ha? Kung hindi naman secret ang exchange gifts niyo, itanong mo na lang kay ate kung anong shade ng concealer niya.
Kung may traveller na hindi makatulog, may traveller din na #TulogIsLife! Siya yung malakas ang loob na sumandal sa katabi, lalawayan pa ang balikat. Problema mo talaga siya kung travel buddy mo siya — sa sobrang himbing ng tulog niya, gising siya magdamag sa hilik niya! Regaluhan mo na siya ng anti-snoring belt, bes. Oo, totoo ‘to. Kahit hindi siya ang nabunot mo sa exchange gifts, ibigay mo na. Para rin naman sa’yo ‘to.
Hot sauce is life para sa kaibigan nating ito. Akala mo Thailander siya kung makapaglagay ng hot sauce sa lahat ng pagkain. Minsan, mararamdaman mo na ang hirap niya tuwing dadayo siya sa bansang tila galit sa maanghang. Baka oras nang mabigyan siya ng Sriracha mini keychain!
Kung hindi mo gaanong kilala ang nabunot mo, ito na lang ang iregalo mo: portable bidet! Siguradong magagamit niya ito at least once in his or her life, lalo na kung mahilig siyang mag-travel. Tiyak na magiging best friend niya ito sa road trips. (Alam naman natin kung gaano kaganda ang mga public bathroom natin.)
Yung ihing ihi ka na, pero hindi ka pa makapasok sa banyo kasi hinaharangan ng travel buddy mo. “Bawal ka pa pumasok! Hintay ka five minutes!” ang lagi niyang linyahan pagkatapos gumamit ng CR. Aba, imbes na magkasakit ka, regaluhan mo na lang siya ng deodoriser spray.
Nawala ang cellphone. Nawala ang susi. Aba, pati wallet nawala rin! Buti pa ang cellphone natatawagan, pero ang hotel key niyong iwinala niya? Paano na?
Dahil sa rami ng burarang traveller sa mundo, may inimbento nang alarm para sa kahit anong gamit. Ang Tile Mate Key Finder ay isang bluetooth tracker na pwedeng ikabit sa susi, cellphone, wallet, at kung ano pa.
Ang daming planong na-drawing dahil inubos ng kaibigan mo ang travel fund niya sa samgyupsal. Iwasan nang mangyari ito! Bigyan mo na ng samgyupsal voucher si friend nang hindi na niya galawin ang 2020 travel fund niya.
Tiyak na ikatutuwa ng pagreregaluhan mo ang kahit alin sa mapili mong regalo rito. Huwag mong kalilimutang sulitin ang cashback rewards ng mga travel items na ito — gamitin mo ang ShopBack Mobile App sa lahat ng online shopping mo ngayong pasko!
Brought to you by ShopBack.
Published at
Get our weekly tips and travel news!
The promise of new flavours beckons from Banawe.
Coffee date on the mountains, anyone?
Elevate your Insta-game at these Laguna spots.
Tried and tested dining spots for every palate.
2021, come faster!
Change of plans for NYE.
Pinoy pride!
Cavite to Manila just got easier.
Make the most of the free ride from this mall.
Second time in two years.