Spread the good word!
Minsan nangyayari talaga siya kahit gaano ka-planado yung bakasyon mo. Kahit saang lupalop ng mundo ka pumunta, hindi talaga naiiwasan. Hindi mo pala kasundo yung kasama mo sa biyahe at uwing-uwi ka na dahil sa kanya. Paano na ‘yan?
Bago ka mawalan ng pag-asa, dapat mong malaman na may early warning signs kang pwedeng pakinggan. Mas mabuti na ring maaga mo maramdaman na wala kayong travel chemistry, kahit kaibigan mo pa siya. At minsan, hindi rin talaga natin makikita ang buong katotohanan hangga’t hindi mo pa siya nakakasama sa bakasyon.
Ang tanong: Paano mo nga ba malalaman na hindi talaga kayo compatible ng travel buddy mo? Kaming balaha sa’yo. Siguradong hindi mo siya dapat kasamang mag-travel ulit kung…
Nakasanayan niya na ang lasa ng fast food at ikaw naman mahilig sumubok ng lokal na pagkain kahit gaano pa ka-exotic. Bet na bet niya ang five-star hotels, ikaw naman mas komportable ka sa Airbnbs kasi parang bahay mo na rin. Madalas siya magpuyat at ikaw gising na bago pa lumabas ang unang sinag ng araw. Mula sa pagkain hanggang sa titirhan niyo at sa call-time, magkaibang panig kayo parati.
Payo lang: Kung sa destinasyon pa lang at sa araw ng paglipad niyo ay para na kayong aso’t pusa, malamang ganun rin ’pag nakarating na kayo sa pupuntahan niyo. Times 10 pa siguro.
Meron naman katahimikan na nakaka-relax. Yung tipong chill lang kayo. ‘Yon ang tinatawag na comfortable silence. Pero sabi sa BBC, makapangyarihan ang katahimikan. Pwede itong makatulong sa interaksyon, pero kaya rin nitong sirain ang paguusap. Sa katahimikan rin nanggagaling ang maraming misunderstanding — natural lang ‘yon.
Mararamdaman mo naman kung may tensyon na sa ere ‘pag walang nagsasalita. Kung feel niyo awkward, ‘wag na kayo magsama sa biyahe.
Sa totoo lang, may sikreto ang pagta-travel na may kasamang iba. Kailangan, kahit papaano, sa simula pa lang ay pareho na kayo ng pananaw sa travel. Kung kayo yung barkada na okey sa tour na mahigit 10 stops yung nasa itinerary tapos 30 minutes lang kada lugar, edi ayos. Pero kung ikaw yung tipong gustong magtagal para ma-experience yung kultura ng mga tiga-doon, talagang hindi mo makakasundo ang taong kaunting picture-picture lang tapos aalis na.
Marami ka ring malalaman tungkol sa isang tao habang pinapanood mo siyang makipag-interact sa iba. Kung madali kang makipagkaibigan sa bagong lugar at yung kasama mo ay praning naman sa lahat ng nakikilala niyo, aba’y mag-aaway talaga kayo at some point. Mas malala pa kung may ka-travel kang bastos at pikon.
Halimbawa, kung nakatira kayo sa isang hostel tapos nagsabi yung housemate niyo na karaoke night pala, sasama ka ba? Dadamayan ka rin ba ng travel buddy mo? Kung nasa kainan kayo at nagkamali yung waiter sa order niya, magwawala ba siya? Isa sa mga perks ng travel buddy ay safety in numbers. Kung iiwan ka lang rin niya sa ere o siya mismo yung maglalagay sa inyo sa peligro, wala ring saysay yung pagsasama niyo.
Hindi na tayo mga bata. Wala na tayo sa elementary, guys. Walang may gusto sa siga na kailangang lagi siya ang nasusunod. Hassle din kasama ang isang spoiled brat na bigla ka na lang hindi papansinin ‘pag ayaw niya yung next activity. Mapapansin mo ‘yan sa pagplano pa lang hanggang sa pagtipid ng budget at pag-adjust ng itinerary. Mahirap makasundo ang travel buddy na mainitin ang ulo o ‘di kaya matampuhin. Diyahe sa biyahe ang tawag diyan.
