Travel Flexing: Bakit Tayo Mahilig Mag-Post ng Travels?

Natapos na naman ang holidays natin. Malamang busog na naman tayo — hindi lang sa pagkain, kung hindi pati na rin sa sandamakmak na travel photos sa feeds natin. Malamang, hindi mo rin pinalampas ang pagkakataong i-showcase ang kinaroroonan mo noong mga nakaraang araw; in millennial terms: travel flexing.

Travel flexing — sa panahong ito, isa na itong kababalaghang hindi natin matatakasan. Sa katunayan, nakagugulat na kung may traveller na hindi mag-post ng travel nila sa social media. Ayon nga sa pag-aaral, mahigit kumulang sa 72 pursiyento ng mga traveller ang nag-popost ng photos nila tuwing nasa bakasyon sila.

Siguro, may kutob na rin kayo kung bakit laganap ang travel flexing sa panahong ito. Baka ang iba sa inyo, bumubuo na ng argumento sa mga isipan niyo. Huwag kayong mag-alala — hindi ito article na magsasabing masama ang travel flexing. Ibang usapan na iyan! Ang titignan lang natin dito ay ilang mga datos na empirically proven (big word!), para malaman natin kung bakit nga ba tayo mahilig mag-flex ng travels sa social media.

May mga hula na ba kayo? Base sa ilang pag-aaral, ito ang mga lumabas na dahilan kung bakit usong-uso ang travel flexing. Taas kamay kung makaka-relate kayo!

1. Para gamitin bilang modern-day photo album

Hindi naman bago ang pagkuha ng litrato para ma-capture ang masasayang alaala. At malamang, wala sa atin ang gustong makalimot ng travels natin! Pasalamat tayo sa phone cameras natin, at hindi na natin kailangang mag-alala kung paubos na ang film ng mga camera natin. At pasalamat din tayo sa social media sites — hindi na natin kailangang gumastos pa para ma-icompile ang mga travel photos natin.

Karamihan sa atin ay nagpa-practice ng travel flexing sa social media para may pwede tayong balikang travel photos online. Sa tuwing nakararanas tayo ng FOMO, ang Facebook albums o Instagram feeds natin ang magbabalik satin sa masasaya nating alaala.

2. Para maihayag ang mga #OOTD

Karamihan ng mga nagta-travel ngayon ay talagang pinag-iigihan din ang kanilang mga OOTD. Hindi ako exception dito! Mas exciting nga namang mag-experiment ng outfits kapag nasa lugar tayong walang nakakikilala sa atin. Not to mention, mas may dahilan din tayong magsuot ng seasonal outfits sa mga bansang may iba’t ibang panahon. (Teh, alangan namang mag-winter wear ka sa Pinas, diba?)

Maraming travellers ang nag-feflex ng travels sa social media dahil gusto nilang i-post ang magaganda nilang outfits — at hindi naman dapat ikahiya ito. Confidence lang, friend!

Basahin din ito: Dear Friend Na Feeling Travel Influencer, Push Mo Lang Yan

3. Para ipakita ang magagandang view

Syempre, hindi mawawalang gustong i-share ng mga nagta-travel flexing ang mga lugar kung nasaan sila. Ang ilang travellers, nag-popost ng travel photos para makapag-inspire ng iba. Kung may makita silang magandang view, gusto nilang i-share ito sa digital world.

Pero huwag tayong malinlang — hindi aksidenteng nakakikita ng magandang view ang mga kaibigan natin sa social media. Sa panahong ito, talagang nasa bucket list na ng mga traveller ang mga Instagram-worthy spots ng mundo. Kung hindi magaganda ang online photos ng isang destinasyon, hindi na ito pupuntahan ng karamihan ng travellers. Tama ba ito o mali? Ibang usapan na iyan.

4. Para mang-inggit

Sa kasamaang palad, mayroon pa ring travellers na nagta-travel flexing dahil gusto nilang mang-inggit ng mga kaibigan o kamag-anak. May mga travellers pa ngang hindi na tutuloy sa isang destinasyon kung hindi sila pwedeng magdala ng camera para i-document ang trip nila!

Ito na siguro ang dahilan kung bakit maraming bitter sa mga travellers. Kahit marami namang nagpo-post ng travel photos na may malinis na intensyon, may mga travellers pa ring tuwang-tuwa na naiinggit ang kanilang mga mahal sa buhay sa kanila.

Basahin din ito: Pagpopost Ng Travels Sa Social Media: Nagyayabang Ka Ba?

5. Para makipagkompetensya

Ito na siguro ang age of travel flexing. Kung halos lahat ng kilala mo ay nag-popost ng travels nila sa social media, malamang gusto mo ring maging “in.” Dahil dito, marami ring travellers ang nagta-travel flexing para makipagkompetensya sa kanilang social media network.

Sa katunayan, karamihan ng travellers ay nagpo-post ng deceiving travel photos para pagmukhaing perpekto ang trips nila. Kadalasan, hindi talaga pino-post ang mga negatibong experiences online. Dahil sa social media, tila bang may paligsahan na sa pagiging pinakamasaya sa travels nila. Nagiging competitive na ang travellers sa kanilang travel experiences, kaya todo todo na ang travel flexing nila.

Basahin din ito: 10 Commandments for Responsible Travel Flexing

Nakarelate ba kayo sa ilang mga dahilan sa kung bakit nagta-travel flexing ang mga travellers? At para sa inyo, masama ba ang travel flexing? Share your thoughts!

Published at


About Author

Danielle Uy

If Disney were creative enough to let Mulan and Melody procreate, Danielle would be that child. From an early age, she has dreamt of becoming a purposeful revolutionary... and an unruly mermaid. While Danielle hasn't held a sword in her lifetime, she feels powerful enough with her byline. Her creative energy is fueled by many things: the quiet right before the rest of the world wakes up, the orange sky as the sun rises during an uncrowded morning surf, the beautiful bitter taste of black coffee, and the threatening reminder of a pending deadline.

Brand Managers!

Want to see your brand or business in this story?

Talk to us now

Subscribe our Newsletter

Get our weekly tips and travel news!

Recommended Articles

Latest Articles