Have better travels next year!
Mga bes, lahat naman tayo may standards diba? Sigurado akong madalas niyong pagusapan yan ng mga kaibigan niyo.
“Gusto ko matalino pero grounded.” “Hindi ko kailangan ng mayaman. Basta masipag.” “Pwede cultured?”
Narinig na namin yan lahat. Pero yung hindi pa namin masyado naririnig ay yung babaeng naghahanap ng isang lalakeng mahilig mag travel, maski kung siya mismo gustong-gustong ito. Kaya para lang dumagdag sa usapang standards ng mga kaibigan niyo, eto na. Bibigyan namin kayo ng mga dahilan kung bakit dapat kayong magmahal ng lalakeng mahilig mag travel.
Basahin din ito: Going On The First Date: 8 Places In Manila To Break The Ice
Oo mahal mo mga kaibigan mo, pero minsan, wala talaga silang gana sumama sayo sa mga adventures mo. Pero kung nakahanap ka ng lalakeng mahal ang paglalakbay tulad mo, papantayan niya rin yung kagustuhan mong makapunta sa iba’t ibang lugar. Nakakatuwa isipin, diba?
Aminin mo na. Hindi mo aayawan ang isang Instagram Jowa, o sa English, Instagram Boyfriend. Yung matagal mo nang hinihintay na “IG Worthy” pictures lilitaw na sa wakas dahil pamilyar na si boyfie sa mga angulo at poses mo. Kung swerte ka, baka siya pa nga maging direktor mo kasi gusto niya magmukhang maganda bawat aspeto sa larawan — tulad mo.
Pag nag-tatravel ang isang lalake, ibig sabihin nakaranas na yan ng iba’t ibang lugar, kultura, wika, pagkain at iba pa. Magandang paksa rin ang mga ganitong karanasan pagdating sa kwentuhan niyo. Tuwing mag kwekwentuhan kayo tungkol sa mga bagay na naranasan at nakita niyo sa inyong mga travels, mas magkakaintindihan kayo bilang indibidwal kasi alam niyo ang mga pinagdaanan ng isa’t isa. Ito’y nagpapalakas din ng inyong ugnayan at hinding-hindi magiging boring ang pag-uusap niyo.
Genetically, mas malakas naman talaga ang lalake kaysa sa babae. Kaya nagsasabi lang ako ng totoo: pwede mo siya gawing personal na sundalo, o bodyguard. Lalo na kapag na sa ibang bansa kayo o sa lugar na di kayo sanay. Syempre mas kampante ka tuwing kasama mo boyfriend mo maglakad sa gabi at para siguraduhin na hindi ka mananakawan.
Kung nakapunta na siya sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan, may go-to guide ka na! Pwede niya na sabihin sayo ang mga kailangan mong malaman, mga bagay na dapat o ‘di dapat gawin, at mga karanasan na ayaw niyang maulit sayo. Mas madali na ang buhay mo kasi alam mo na kung paano ka dedeskarte pagdating sa iyong destinasyon.
Eto ang hinihingi nating lahat — isang lalakeng matiyaga magplano. Kahanga-hanga ang isang lalakeng kusa nang gagawa ng itinerary, booking, o pananaliksik para sa bakasyon niyo. Pinapakita nito hindi lang ang pagmamahal niya sa pagbiyahe, kundi ang kanyang disiplina pagdating sa paghahanda at pagaasikaso ng kanyang oras. Swerte ka kung nakahanap ka ng lalakeng ganito, bes!
Also read: Quirky Date Ideas For Filipino Couples Who Want To Try Something New
Dahil may sarili na siyang karanasan sa pag-travel, marahil naranasan niya na rin magkamali sa pagplano o sa pagdedesisyon sa mga iba’t ibang bagay. Hindi naman lahat ng bakasyon o biyahe natin ay walang kupas. Mabuti na rin kung ganyan kasi hindi ka niya agad-agad huhusgahan sa iyong mga pagkukulang. Siya rin naman ay hindi perpekto.
Tuwing nagta-travel tayo, humuhusay din ang iba’t ibang abilidad natin. Isa na dito ay ang pag-navigate. Lokal man na siyudad o bagong destinasyon, kung sanay na kayong mag biyahe, alam mong pwede ka umasa sa abilidad niyang mag navigate dahil marunong na siya magbasa ng mapa at sumunod sa mga direksyon. Madali nalang magtulungan kung sakaling mawala kayo.
Hindi mo na kailangan tanungin, “Sino gusto sumama sa akin sa *pangalan ng lugar*?” Kung may jowa ka na mahilig mag travel, automatic na siya na ang sasama sayo. Yung maganda pa diyan, ay kung tunay nga siyang biyahero, game yan sa lahat. Di mo na kailangan hatakin mga kaibigan mo para mag-leave sa trabaho o magbigay ng panahon para mag bakasyon, si boyfie na bahala. Wala nang hatak-hatak. Uwi na. May nanalo na.
Naantok ka na ba sa eroplano, bus, o subway sa travels mo? Pwes, gawin mong unan balikat ng boyfriend mo! Oo, pwede naman bumili ng travel pillow, pero katabi mo lang naman yung pinakasulit na unan na matatagpuan mo. Balikat niya. Hindi mo lang mapapahinga ulo mo sa balikat niya, mapapahinga niya rin ulo niya sa ulo mo. Yan ang tunay na #travelgoals. Cute diba?
Kung may boyfriend o asawa ka na mahilig din mag travel tulad mo, solved ka na. Pero sa mga single pa riyan, gamitin niyo na ang pagkakataon na ito para humanap ng taong pasok sa banga. Pero maski ano mangyari, susuportahan namin ang pag biyahe niyo sino pa man kasama niyo. Kaya biyahe na (at magmahal ng lalakeng mahilig bumiyahe)!
Isinalin galing sa (translated from): 10 Reasons Why You Should Love a Guy Who Travels
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Have better travels next year!
Don’t do it!
Maybe not, but then again…
Clean bathrooms would be available everywhere!
These are just sad…
Coron, here we come!
Philippine Airlines now offers daily flights from Manila to Cauayan City, Isabela in just one hour. Say goodbye to long road trips!
Filipino coffee lovers, explore visa-free Laos—sip, zipline, and discover a coffee haven!
Ooohh, sexy accent la!
From the award-winning Suyac Island to Carbin Reef, Sagay City offers breathtaking natural wonders and unforgettable adventures. Explore this hidden gem this 2025!