Kapag kasama mo mga kaibigan mo sa biyahe, natural lang na minsan naghihiraman kayo ng pera, lalo na ‘pag nagmamadali o nagkakaubusan na ng cash sa currency na kailangan niyong pambayad. Madalas din mahiram yung medicine kit mo at uso din manghingi ng Biogesic at kung ano pang gamot. Okey lang naman ‘yon — walang iwanan sa barkada, diba? Nagiging problema lang naman kapag mayroong hindi nagbabalik ng gamit. Sobra naman ata ‘yon. Kung marami kang nawawalang supplies tapos hindi mo naman natatandaang ginamit mo, alam mo na.
Alam naman natin na walang dalawang taong parehong-pareho kaya ‘pag may kasama ka sa biyahe, tandaan nating mahalaga ang kompromiso. Kaso mahirap lang din talaga ‘pag magkaiba kayo ng lifestyle. Halimbawa, animal lover na hindi kumakain ng karne at yung isa naman, karne lang ang laging ulam; o taong in na in sa healthy living, tapos yung kasama niya hindi mabubuhay ‘pag walang yosi; o isang taong-bahay na pinagsama sa hyper na mahilig sa extreme sports. Gets mo?
Kahit saan ka pa magbakasyon, importante yung may oras ka para sa sarili mo. Maganda sana kung kayo yung barkada na naglalaan ng isang araw o ilang oras para makaikot ang lahat sa gusto nilang puntahan, magkasama man o hindi. Pwedeng mag-isa lang, o by couple, o pwede ring kanya-kanyang grupo depende sa trip niyo. Kung mayroon kayong kasama na hindi agree dito at daig niya pa ang BF o GF mo sa pagka-clingy, pustahan tayo masasakal ka rin at one point.
Kailangan ko pa bang i-explain ‘to? ‘Pag hindi malinis yung tao sa sarili niyang katawan, ‘wag mo na siya isama kahit saan. Please lang.
Ito talaga yung ultimate sign. Kumbaga, ito yung mararamdaman mo para pasok sa banga. Kung naiisip mong iwanan na lang yung travel buddy mo sa gitna ng daan, isa lang ang ibig sabihin nito. Last niyo na ‘yan, ‘wag na kayo mag-travel ulit nang magkasama.
Basahin din ito: 7 Pinoy Travel Habits na HINDI mo Dapat Ikahiya
Ayan. Nakatulong ba? May pinaplano ka bang bakasyon ngayon? Maniwala ka sakin, kung wala kayong travel chemistry, ‘wag pilitin. Mag-solo trip ka na lang kasama ang selfie stick mo at mag-picture ka nang bonggang bongga. Tapos tag mo kami, ha?
Isinalin galing sa (translated from): Yikes! 10 Signs You’re Travelling with the WRONG Buddy
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Spread the good word!
Permission to feel like royalty even for a day?!
Looking for a weekend bonding with the family under ₱500? Head to these places, pronto!
Yes, family vacations are priceless. But the planning can be a major pain! If we’re being honest, we’d really prefer a stress-free experience, please. One of the biggest hurdles in planning an out-of-the-country trip with the family is getting visas for everyone on board. It’s time-consuming, expensive, and just generally very stressful. Luckily, there are […]
Jump in and test the waters. (Just don’t forget your SPF.)
Coron, here we come!
Philippine Airlines now offers daily flights from Manila to Cauayan City, Isabela in just one hour. Say goodbye to long road trips!
Filipino coffee lovers, explore visa-free Laos—sip, zipline, and discover a coffee haven!
Ooohh, sexy accent la!
From the award-winning Suyac Island to Carbin Reef, Sagay City offers breathtaking natural wonders and unforgettable adventures. Explore this hidden gem this 2025!