7 Tips Para Maging Mas Masaya ang Pag Third-Wheel Mo

Sino may sabing hindi mo kayang mag-enjoy kasama ang kaibigan mo’t boyfriend o girlfriend niya sa isang biyahe? Aba’y pwedeng pwede! At pinaka-importante, hindi mo kailangang maging awkward kahit kailan!

Unang una, hindi natin maitatanggi na talaga namang ang saklap sa pakiramdam kung mangyari ito sayo. Pero kung nalampasan ng iba, bakit ikaw hindi? Narito ang ilang tips at tricks para maging epektibong third-wheeler sa sunod niyong biyahe nina beshie!

Basahin rin: 7 Pinoy Travel Habits na HINDI mo Dapat Ikahiya

1. Mag-selfie lang nang mag-selfie

Mula sa pag-antay ng sasakyan, sa pag-iikot ikot sa beach o kahit sa mga gawaing tulad ng romantic sunset sailing, wala ka dapat pipiliing oras sa pagkuha ng litrato mo kahit pa nasa litrato ang mga kasama mo. Tuloy ang selfie goals!

2. Maghanap ng sariling impromptu plus one

Diba nga, isa sa mga pinakamasasayang gawin habang nagta-travel ay makipag-kaibigan sa ibang tao? Kaya gamitin mo na itong pagkakataon para hanapin ang iyong panandaliang “the one”. Mapa-bata man o matanda, mag-iinarte ka pa ba?

3. Walang ibang tao? No problemo!

Akala mo kapwa tao lang ang pwede mong kaibiganin? Bakit hindi mo subukang makipag-kaibigan sa mga hayop na rin, lalo kung lahat ng tao sa paligid mo ay taken na pala? Basta third-wheeler, animal lover! Ito ang magiging bagong mantra. At kung pati hayop wala, patulan na rin ang mga bagay bagay sa paligid mo, tulad ng isang bote ng beer o ang drone ni boyfriend. Marami kang pwedeng gawin!

4. Samantalahin ang mga sariling pribilehiyo

Imagine umulan at dalawang payong lang ang mayroon kayo, papayag ka bang ikaw pa ang makiki-share rito? No no! Hayaan mo silang magsiksikan sa isang payong habang ikaw ay enjoy na enjoy sa sarili mo. Nakaiwas ka nang mabasa, nabigyan mo pa ng spontaneous K-drama moment ang mga kasama mo!

5. Ipagpatuloy ang pagiging loyal kay beshie

Hindi dahil kasama ni beshie ang labidabs niya eh bawal na kayo mag-bonding moment together? Isipin mo na lang na maraming kayang hindi mabigay si boyfriend, kaya trabaho mong saluhin si best friend sa mga pinaka-importanteng mga bagay — tulad na lang ng shopping, pamper time sa isang spa at pag-achieve sa mga BFF poses niyo.

6. Maging taga-bantay

Darating ang mga oras na kakailanganin ng magjowa mag-enjoy nang sila lang, katulad ng paglangoy sa dagat. Ang sweet lang diba? Imbes na samahan sila, mag-volunteer ka na lang na bantayan ang mga gamit ninyo sa buhangin. Naka-relax ka nang mag-isa, siguradong pagkakatiwalaan ka na rin nila for life (kung hindi kayo manakawan syempre).

7. Maging official couple photographer

Sabi nila, the best way to show your love for your best friend is to be there for him or her through thick and thin. Huwag mao-offend kung iabot sayo ni bes ang camera niya para kumuha ng couple shots nila ni jowa. Tanggapin ito bilang isang papuri at magpakitang gilas! Siguraduhing sakto lang ang kombinasyon ng mga sadya at candid shots for more variety!

Basahin rin: 10 Dahilan Para Mahalin ang Lalakeng Mahilig Mag-Travel

Kaya naman sa susunod na ayain ka ni beshie na samahan sila ni mahal sa isang bakasyon, huwag mag atubili and be the kaladkarin friend that you are. Tandaan lamang itong mga tips at siguradong hindi lang sila ang mag-eenjoy, kundi pati ikaw!

Hango sa (Inspired by): How to Third Wheel Effectively on a Trip

Published at


About Author

Joser Ferreras

Joser is a senior writer for TripZilla based in Manila, Philippines. He mostly covers travel, people, and business.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!