10 Travel Skills Na Pwede Mo Lagay Sa Resume Mo

Travel is life. Pero hindi ka niya mapapakain. Kaya naman, kailangan mong mag-trabaho. Pero paano?! Wala ka nang ibang alam gawin kung hindi mag-travel! Don’t you worry, bes. Maniwala ka’t sa hindi, may tinatawag tayong travel skills na pwedeng pwede mong ilagay sa resume mo. O diba? Sinong nagsabing walang mararating ‘yang pagta-travel mo?

1. Budgeting

Oo, marami kang biyahe. Pero, hindi ka saksakan ng yaman. Magaling ka lang mag-budget. Kung alam lang ng bashers mo kung anong hirap ang pinagdaraanan mo kada biyahe, baka wala na silang masabi. Makita lang nila kung paano ka mag-abang ng seat sale sa Flight Deals – Philippines, siguradong bibilib na sila sa’yo.

Pero hindi lang airfare ang pinagkakagastusan ng isang traveller. Bagkos, ang airfare pa lang ang simula ng lahat ng gastusin. Magbabayad ka pa ng accommodation. Pagkain. Transportasyon. Pasalubong. Hindi kaya ng lahat ng tao ang maging budget traveller kagaya mo. Kaya own it!

2. Planning

Isa sa pinakamagandang travel skills na pwedeng pwede mong ipagmalaki ay ang husay sa pagpaplano. Bakit? Kasi karamihan ng tao, hanggang drawing na lang. Pero ikaw? Sa sobrang ayos ng travel plans mo, halos lahat ng plano mo ay natutuloy. Syempre naman! Paanong hindi mahahasa ang husay mong magplano kung maya’t maya ka kung gumawa ng itinerary? Sabi nga ng mga kaibigan mo, pwede ka nang magtayo ng sarili mong travel agency. O diba? Pak! Hindi mo na kailangan mag-submit ng resume. Diretso ka na sa sarili mong negosyo.

Basahin din ito: 7 Signs Na Drawing Ang Susunod Na Barkada Trip Niyo

3. Flexibility

Bukod sa kayang kaya mong mag-split ma-approve lang ang visa mo, flexible ka rin sa ibang aspeto ng buhay. Kaya mong makisalamuha kahit saan ka mapadpad. Nasisikmura mo ang kakaibang lasa ng pagkain, lalo na kapag wala kang choice. Kung kakailanganin mong matulog sa airport, game ka. Walang makakapigil sa’yo.

4. Communication

Hindi mo man kayang isalita lahat ng wika sa mundo, kaya mo pa ring makipag-usap sa lahat ng tao. That’s what makes you a good communicator. Wala sa grammar ang pagiging mahusay na communicator. Nasa kung paano mo maihatid ang mensahe mo. At syempre, may ganitong talento ang mga biyahero’t biyahera. Biruin mo, hindi naman marunong mag-sign language pero bigla-bigla na lang nagagamit ang kamay para kumausap ng lokal. Yung nagsisigawan din  kayo sa palengke para lang magkaintindihan upang tumawad sa overpriced na benta! Traveller lang ang may ganyang angking galing!

5. Networking

Malaking bagay sa adulting ang pagkakaroon ng maraming connections. Kaya dapat, magaling kang mag-network! So sige, iyabang mo na lahat ng kaibigan mo from all over the world. Kaso lang, dapat mapanindigan mo ito sa job interview kung sakali. Ipakita mong kaya mong makipagkaibigan sa kahit sino. At syempre, ipakita mo ring kahit magaling kang mag-network, loyal at committed ka pa rin. Madalas, dito nadadali ang mga aplikante. Kaya naman, kung ilalagay mo itong networking sa travel skills mo, siguraduhin mong babanggitin mo rin ang…

6. Committed

Hindi ko na pahahabain pa. Basahin mo na lang itong article na ito: Travel is Commitment: Here Are 10 Reasons That Prove It. You’re welcome.

7. Time management

Nakakatawa kapag may mga kaibigan tayong nagco-comment na “ang daming time” porque lagi tayong nagta-travel. Syempre, time management pa rin ‘yan. Hindi lang natin ina-apply ang time management sa pagsiksik ng travel sa schedule natin… Ginagamit din natin iyan para ma-maximise ang bawat biyahe! May mga trips tayong tatlong araw lang. Mayroon din namang trips na isang linggo ang haba. Pero ang tunay na traveller, kayang magamit ang kahit anong oras na mayroon siya para lang mag-enjoy!

Basahin din ito: 6 Reasons Why Time Management is Important in Travelling

8. Documentation

Malamang sa malamang, may social media accounts ka kung saan nagpo-post ka ng mga litrato o kwento tungkol sa travels mo. Baka nga may blog ka pa! O baka naman old school ka: May bitbit bitbit na film camera at nagpapa-develop para sa travel scrapbook. Ano mang piliin mong form of documentation, makatutulong para mapalawak ang portfolio mo. Lalong lalo na kung sa creative industry ka maga-apply!

9. Volunteering

Kung nasubukan mo na ang voluntourism noon, tiyak na makatutulong itong experience na ito sa resume mo. Aba, tinatanggap nga bilang work experience ang volunteer work, eh! Kung hindi mo pa nasusubukan, i-try mo na kaya sa susunod na biyahe mo? Sobrang daming paraan para mag-volunteer ka habang nagta-travel. Pwede kang magturo ng mga lokal. Maglinis ng dagat. Tumulong sa mga wildlife conservation centres. Bukod sa travel skills, napakarami mo ring makakamit na transferable skills dito!

Basahin din ito: 6 Fun Ways to Volunteer While You Travel

10. Work experience

Siguro may mga trabaho ka ring sinubukan habang nagta-travel ka. Nagawa mo bang i-monetize ang blog mo? Kumuha ka ba ng mga remote work para masustentuhan ka? O baka naman nag-ipon ka lang talaga ng pera bago ka mag-travel? Kung ano mang tingin mong pasok sa work experience, pag-isipan mo ring ilagay. Basta ba’t may kaugnayan ang natutunan mo sa trabahong paga-apply-an mo, huwag mong ikahiya.

Basahin din ito: Filipino Employees Prove That You Don’t Have to Quit Your Job to Travel

Talaga namang napakarami mong matututunan sa pagta-travel. Pero syempre, tulad na lang ng lahat ng bagay sa mundo, dapat ay naititimbang mo pa rin kung nakatutulong ba ito sa’yo. Travel responsibly!

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!