Spread the good word!
Merong malaking misconception tungkol sa mga travellers — na basta malayo ang nararating, mayaman na agad. Lingid sa kaalaman nila, maraming kuripot na traveller out there… Like me!
Sa kabilang kamay, tama nga naman ang mga sinasabi ng ilang — mahal talagang mag-travel. Kaya naman ang mga kuripot na traveller, magaling pumaraan. Pero minsan, ang mga paraan na ito, nakakaloka rin. Kaya heto na ang ilan sa struggles ng mga kuripot na traveller.
Basahin din ito: Budget-Friendly Destinations Outside Asia For Filipinos
Dumaan kang souvenir shop. Ang ganda ng lahat. May keychains. May bag. Meron ding mga sapatos na kakaiba. May mga ref magnet. Wallet. Bibilhin mo ba lahat? Syempre hindi! Kailangan mamili ka lang ng iisa. (Minsan, pwede ring dalawa kung tig-sasampung piso lang naman.) Kaya naman, bawat purchase mo, matagal mong pinag-iisipan. Bago ka bumili, nag-iikot ka pa para lang masiguradong ang nabili mo ang pinakamura sa lahat.
Speaking of pag-iikot, lakad is lyf para sa kuripot na traveller. Ayaw mong gumastos ng pamasahe, kaya maglalakad ka kahit hindi mo na maramdaman ang mga paa mo. Kapag napagod ka, magpapahinga ka sa gilid. (Syempre, sa libreng upuan lang!) Kapag nasa gym, hirap na hirap kang mag-cardio. Pero bigla kang nagta-transform tuwing nasa ibang lugar ka — biglang kaya mo nang lakarin lahat!
Minsan, tinotopak ka at napapabili ka ng wala sa budget mo. Kapag nangyari to, iisipin mo na siya buong magdamag. Hindi ka na makakain ng maayos. Nahihirapan ka nang makatulog ng mahimbing. Parang kang na-heartbroken na ewan. At one point, ginusto mo naman. Pero ngayon, nasasaktan ka. Huwag mo nang uulitin, okay?
Mapa-palengke, bazaar, o stall sa tabi tabi, hindi ka magpapatawad sa pagtatawad. Wala kang bibilhin na hindi mo muna susubukang tawaran. Tawad ka lang nang tawad, kahit hindi kayo nagkakaintindihan ng ale. Ang saya saya niyong panuoring mag-charades. Parang din kayong nagta-typing contest sa calculator. Sige lang, ituloy mo lang. Kapag may tiyaga, may nilaga. Mas malaking pagtitiyaga, mas mura ang nilaga.
Sa ibang bansa, ginto ang tubig. Kaya naman madalas, mas pipiliin mo nang mamatay sa uhaw. Lagi mong iniisip, “Sa hotel na ako iinom.” O diba? Talagang may superpowers ka tuwing bumabiyahe ka. Lagi ka ring may dalang tumbler na pinupuno mo ng tubig tuwing nasa hotel o restaurant ka. Tapos, onti onti mo lang iniinom yung laman kasi hindi ka pwedeng maubusan. Hindi!
Note: Masama ito. Uminom ka. Health is wealth.
Sa tingin mo, hindi rin naman ganun kasamang mauhaw. Bakit? Kasi mahal din namang umihi sa mga public bathroom! Isipin mo yun, kailangan mong magbayad ng 20 pesos makaihi lang? Pass! Kaya mo namang pigilan yung ihi mo hanggang sa dumating ka sa hotel. Kung sakaling abutan ka, marami namang puno diyan. (Huwag ka lang mahuli. Mas mahal kung magmumulta ka.)
Note: Masama ito. Umihi ka. Health is wealth.
In other words, squatter ka. Kung less than 12 hours ka lang naman sa lugar, hindi ka na mag-aatubiling mag-check in sa hotel. Antukin ka man, pwede ka namang matulog sa airport, café, o mga terminal. Ang masaya rito, hindi ka weirdo tignan masyado (medyo lang) kasi may mga karamay ka ring kuripot na traveller. Parepareho kayong nakahilata sa mga upuan kung saan saan. Kaysa naman magbayad ka pa ng ilang libo, diba?
Hindi mo hinahayaang ma-charge ka for excess baggage. Ever. Kahit winter ka pa mag-travel at may dala dala kang mga bota at coat. Mas gugustuhin mo nang mag-layer layer kaysa magbayad, ‘no. Ano naman kung mahirapan ka sa bawat security check? Kaysa naman ikaw ang maghirap kasi na-charge ka ng excess baggage.
Lagi kang may baong pagkain para hindi mo kailangang bumili sa labas. May baon kang pancit canton at iba pa mula sa Pilipinas. Tapos, bibili ka na lang ng tinapay mula sa 7-Eleven. Syempre, titikim ka rin ng pagkaing banyaga. Pero mga isa o dalawang beses lang. Pagkatapos nun, buhay ka na ulit sa mga baon mo.
Akala nila mayaman ka, pero nag-aabang ka lang talaga ng seat sales sa Flight Deals – Philippines page. Hindi ka magbo-book kung hindi ka nakamura sa plane ticket. Kaya naman kahit magpuyat ka pa maabangan lang ang seat sale na iyan, gagawin mo. Ito talaga ang sikreto sa paglilibot ng buong mundo. Diba?
Basahin din ito: 8 Tricks to Successfully Grab Cheap Promo Flights in the Philippines
Sabihin man nilang kuripot na traveller ka, walang problema sa iyo. Alam mo namang mahalaga ang pinaglalaanan mo ng pera. Minsan, napapagastos ka pa rin sa travels mo, pero kaya mo naman na itong tanggapin. Travel is an investment, kaya push lang nang push.
Published at
Get our weekly tips and travel news!
Spread the good word!
Have better travels next year!
Don’t do it!
Maybe not, but then again…
Why can’t I stop buying plants?!
Coron, here we come!
Philippine Airlines now offers daily flights from Manila to Cauayan City, Isabela in just one hour. Say goodbye to long road trips!
Filipino coffee lovers, explore visa-free Laos—sip, zipline, and discover a coffee haven!
Ooohh, sexy accent la!
From the award-winning Suyac Island to Carbin Reef, Sagay City offers breathtaking natural wonders and unforgettable adventures. Explore this hidden gem this 2025!